A/N: This Chapter is Dedicated to @Kaeden707 siya kasi yung pinakaunang nag comment mwuhahahaha!
Kezya's pov.
Natapos ang araw na 'to at hindi ko na itutor ang gangster na 'yon. Tss ang lakas rin ng topak eh.
Ba't kasi hindi man lang niya ako kinausap at sabihing makikipag away siya at hindi ko matuturuan tsk! Kabanas!
Teka nga... A-ano ba'ng pakeelam ko?!
Kung hindi ko siya matuturuan edi hindi! Kung hindi siya nagsabi sa'kin, edi hindi!
Ano ba'ng nangyayari sa'kin! Tsk!
" Keeeeezzzzz!!!!! " napalingon ako sa tumawag sa'kin at natanaw ko si Thea na papalapit sa'kin.
Hinihingal siya nung lumapit sa'kin.
" Oh, bakit?! " takang tanong ko sa kanya.
" Si.... Kai " hinihingal pa ring sabi niya.
Salubong naman ang kilay kong tumingin sa kanya.
Nagulat pa ako ng bahagya nang bigla niyang banggitin ang pangalan ng gangster na 'yon.
" Oh, napano?! " taka ko pa ring tanong.
Wala akong ka ide ideya kung bakit binanggit niya pa ang pangalan na 'yon. Tsk! Wala na, sirang sira na talaga ang araw ko! Psh!
" Ayy. Galit galit? Hmmp. Bahala ka. Hindi ko na nga sasabihin. " inis na sabi niya naman.
Nagulat pa ako ng bahagya. Lumilitaw na naman ang pagkachildish ni Thea. Hahaha!
Natawa pa ako sa kanya.
" Oh, sorry. Ano ba kasing sasabihin mo? " kunwaring tanong ko.
" Hmmp! Si Kai!!! " sigaw niya bigla at napangiwi naman ako sa sigaw niyang 'yon.
Para namang nasa kabilang kanto ang kausap ng babaeng kaharap ko. Tsk!
" Teka nga... Kung makapagsalita ka eh parang ang layo layo ko sa'yo. " salubong ang kilay ko ng sabihin ko 'yon sa kanya.
" Sorry naman. "
" Oh, e ano nga ang sasabihin mo? " muling pagbabalik ko sa usapan.
" Pinapasabi kasi ng principal. "
" Na ano? "
" Kasi... di'ba sina Kai at yung mga kasama niya, na office? Eh, masususpend daw sila ng dalawang linggo. Hindi mo siya matututor sa school pero..sa d-dorm niya. "
O o
—--
' Hindi mo siya matututor sa school pero... sa d-dorm niya.'
' Hindi mo siya matututor sa school pero... sa d-dorm niya. '
' Hindi mo siya matututor sa school pero... sa d-dorm niya. '
' Hindi mo siya matututor sa school pero... sa d-dorm niya. '
Nagpaulit ulit sa utak ko ang sinabi ni Thea.
" A-ang alam ko.... h-hindi pwede ang mga babae sa dorm ng mga lalaki! Impossible! " singhal ko bigla.
" Kaya nga eh! Hindi ko alam basta pinapasabi lang ng principal, okay?! " singhal niya rin.
BINABASA MO ANG
Tutoring the Gangster
Teen Fiction" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel
