Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 32 - Jelous

5.6K 139 4
                                        


This chapter is dedicated to
YssiSalvo for voting every chapter! Enjoy and thanks so muchh!!! :)))

Ps: Happy 7k reads everyone!! Thank you sa mga bumabasa at patuloy na babasa nitong story kahit slow update siya:) Thank you, I love youuu mwahh!!

Kezya's pov.

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong kamay na nakahawak sa noo ko kaya dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko.

Unang nakita ko ay blurr. Blurr lahat at nakikita ko lang ang isang pigura ng lalaki hanggang sa naging malinaw na ang lahat ng nakita ko.

Tumambad sa'kin ang nag aalalang si Rein.

" Mabuti naman at nagising ka na! " at niyakap niya ako ng napakahigpit kaya napangiti ako ng kaunti.

Inilibot ko muna ang paningin ko at nandito ako sa dorm namin ni Alexa.

Teka... Si Rein lang ang kasama ko dito? Nasaan ang dalawa kong kaibigan?

" R-rein? N-nasan si Alexa at Thea? " tanong ko.

" Lumabas saglit para bumili ng gamot mo. Ang taas pa naman ng lagnat mo. Huwag kang mag alala babalik din naman 'yung mga 'yon. "

Tumango tango na lang ako sa sinabi niya. Tama siya, nararamdaman ko na mainit ang pakiramdam ko. Mukhang mataas nga ang lagnat ko.

Naalala ko ang mga nangyari nang mahimatay ako kanina. May nagbuhat sa'kin. Pero sino?

Lalaki siya. Hindi kaya si Rein? Pero hindi eh... Iba ang pakiramdam ko sa lalaking 'yon.

" Rein? I-ikaw ba ang nagdala sa'kin dito sa dorm? " dahan dahan kong sinabi.

" Oo. Bakit? " sagot niya kaya kumunot ang noo ko. Siya pala ang nagdala sa'kin dito sa dorm pero bakit pakiramdam ko ay hindi siya?

Atsaka kung siya 'yon, bakit nandoon siya malapit sa dorm ng mga babae. Hindi ba't kasama niya si Alexa at Thea n'on? Hayystt! Ano ba talaga?

" Ikaw 'yung lalaking nakita ko n'on? " paninigurado ko

Kumunot naman ang noo niya na para ba'ng sinasabi niya na bakit ko 'to lahat tinatanong.

" Oo nga... " saglit lang ay natawa siya ng kaunti.

" Eh, di'ba kasama mo sila Alexa at Thea? Bakit nandun ka nung mga oras na 'yon? "

" Sinundan kita. Alam kong hindi mo kaya maglakad ng mga oras na 'yon kasi halata naman sa mga kilos mo. Nahihilo ka. Sabi mo kaya mo na n'on at sadyang matigas ang ulo mo kaya naisipan namin ni Thea at Alexa na sundan ka. Bumili nun sila ng gamot mo at ako naman ang nagbuhat sa'yo... " mahabang kwento niya kaya napatango tango na lang ako pero napatigil din.

Kung siya ang lalaking nagbuhat sa'kin, ibig sabihin siya rin ang nagsabi nang...

" Don't you dare make me worry again or else, i'll kiss you... "

" Don't you dare make me worry again or else, I'll kiss you... "

" Don't you dare make me worry again or else, i'll kiss you... "

" Don't you dare make me worry again or else, i'll kiss you... "

" Ulitin mo nga 'yung sinabi mo bago ako mawalan ng malay.... "

( Uyyy!!! Kenekeleg se authorrrrr hahahahaha! Kulit rin ni Kezya 'no? XD:) )

Kumunot naman noo niya at mukhang nagtataka.

" Ano? Ano'ng sinabi ko? " kung kanina ay siya ang nakakunot noo ngayon ako naman ang nakakunot noo.

Hindi ako pwedeng magkamali. Narinig ko ang mga sinabi niya.

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon