A/N: This is the last chapter of Tutoring The Gangster! Thank you guys so much for reading and waiting for the updates of TTG kahit mabagal ang update:) TYSM for reading! Ily guys so much!! ♡
This chapter is dedicated to all the readers and supporters of TTG!
Enjoy reading! Mwuah!
______________________________
Kezya's p.o.v
Pumipintig ng mabilis ang puso ko habang naghihintay, sa t'wing nakikita ako ni Kai na hindi komportable, sasabihin niya lang na magiging okay lang ang lahat. His gang is on their way so I have nothing to worry about.
Pero bakit, praning na yata ako. Bakit pakiramdam ko, may mangyayaring masama. Oh please. 'wag naman sana. Wala ng mas lalala pa dito hindi ba? I had enough. Please, wala na sanang mangyaring masama baka hindi ko na kayanin pa.
Ilang minuto ang nakalipas ng paghihintay namin, biglang pumasok ang grupo ni Sef at siya. Humigpit ang hawak ni Kai sa kamay kong nanginginig. Sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi niya nang makita ang masamang titig ko.
" Ano? Natapos niyo na ba ang pamamaalam sa isa't isa? " the room was silent. Pareho kaming hindi sumagot ni Kai.
" Aba, parang hangin ang kausap ko rito ah? Hindi kayo magsasalita? " halos pasigaw niyang tanong. Wala akong balak magsalita, I'm tired. I just want to finish this. Gusto ko ng bumalik sa Klam High, gusto ko ng makita ang mga kaibigan ko.
Nang hindi talaga kami nagsalita ulit ni Kai, mas lalo siyang nanggigil. " Eh ano pa ang silbi ng mga dila niyo? Gusto niyo na talagang mamatay ah? Sige! " sinenyasan niya ang mga grupo niya na lumapit sa'min.
Unti unti silang lumapit, may mga dalang baril. Itinutok ang iba sa'kin, at ang iba ay kay Kai nakatutok. I can feel his anger, kahit nanghihina siya alam kong gusto niyang lumaban kung hindi lang nakatali ang mga kamay niya sa kalaban.
" Ano pang hinihintay niyo? Iputok niyo na! " tila naiinip na tugon ng kanilang leader. Napapikit na lang ako kasabay nito ang pagtulo ng luha ko, hinihintay na paputukan ako ng bala pero may narinig kaming isang napakalakas na pagsabog sa labas.
Napatingin kami sa labas. " Ano na naman iyon?! " ani Sef at lumabas. Isa pang pagsabog ang muli naming narinig kaya napapikit ulit ako ng mariin. Bumulong si Kai sa tabi ko.
" They're here... " alam ko ang tinutukoy niya, nandito na ang mga gang ni Kai. Ang Red Gang, ibig sabihin maliligtas nila kami.
Sinundan ng mga grupo si Sef, narinig ko ang pagkahulog ng susi mula sa bewang ng isa sa kanila ngunit hindi nila ito napansin, kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para kunin ang susi na malapit lang sa kinaroroonan ko.
" Dali! " nanginginig ang kamay kong sinubukan buksan ang lock ng kadena. Hindi ako nagkamali, ito nga ang susi sa kadena!
Agad kong tinanggal ang kadena na nakasabit sa magkabilang kamay ko, nahiraoan pa ako ng kaunti dahil parehong nakatali ang kamay ko, sunod ko namang ini-unlock ang susi ng kadena na nakatali sa kamay ni Kai.
Nang matanggal ay nagmamadali kaming nagtatakbo palabas pero nakita kami ng isa sa myembro ng gang ni Sef.
" Where do you think you're going? " kunot noong tanong nito, sumugod ito palapit sa'min, bigla akong dinala ni Kai sa likod niya at sinipa ang tiyan ng lalaki.
Napadaing ito at natumba sa sahig, buti at siya lang mag isa dahil lahat ng mga kasamahan niya ay nasa baba. Kinuha ni Kai ang pagkakataon at inapakan ang dibdib ng lalaki habang nakahiha ito sa sahig, dinampot niya ang baril na nasa bewang nito kahit nahihirapan dahil maging siya ay sugatan.
BINABASA MO ANG
Tutoring the Gangster
Teen Fiction" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel
