TTG: 14 - Suspended

6.6K 151 3
                                    

A/N: Hi to all the readers out there! I just want to dedicate this chapter to @fatimaflorzafe, siya ang kauna-unahang nag vote sa TTG kaya super thank you sa'yo! And sorry, hahaha! Sa ngayon, imemention ko muna muna ang mga names niyo kapag nag dededicate ako! 'Yun lang! God bless you and enjoy reading!




Kai's pov.

Inis akong naglakad papunta sa principal's office kasama si Jed. Kaibigan ko.

Habang naglalakad ay biglang nagsalita si Sir Harlem.

" Alam niyo ba kung ano ang ginawa niyo ha?! Nag -iisip ba kayo?! "

Walang sumagot. Tsk! Hindi ako ang nagsimula ng gulo, aaminin ko!

" Konti na lang ay magpatayan kayo eh! Pasalamat kayo at ako ang nakakita ng pinaggagawa niyo at hindi ang principal! Paano na lang kung ang principal ang nakakita?! "

Wala pa ring nagsalita at patuloy pa rin siya sa pagsasalita.

" Ang lalaki niyo na! Alam niyo na ang tama at ang mali! Para kayong mga bata kung umasta! " sigaw niya pa.

Dakdak siya ng dakdak hanggang sa makarating kami sa office at aaminin ko na kinakabahan ako.

" Pag pasok niyo sa loob ay wala munang magsasalita! Malinaw? " taas kilay niyang tanong.

" Yes sir. " sagot naman nila.

Hindi na ako sumagot dahil wala akong balak! Kumatok muna siya sa pinto bago buksan ito.

" Sir— " hindi ko na pinakinggan kung ano man ang sinabi niya dahil hindi ako interesado! Tsk!

Alam ko naman kinausap niya ang Principal dahil sa mga nangyari sa'min, at panigurado ako! Masususpend kaming apat! Tsk! Kung hindi lang sana sinimulan ang kagaguhang ginawa ni Sean, hindi sana mangyayari 'to!


- Flashback -

Kasama ko si Jed ngayon dito sa cafeteria. Wala ang mga kasama namin dahil... nag cutting, ano pa ba?! Eh, lagi namang nagkakacutting classes 'yung mga 'yon.

Buti kami ni Jed, goodboy! Hehe.

Nag- order lang kami ng kinakain habang nagbubulungan na naman ang mga estudyante!

" Ang gwapo ni Kai ano? "

" Ano ka ba, Ely. Kelan ba siya naging pangit! "

" Hayy basta, ang gwapo gwapo niya talaga! Sana akin na lang siya! "

" Eww! Sa mukha mong 'yan?! Tsk! Tingin mo mapapasayo siya?"

Hindi ko na sila pinakinggan pa.

" Bro, chics oh! " turo niya pa sa mga babaeng nagbubulungan pero hindi ko siya sinagot.

As if i'm interested. Tsk.

Umupo kami sa usual spot namin at nagsimulang kumain.

" Bro, paano kung malaman nila? "

Napatigil ako sa pagnguya at tumingin sa kanya.

" Ang alin? " takang tanong ko.

" 'Yon. " sagot niya naman.

Peste! Pabitin eh!

" Yung alin nga?! Engot! " inis na sabi ko sa kanya na ikinatawa niya naman.

" 'Yung tungkol kay Yvonne. " aniya.

 Tutoring the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon