TTG: 29 - Cheated

5.3K 105 3
                                    

Kezya's pov.

Gulat na gulat ako sa narinig ko mula sa sinabi ng babae na nasa harapan ko ngayon.
Hindi ako makapaniwala sa nasabi niya. Napako lang ako sa kinauupuan ko habang gulat na nakatingin kay Shannaia na ngayon ay nakangisi na.

Napalunok ako. Hindi ko kayang gawin ang mangopya. Kailanman ay hindi ako nangopya. First time kong pumasok sa isang contest pero ganito lang ang resulta? Bigla akong nakaramdam ng inis at parang gusto kong ibato ang mga nasa harapan ko ngayon.

Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Natatakot ako dati na sigawan at tignan ng masama ang mga taong nakapaligid at nambubully sa'kin pero ngayon... parang gusto kong gawin. Parang gusto ko silang sigawan at sabihing hindi totoo ang mga sinnabi niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Ginagalang ang mga matatanda't hindi sinisigawan.

Patago kong ikinuyom ang mga kamao ko upang pigilan ang magalit at muli ay pinakalma ang sarili at huminga ng malalim bago magsalita.

" Hindi ko po 'yon kayang gawin, Ma'am. Hindi po ako nangopya kailanman. " mahinahon kong sabi.

Anong tingin nila sa'kin? Mangongopya? 'Yun lang ba ang ebidensya nila? Nakakainis na, dapat nga talagang hindi na lang ako sumali kung ganito lang ang kalalabasan ng bwiset na contest na 'yan.

" Wala kang magagawa doon, Ms. Laurel dahil may isa pa kaming ebidensya. " aniya atsaka may kinuhang brown envelope. Tumingin ako kay Shannaia na ngayo'y nakangisi sa'kin.

Sa totoo lang, gusto ko siyang sigawan ngayon, gustong gusto ko siyang sabihan ng mga masasakit na salita pero alam kong walang sense kung gagawin ko man 'yon.
Wala akong nararamdaman ngayon kundi galit.

" See this for yourself, Ms. Laurel. " natinag lang ako nang may iabot sa'kin ang professor na brown envelope.

Kinuha ko naman ito. Parang ayaw kong makita ang nasa loob. Kinakabahan ako sa maaaring makita pero.. papel lang naman ang nasa loob nito di'ba?

Kahit kinakabahan pa rin ay dahan dahan kong binuksan ang nasa loob at tama nga ko't papel ang nasa loob.

Ang papel na pinagsulatan ko sa contest at... ang papel ni Shannaia. Pinagmasdan ko ito. Huminga ako ng malalim habang umiiling...

Hindi. Hindi ito maari. Paanong... paanong...

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa dalawang papel which cause them to ripped. Gayang gaya nga ang gawa ko sa gawa ni Shannaia pero hindi ako kumopya! Ang layo layo ng pwesto ko sa pwesto niya doon sa contest!

" See, Ms. Laurel? You copied my essay paper! " naiinis na sabi ni Shannaia kaya tinignan ko siya ng nakakunot ang noo. Pakiramdam ko ngayon, hindi ako takot na labanan siya. Hindi ako nakakaramdam ng takot sapagkat nangingibabaw ang galit sa'kin.

Tinitigan ko lang siya hanggang sa magsalita ako.
" Shannaia, hindi ko kinopya ang paper mo. Baka ikaw ang kumopya sa paper ko. " mahinahon kong sabi which cause her expression to change. Kung kaninang nakangisi siya ay ngayon naiinis na siya kaya umawat ang professor na nagbigay sa'kin ng brown envelope.

" Stop it! Ms. Laurel, meron ka bang ebidensyang siya nga ang nangopya sa'yo? " tanong sa'kin ng professor ngunit umiling lang ako.

Kung meron man akong ebidensya ay kanina ko pa pinakita.

" So, wala pala. You have to accept that you're disqualified and Ms. Fortalejo won the contest. " pakiramdam ko ang sarkastiko ng sagot niyang 'yun kaya hindi ko maiwasang mainis.

" Hindi nga po ako kumopya eh. Hindi ko po kayang gawin 'yun. Yan. " turo ko sa dalawang papel na hawak ko kanina. " Hindi ko po alam kung pano nangyari 'yan. Hindi ko alam kung pano naging pareho ang sinulat ko sa sinulat niya. " turo ko kay Shannaia. " O sige. " tumango tango ako.

 Tutoring the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon