Kezya's pov.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Aba, ewan ko ba. Alas-singko pa lang nagising na 'ko.
Ginising ko na rin si Alexa.
" Ang aga mo naman nagising hahaha! " sabi niya.
" Ayaw mo non, para hindi tayo ma late... "
" Sa bagay. "
Pagkatapos 'non ay ako ang unang pumasok sa C. R at naligo, pagkatapos ay nagbihis na rin...
Pagkalabas ko ay si Alexa naman ang pumasok at naligo. Tumingin ako sa salamin, sinuri ko ang mukha ko.
Pimples pa rin. Actually, hindi ko nga ginagamit ang pinamiling beauty products sa'kin ni Alexa eh.
Bakit? Simple lang. Dahil
A-yo-ko. I don't use beauty products. Ayoko lang talaga.Hindi niya pa nga alam na hindi ko pa ginamit 'yung mga pinamili niya sa'kin eh, baka kasi magalit siya. Eh, kapag naman tinanggihan ko, magagalit pa rin siya...
After 30 minutes ay nakapagbihis na si Alexa at nag lalagay na lang mg kung ano ano sa mukha.
Maaga pa naman at buti ay hindi kami ma lelate. Nasa harap kasi siya ng salamit at ako ang nasa likod niya, bale nakikita rin ako sa salamin kaya tumingin siya at nagsalubong ang dalawang kilay niya.
Para ba'ng may dumi yung mukha ko? Sa bagay, may dumi nga naman talaga.
" Oh, Kez... H-hindi ka yata naglagay ng cream sa mukha mo? Yung mga pinamili kong beauty products... ginagamit mo ba? "
O o
____" A-ahh. Alexa, s-sa totoo lang.. h-hindi ko pa ginagamit eh. "
" Ha?! Bakit naman? "
" A-ahh e-ehh... A-ayoko kaso eh, hindi talaga kasi ako gumagamit ng mga ganyan. " pag-aamin ko.
" Bakit ayaw mo? Ayaw mong gumanda ka? "
" O-okay na ako. "
" Anong okay? Hahayaan mo na naman silang lait laitin ka ng ganyan? "
> <
___" H-hindi naman... Ayoko lang talaga kasi gumamit ng mga ganyan— "
" Gamitin mo na, sige na. Sayang naman yung pinamili ko kung hindi mo gagamitin eh. Hayys. "
> <
—-" S-sige na nga... "
Ngumiti siya ng malaki. Malaking malaki na para bang binigyan siya ng kendi.
Sinimulan niya akong lagyan ng cream daw sa mukha ko.
At ang lagkit!
Kaya nga ayokong naglalagay ng mga ganyan ganyan eh! Malagkit, nakakainis!
Buti na lang talaga at maaga kaming nagising! Hayyst kung hindi, late na naman kami!
Kung ano ano pa ang pinaglalagay niya sa mukha ko.
Matagal bago matapos, nagbanlaw na ako ng mukha at nagpunas.
" Oh ayan dapat lagi kang naglalagay ng mga nilagay ko sa mukha ko kanina, para mawala na 'yung mga pimples mo sa mukha at para medyo pumuti ka naman ng onti. " nakangiti niyang sabi kya ngumiti na lang din ako pabalik.
![](https://img.wattpad.com/cover/120965899-288-k137906.jpg)
BINABASA MO ANG
Tutoring the Gangster
Teen Fiction" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel