Alexa's p.o.v
Nakaramdam ako ng kaba kaya bigla akong napamulat ng mata, tumambad sa'kin ang kisame, hindi ko alam pero tinignan ko ang katabi ko at nagulat na wala siya sa tabi ko.
Nauna na kaya siya? Nagsulputan ang mga tanong sa isip ko. Sabay naman kaming umaalis nun, naghihintayan kami bago pumasok, pero bakit wala siya? Nauna na ba talaga siya? Bakit naman, nagmamadali kaya? Bakit hindi niya ako tinext man lang? Ito na naman tayo, pinag aalala mo na naman ako Kezya.
Baka nauna na nga siya. Bago dumeretso sa banyo ay tinext ko muna siya, pinatay ko na ang phone ko pero habang naglalakad ako papuntang banyo ay nakita ko ang bag niya sa sala. Wait... If her bag is here, then...
Hindi pa siya pumuntang school!
Nagsimula akong magpanic, I searched every corner of the dorm but I couldn't find her.
Stay calm, Alexa. Baka nasa baba lang siya o baka nauna na nga sa school, nakalimutan lang ang bag niya.
Ganun na lang inisip ko, nagbabakasakaling nakalimutan niya nga lang ang bag niya at nauna na. Habang naliligo, maraming negative thoughts akong naiisip, mga what if thoughts.
Hindi kaya... tinatanong niya kagabi na kapag nawala siya,hahanapin namin siya... ay dahil ba nawala siya ngayon?
Kung ano ano na lang ang negative thoughts na naiisip ko, I see no possibilities, nawawala ang kaibigan ko, nawawala na naman siya at paano kung sabihin ko 'to sa mga kaibigan ko? Paniguradong mag aalala na naman sila! Lalo na si Kai!
Bakit hindi niya man lang alam na nawawala ang girlfriend niya? Hindi niya ba tinawagan o tinext man lang?
Minadali kong maligo para tignan kung nasa school na nga si Kezya pero pagdating ko sa room...
Kezya was nowhere to be found. Naiiyak akong napaupo sa upuan ko, napatingin sa akin ang mga kaklase ko, at nag aalalang nilapitan ako.
Tinanatanong nila kung anong nangyari, kung ayos lang ba ako at kung ano ano pa pero hindi ako makapagsalita, parang may nakabara sa lalamunan ko hanggang sa naramdaman ko na lang na nag uunahan na sa pagtulo ang mga luha mula sa mata ko.
Dumating ang professor namin at nakitang nakapalibot ang mga kaklase ko sa'kin. " Miss Bliss, What's wrong? " saad niya.
Tumingala ako at halata sa kanya na nag aalala rin siya, I wiped my tears away. " Sir, Kezya is gone. " and then the whole class went silence.
Kezya's p.o.v
Naalimpungatan ako nang may marinig akony nagbukas ng pinto, saktong pagbukas ng mata ko, may taong lumabas mula sa kwarto kung nasaan ako ngayon.
Ngayon lang nag sink in sa akin lahat. Ngayon naalala ko na, kinuha ako ng mga gang kanina! At dinala nila ako sa.. nang ilibot ko ang mga mata ko kung asan ako ay unang tumambad sakin ang walang lamang kwarto, medyo may kalumaan na rin ito. Tanging isang maliit na lamesa at nakapatong na walang lamang baso ang nandito, other than that, wala na.
Kailangan kong umalis dito! Kapag nalaman ng mga kaibigan kong wala ako sa school ay tiyak na mag aalala ang mga 'yon.
Kahit na masakit ang katawan ko't lalo na ang nararamdaman ko, madalian parin akong tumayo at handang tumakbo paalis nang maramdaman ko ang ingay na ginawa ng kadena dahilan para mahila ako pabalik sa kinauupuan ko.
Napadaing ako sa naramdaman kong sakit pagkabagsak ko. Pinagmasdan ko ang kadenang nakatali sa magkabilang kamay ko. Nakaattach siya sa isa sa mga sabitan at may susi pa ito.
Napapikit ako ng mariin, nawawalan ng pag asa na makaalis saka ko naramdaman ang tuloy tuloy na pagluha ng mga mata ko.
I was scared, too scared to the point na nakakaisip na ako ng mga negative thoughts.
BINABASA MO ANG
Tutoring the Gangster
Roman pour Adolescents" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel
