Author's note: Thanks for all of your votes, TTG'ers! Happy 1k reads!!!! Akala ko nga wala ng magbabasa sa story ko eh hahaha! Hindi naman kasi ako magaling magsulat kasi 14 years old lang si author but still, nagsulat ako kasi may inspirasyon ako, wala naman din mawawala pag natry ko di'ba?
This is Heartedprincess21 leaving you with a quote about this chapter.
' I had a great day...'
Ps: Tweet the #TTG and tag me (@AzhirneXion) para makita ko. Gusto ko malaman ang gusto niyong sabihin about 'Tutoring The Gangster' and also your reactions.
THIS CHAPTER IS EDITED:)
Kezya's pov.
Hindi na ako nakababa sa kotse niya dahil nakalock at nasa tabi niya yung button para ma unlock 'to! Ugh! Ma lelate na ako sa first class ko niyan eh!
Hindi na ako nakaangal dahil natatakot pa rin ako sa kanya dahil baka ano pa'ng gawin niya sa'kin.
Dinala niya ako sa carnival. Like, seriously?
" Seriously? " hindi ko na maiwasang matawa. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
" What? Why are you laughing? " inis niyang tanong.
Tumigil na ako sa pagtawa at nakangiti na lang ako ngayon.
" May pagkaisip bata ka din pala. Dito mo pa ako dinala sa carnival. Pangbata lang 'to eh. "
Sinamaan niya na naman ako ng tingin. Oops! Ayun na naman 'yung mga nakakamatay niyang tingin sa'kin.
Ano ba'ng mali sa sinabi ko? Carnivals are just for kids, right?
" Shut up and let's go. " cold niyang sabi kaya natahimik ako. Sinundan ko lang siya. Nasa likod niya ako kaya hindi niya makita ang reaksyon ko.
Napano 'yon? May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan? Sinabi ko lang naman na pangbata 'tong carnival eh. Sa totoo lang, natatakot na ako eh. Kaya ayaw kong sumasama sa kanya. Nakakatakot siyang kasama.
Unang sinakyan namin ay mga easy rides lang. Naging masaya naman 'yun and then 'yung bump car. Magkalaban kaming dalawa ni Kai at nagbabanggaan kaming dalawa. Nakakatawa lang kasi hindi siya nakakalaban sa'kin.
Nung napagod na kami ay nag desisyon siyang kumain muna kami ng ice cream, sakto rin gutom na ako. Syempre, libre niya.
Napatitig ako sa kanya habang kinakausap niya 'yung cashier. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya pala pag malapitan.
O___O
Erase! Erase! Napailing ako sa naisip ko at nagulat ako ng tumingin siya sa'kin.
" Ano'ng flavor 'yung gusto mo? " tanong niya kaya agad akong umayos.
" A-ah, Kahit ano na lang. " nauutal kong sagot. Nahihiya kasi ako baka kasi napansin niya na tumitig ako sa kanya kanina.
Pagkatapos niyang mag order ay umupo na kami at nagsimulang kumain.
" Nag eenjoy ka ba? " tanong niya habang kumakain.
Natigil ako sa pagkain.
Nag eenjoy ba ako? Siguro, oo kasi nakakatuwa naman siyang kasama, eh pero meron pa din'g parte sa 'kin na naiilang sa kanya kasi ngayon ko pa lang siya nakasama and this is our first ever date. Well, kind of date actually...
" Sabihin mo lang kung hindi, dadalhin kita sa mas maganda pa dito. " nakangisi niyang sabi.
Hindi na lang ako sumagot dahil wala namang patutunguhan 'to. Baka kung saan niya na naman ako dalhin, tsk!
BINABASA MO ANG
Tutoring the Gangster
Teen Fiction" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel
