TTG: 11 - Saved from the Bullies

6.9K 161 2
                                    

Kezya's pov.


Papunta ako ngayon a library. Alam niyo na, itututor ko si Kai.

Sanay na ako sa mga pinag gagawa niya sa akin. Ang pagtripan ako, ang pagkatuwaan ako. 

Lahat 'yan  kinasanayan ko na. Ano pa bang magagawa ko?

Wala nga pala si Thea. Hmp! May meeting daw sila kasama ang mga Student councils so it means, walang magbabantay sa akin habang tinututor ko si Kai.


Si Alexa naman... May klase pa hindi pa sila lumabalabas.


Malapit na sana ako sa library nang natisod ako dahilan para tumawa ang mga estudyante sa paligid ko.


Napaupo din ako sa sahig
Sino na naman ang mga ito?
May nagtisod sa akin.


Nang maiangat ko ang ulo ko.  Sila na naman, ang tatlong babaeng bully. Tsk hindi pa ba sapat yung paglilinis nila ng cafeteria?


Tsk!


" Oops,  sorry... Akala ko kasi palaka eh. Ayan tuloy natisod kita." sarkastikong salita ng isa sa kanila...


Kung hindi ako nagkakamali, siya si Shannaia.


Sa dinami dami ng pwede nilang pagtripan, ako pa ang napagtripan nila.


" Ano ka ba Shannaia, palaka nga 'yan eh,  " tugon naman ng isa.


" Oo nga, palaka na maitim." sabi naman ng isa na ikinatawa ng lahat.


Little bitches are here. Again. Kelan ba sila matatapos sa pambubully nila sa'kin? Pagdating ng winter season?


" Hey, back off! Don't you dare bully her or else! "


Narinig kong may sumigaw. Boses lalaki. 

Ang akala ko ay si Rein, pero nagkamali ako.

Natahimik ang lahat ng makalapit siya.

Walang nagsalita, hangin lang ang maririnig mo ngayon. Nakakabingi rin ang katahimikan ngayon.


" Back off!" cold na sabi nito.


Umatras nga ang tatlong hinayupak.


Tinulungan niya akong tumayo.


" Lahat ng estudyante dito,  makinig kayo.  Walang sino man ang pwedeng mang asar, mang trip, o kahit samaan lang siya ng tingin ay bawal! Dahil sa susunod na gawin niyo 'yon, ako ang makakaharap niyo! Lalo na kayong tatlo. " at tinuro niya ang tatlong babaeng kaharap namin.


Wow. Just wow. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko ngayon.


Ang gangster, ang bully, ang hinahangaan ng lahat, ang pinapangarapan ng mga babae....  ay nandito ngayon at pinagtatanngol ako.

Oo,  tama ang nabasa niyo,  si Kai Chinson pinagtatanggol ako sa tatlong babae na ngayo'y gulat na gulat.


" Are we clear?! " muling tanong ni Kai.

" YES. " halos lahat  nilang sagot.

At pagkatapos non' ay tahimik pa rin ang lahat.


" Let's go to the library, shall we? " hindi ko alam pero mabilis na napatango niya ako.

At dere deretsong pumunta sa library.


 Tutoring the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon