TTG: 23 - Confront

5.7K 122 3
                                    

Author's note: Sorry i was busy this past few days. Anyways, thanks for the votes! I appreciate them all!

Listen to the song:

" Promise " by Exo

" Brave " by Barailles

The song, brave inspired me and it's a good song too. Go Listen to it! ʕ•ﻌ•ʔ

While the song, promise is a kpop song which is sang by a kpop group named, exo. The song, promise made me cry.. Go listen to it^_^

This is heartedprincess21/AzhirneXion, leaving you with a quote about this chapter.

' she's always hurt when you are with her... '

Kai's pov.

" Doc, ayos lang po ba siya? " nag aalalang tanong ko sa doctor.

" Medyo malalim ang natamo niyang sugat pero 'wag kang mag alala. Naagapan naman namin. Sa ngayon ay kailangan niya muna ng pahinga. " tugon ng doktor at doon naman ako nakahinga ng maluwag.

" S-salamat po, Doc. Pwede na po ba akong pumasok sa loob? " tanong ko ulit.

" Oo, maaari na. Pero may isa pang problema sa kanya na naagapan din naman agad namin" nag aalalang sabi niya kaya mas lalo akong kinabahan!

" Ano po 'yon, Doc? " kunot noong tugon ko.

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita... " May sakit siya sa puso, iho at buti na lang ay agad naming naagapan. Everytime na worried siya or nervous, bumibilis at lalong lumalakas ang tibok ng puso niya. Delikado 'yon at buti na lang ay agad naming naagapan. Sana ay 'wag ng umulit ang ganon dahil baka mas lalong maging malala.... " nag aalalang sabi niya na ikinagulat ko.

M-may sakit siya sa puso?

" Sige salamat po, Doc. " wala sa sariling usal ko.

" Sige, maiwan muna kita. " tugon niya at nilagpasan na ako.

Sinabunutan ko ang buhok ko dahil sa inis!

' Bakit ka laging nadadamay ha?! Tuloy, pakiramdam ko ay obligasyon kong tulungan ka kapag lagi kang nasasangkot sa gulo! '

Halos sigawan ko na siya sa isip ko! Nandito ako ngayon sa hospital dahil nga nasaksak ang nerd na 'yon! Pinaalis ko muna ang mga Red Gang dahil ayokong pati sila ay makigulo sa'kin.

Bwisit kasi ang Sean na 'yon!
Siya ang nakasaksak pero ako ang nagdala sa nerd na 'to dito sa hospital. Pero niligtas niya ako kaya dapat lang sigurong suklian ko 'yon.

Kung hindi lang dumating ang babaeng 'yon ay hindi siya ang masasaksak kundi ako at kung hindi siya nasaksak ay hindi ako magkakaroon ng obligasyon para tulungan siya! But she saved my life...

Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako nag aalala pag dating sa kanya. Natural lang siguro 'to dahil ako naman ang may kasalanan kaya dapat lang akong mag alala.

Nasapo ko ang noo ko dahil sa mga naiisip ko at bumuntong hininga. Wala naman kasi sa planong may ibang masangkot sa gulo namin. Hindi ko naman din inaasahan na bigla na lang siyang dadating 'non. Pati siya ay pinoproblema ko pa.

Pumasok na ako ng kwarto niya at tumambad sa'kin ang nakahigang si Kezya na mahimbing na natutulog.

Lumapit ako sa kanya upang pagmasdan ang kanyang lagay. May nakalagay na benda sa kanyang kaliwang braso kung saan siya nasaksak.

Umupo ako sa upuan na nakatabi lang ng kanyang hospital bed.

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya.

 Tutoring the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon