Hindi ko alam kung bakit natatawa ako sa chapter na 'to wahaha! Anyways, enjoy reading:)
Ps: Happy 2k reads everyone!! Thank you so much for reading this story! XOXO
Kai's pov.
Nagpaalam ako sa mga Red Gang na magCCR saglit kaya naglakad na ako papunta roon. Malapit na sana ako nang makita ko ang isang pamilyar na pigura ng lalaking nakatalikod at may tinitignan.
Dala ng kuryosidad ay mas lalo akong lumapit para makita ang pamilyar na lalaki.
Nanng makalapit na ako ay nakilala ko ito at hindi nga ako nagkamali, siya iyon.Sinundan ko ng tingin kung sino o ano man ang tinitignan niya at nakita kong papalabas ng campus sila... Rein at Kezya?!
Kumunot ang noo ko. Ano'ng gagawin ng dalwang 'to? At sa labas pa talaga ng campus ang punta nila?
Nakita kong sinundan nung lalaking nakita ko sila Rein at nung nerd kaya patago ko rin siyang sinundan. That person is up to something and i wanna know it.
( Habulan lang ang peg?! Haha!)
Patago din akong lumabas at buti na lang hindi ako nakita ng guard.
Sinundan ko sila. Hindi ko alam kung bakit pero nacurious ako. Kilala ko ang taong 'yon. Masama siyang tao.
Rein's pov.
Nang marating na namin ang ice cream shop ay pumasok na rin kami kaagad.
" Ano'ng gusto mong flavor? " tanong ko sa kanya.
" Kahit ano na lang. "
" Kahit ano na lang? Walang ganu'ng flavor. " biro ko sa kanya kaya hinampas niya naman ako sa balikat pero natawa lang ako.
" Strawberry na lang. " naiinis niya pang tanong sabay upo dun sa may vacant seat.
Walang tao dito ngayon sa loob dahil medyo maaga pa. Buti na lang. Gusto ko kasi tahimik mwehehe.
Pagkatapos kong mag order ay umupo na ako kung nasaan siya at nagsimula na kaming kumain.
.
Kaya ko siya inayang mag ice cream ay hindi dahil trip ko lang. Gusto kong... mag confess sa kanya na gusto ko siya.Oo. Tama ang nabasa niyo. Gusto ko si Kezya Denisha Laurel. May something siya na nagustuhan ko. Atsaka hindi ko alam kung bakit sinasabihan siyang pangit eh ang ganda niya nga. That's the truth. For me, she's beautiful. She's like a goddess. She treats me like a friend but i treat her more than a friend.
Ewan ko. Nung minsan nga, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Kapag hindi ko siya nakikita ay bigla lang akong nalulungkot. Siya lang 'yung tipo na tao na nakakapagpasaya sa'kin. Oo, ang corny na pakinggan pero 'yun naman yung totoo eh.
Pero ngayong nandito na ako. Parang gusto kong mag back out. Ayoko ng ituloy. Bakit? Kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka iignore niya lang ako. Natatakot ako sa magiging sagot niya sa'kin.
Pero nandito na ako eh. Pinlano ko 'to eh kaya dapat ituloy ko. Bahala na kung anong magiging sagot niya, atleast makakagaan sa loob kapag sinabi ko 'yung nararamdaman ko para sa kanya.
Tinignan ko siya na nag eenjoy kumain ng ice cream. Huminga ako ng malalim at nagsalita.
" Kez? " tawag ko sa kanya.
" Hmmm? " sagot niya naman pero hindi siya tumitingin sa'kin dahil kinakain niya pa rin 'yung ice cream niya. Cute
" Ano kasi eh... m-may sasabihin sana ako sa'yo. " ano ba 'yan! Kinakabahan na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/120965899-288-k137906.jpg)
BINABASA MO ANG
Tutoring the Gangster
Novela Juvenil" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel