TTG:28 - Intram High

5.5K 112 4
                                        

Kezya's pov

Natapos ang laro at natalo si Alexa. Simula kasi nung nadulas siya sa balat ng saging ay napansin naming nawala siya sa mood. Buong laro nun ay nakakunot na ang noo niya. Ikaw ba naman ang madulasng balat ng saging, hindi ka ba mabibwisit.

Idagdag mo pa'ng pinagtawanan siya ng ibang tao kanina.

" 'Wag ka ng sad, may laro ka pa naman bukas di'ba? This time may ka partner ka na at paniguradong hindi ka na matatalo kaya smile ka na diyan. " pag checheer up sa kanya ni Thea.

Nandito na kami ngayon sa court at hinihintay ang laban na Rein. Papuno na rin ng mga tao ang mga bleachers kaya paniguradong malapit na silang magsimula.

" Kainis kasi 'yung kung sino man ang nagtapon ng balat ng saging. Kung hindi sana ako nadulas ay nanalo ako hayyst. " naiirita niyang sabi.

Wala na kaming magagawa alanganamn ireplay namin 'yung laro. " Hayaan mona 'yun, basta mag focus ka na sa laro mo para bukas. " pagkasabi ko non ay may narinig kaming pumito.

Tinignan namin 'yon at nakitang padating na ang mga players kaya nagsimula ng maghiyawan ang mga tao sa loob ng court.

" WOHOOOO!!!! "

" GO JEEED!!! "

" GO KYLLEEEE!! "

" YESSSS!!!!! "

" GO KAAAAIIIII!!!! "

Nabigla lang ako nang isigaw nila ang pangalan ni Kai. So, kalaban ng Team ni Rein ang Team ni Kai?

" Okay, it's the section of Rizal vs. the section of Mabini! Players get ready! " pag aannounce ng emcee sa stage at muli namang naghiyawan ang mga tao.

Nagpwesto na ang mga players pero bago nagsimula ang laban ay nagtama ang paningin namin ni Rein kaya ngumiti ako at kumaway. Ngumiti din siya kasabay 'nun ay kumindat siya sa'kin...

Pagkatapos 'nun ay umiwas naman ako ng tingin at saktong nagtama ang paningin namin ni Kai. He is smirking at me. Ano na namang problema nito? Pero nakakapagtaka lang kung bakit ang gwapo niya pa rin kahit naka smirk siya! Pansin ko ding may benda ang kaliwa niyang noo. Nang dahil doon ay naalala ko na naman ang nangyari nung isang gabi. Hindi pa rin ako nakakapag sorry sa kanya. Hayyst di'bali, pagkatapos na lang siguro ng game.

Umiwas na ako sa kanya ng tingin at saktong nagsimula na ang laro.

Nasa Team nila Rein ngayon ang bola. According to what Rein said, captain ball daw siya ng team nila. Nabigla nga ako eh. Hindi ko alam na captain ball pala siya.

Kaso nga lang, parang ewan siyang nakangiti habang dinidribol ang bola papunta sa net, pinasa niya sa ka team niya at tulad nito ay dinribol niya ito at pinashoot sa basketball net kaya naghiyawan ang mga tao.

" Wohooooo! 2 points!!!!!!!! "

" Yeahhhhhhhh!!!!!!! "

" GO KENETTTTHHHHHH!!! "

" GO TEAM RIZALLLLLL!!! " sigawan ng mga tao.

Sa totoo lang nakakabingi na ang mga sigaw nila. Kung makasigaw ay akala mo kaharap nila ang artista.

" Woohoooooo!!!! Go REIIINN! " sigaw naman ng dalawang katabi ko.

Muling nagpatuloy ang laro at this time, nasa Team na ni Kai ang bola. Actually, na kay Kai ang bola. Dinidribol niya na ito para sana ishoot sa net kaso inagaw ni Rein ang bola kaya dumeretso siya agad sa kabilang side para ishoot ang bola.

Si Kai naman ay biglang kumunot ang noo at mukhang nabadtrip. Sinabunutan niya pa ang kanyang buhok at umiling iling. Wala na siyang nagawa kung hindi sundan na lang ang mga kasama niya.

 Tutoring the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon