Kezya's pov.Today is Monday. And that only means one thing, i'm going to tutor the leader of the Red Gang, yes ang leader ng Red Gang na si Kai Chinson, only the brother of my friend, Rein Chinson.
Ang sabi kasi ng principal ay sisimulan ko na daw siyang itutor this monday. And yes, alam na rin nila Thea, Alexa at Rein na ngayon ko na tuturuan iyong 'Gangster' kuno daw.
Last time na nakita ko iyong Leader daw nila, from the looks of it, Gangster na gangster nga, maangas, may suot na hikaw sa kanang tainga. Oo, aaminin ko na na gwapo siya.
Ang dami dami naman kasing ibang matatalino diyan, ako pa ang napiling mag tutor eh hindi naman ako magaling magturo pero i guess i'll accept it, at dapat lang.
Teka... Alam na ba nung Kai daw na itututor ko siya?
Ah basta! Bahala na nga, lunch ngayon at papunta ako ngayon sa canteen, oo ako lang mag isa dahil may meeting daw ang mga Student council at kasali 'don si Thea. Si Alexa naman ay hindi pumasok at si Rein naman ay kasama din ni Thea dahil isa rin siya sa mga Student Council.
Habang naglalakad ako ay bawat nakikita ko sa aking paligid ay ang mga estudyanteng nandidiri, kung hindi naman nandidiri ang mga iba ay masama ang tingin sa'kin. Alam na kasi nila na itututor ko iyong Kai daw kalat na nga sa buong campus eh. Sabi nga ni Rein, maraming nagkakagusto dun sa Kai raw kaya ayan ang sasama ng tingin ng mga babae sa 'kin. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang ay kanina pa ako nakabulagta rito sa sahig.
" Oh my god! 'yan ba ang magtututor kay Kai? "
" Yes! Alam mo ba, sa dinami daming pwedeng mag tutor kay Kai, yan pa ang napili. "
" Dapat ako na lang eh, pesteng babaeng 'yan! "
" O! M! G! She's so disgusting! "
" I know, right? "
Nakarinig ako ng mga bulong bulungan sa kanila. Bakit pa sila nagbubulong bulongan kung naririnig naman? O sinadya talagang iparinig nila sa 'kin?
Umirap na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad ngunit hindi pa man ako nakakalayo at natisod ako bigla at narinig kong nagtawanan ang mga tao sa likod.
Tumayo ako at pinagpag ang uniporme ko.
Kung minamalas ka nga ba naman. Sa dinami dami ng lugar na pwede akong matisod, dito pa talaga kung saan maraming tao. Bwisit!
"Oh look, here's the freakin' bitch!"
Tumingin ako sa nagsalita.
Ahh sila lang pala! Ang mga bwisit na mga babaeng nambully sakin 'non.Sino pa ba? Edi yung Shannaia, Kate at Akira.
" Anong gusto niyo? " boring kong tanong.
" I tututor mo raw si Kai? " tanong nung Shannaia yata.
Tumango ako ng bahagya bilang pagsagot.
" Layuan mo nga siya! Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami naman ng estudyante na pwedeng mag tutor sa kanya, eh ikaw pa ang napili! " sigaw nung Akira.
Like hello? Hindi ko pa nga nalalapitan 'yung Kai, sasabihin niya ng layuan ko siya? Wow!
" Oo nga, baka may gusto ka kay Kai? "
Ako? Magkakagusto? Ano ba gusto nila mangyari? Hindi naman ako pa fall gaya ng iba diyan eh.
" Wala. " madaliang sagot ko sa kanila.
" Dapat lang na wala dahil sa oras na malaman namin na may gusto ka sa kanya, humanda ka! "
" Tara na nga! "
Nang sila'y umalis na ay napabuntong hinga na lang ako. Wala na silang nagawang matino.
Tulad ng sinabi ng principal ay pumunta agad ako sa library at nadatnang wala pang tao. Dito ko raw kasi itututor 'yong Kai.
Umupo muna ako sa vacant seat at nag antay. Malay malay ko ba kung anong oras darating 'yon?
Makalipas ang ilang minuto ay wala paring dumarating na Kai, nag antay pa ako ng ilang minuto ngunit wala pa rin kaya naman tumayo na ako at nagpasyang umalis na.
Asan na ba kasi 'yon? Hindi ba sinabi ng principal sa kanya na itututor ko siya?
Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko at hindi namamalayang natisod na naman ako dahilan para mahulog ang mga hinahawakan kong libro sa sahig.
" Paharang harang kasi sa daan eh! " inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang nagsalita.
It's.... The leader of the Gang... Kai Chinson.
Nagtama ang mga mata namin at hindi ko alam kung maiinis ako o ano. I stared at his messy hair, and his... dark, fiercimg eyes. Kaya pala maraming nagkakagustong babae sa kanya dahil ganito siya.
"Ano, hindi ka pa ba tatayo diyan?" tanong niya kaya agad kong pinulot ang mga libro ko dahil alam kong wala naman siyang balak pulutin ang mga ito.
Nakita kong wala ang mga kagrupo niya. Where are they? O baka naman may klase sila?
Teka hindi ako dapat magpadala dito sa tensiyon na ito. I'm here just to tutor that gangster guy. Pero ni hindi man lang ba niya alam na oras na at halos mag dadalawang oras na siyang late? Makapag umpisa na nga lang.
Umupo siya sa katapat kong upuan ng walang kabuhay buhay nako naman.
" So let's start. " medyo naiilang kong sabi. Malay malay ko ba, eh itututor ko lang naman 'tong lalaking 'to eh natatakot pa ako. I don't know. There's something about him that scares me.
" K. " maikling sagot niya
Ah so alam niya? Okay.
Kung hindi lang lalake 'to iisipin ko na may monthly period to eh. Napakasungit at tipid magsalita. Nakakainis!!
Bumalik na kami sa library kung saan may mga tao na rin at nagulat na lang sila ng makita kaming magkasama ng gangster— i mean, Kai na to'.
Napatigil ako dahil ang sama ng tingin nila sa 'kin at napansin kong nagpatuloy sa paglalakad si Kai.
Umiling na lang ako at sinundan ko siya. Umupo kami sa isang bakanteng upuan.
Inilabas ko na ang mga kailangan habang siya naman ay tinitignan lang ako. Hindi ako sanay ng ganito. Naiilang ako. Kung makatitig, akala mo wala ng bukas. Ganito ba talaga siya?
"Alam mo, ambagal mo." napatigil ako sa paghahalungkat ng gamit ko at napatingin sa kanya na ngayo'y nakangisi.
Wow! Look who's talking! Sino ba talaga mabagal sa aming dalawa? Samantalang siya, halos magdadalawang oras na dumating. Tsk!
Nagatuloy na lang ako sa paghahalungkat sa mga gamit ko at ayun! Sa wakas! Nahanap ko na rin.
" U-uhm. Anong gusto mong pag aralan natin? " tanong ko habang tinitigan ang librong inilabas ko dahil hindi ako makatingin sa kanya ng maayos.
Naiilang ako, hindi ako sanay ng ganito. He's a gangster and i'm just a trash, i'm just an ugly nerd.
" Ikaw. Ikaw ang gusto kong pag aralan."
****
Tutoring the Gangster
By: Heartedprincess21
TTG 5 end

BINABASA MO ANG
Tutoring the Gangster
Teen Fiction" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel