Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 45 - The Answers

4.8K 84 5
                                        

a/N: half way point na tayo ng TTG, guys! Masasagot ng chapter na 'to ang mga katanungan niyo hihi, malapit na tayong matapoooss big thumbs up naman d'yan haha. Love youu~~~
                  
-pinusuang prinsesa 21

CHAPTER 45: THE ANSWERS

_______________________________

Third person's p.o.v

" Oo! Ang kaibigan kong si Nathaniel ay namatay dahil sa walang kwenta niyang kaibigang si Kezya Laurel!

" Oo! Ang kaibigan kong si Nathaniel ay namatay dahil sa walang kwenta niyang kaibigang si Kezya Laurel! "

" Oo! Ang kaibigan kong si Nathaniel ay namatay dahil sa walang kwenta niyang kaibigang si Kezya Laurel! "

" Oo! Ang kaibigan kong si Nathaniel ay namatay dahil sa walang kwenta niyang kaibigang si Kezya Laurel! "

" Tama na! " habol ang hiningang napaupo si Kezya sa kanyang hinihigaan at tila parang tumakbo ito dahil sa pawis. 

" Kezya? " nagising ang kanyang kaibigang si Alexa dahil sa biglaang sigaw ng kaibigan.  Nag aalalang linapitan niya ito na ngayo'y nagsisimula ng umiyak.

" Kezya, ano ba'ng nangyayari? " alalang tanong nito.

Niyakap niya ang kaibigang nagsisimula nang humikbi.
" A-Alexa, p-pinagbibintangan nila ako. A-Alexa, natatakot ako. " paulit ulit niya itong sinasambit, tuloy ay naguluhan ang kanyang kaibigan.

Di malaman kung ano'ng gagawin, kaya niyakap niya na lang ang kaibigan at hinaplos ang likod nito upang patahanin.

" Sshh.. Tama na, Kez. Sino'ng sinasabi mo'ng pinagbibintangan ka? " alalang tanong nito ngunit tulad rin nung mga nakaraang araw, wala itong nakuhang sagot sa kaibigan.

" Kezya, tatlong araw ka nang ganito, please lang. Stop it, baka kung ano'ng isipin nila. " sabi nito sabay kalas sa yakap.

Tatlong araw na itong hindi pumapasok sa klase, 'di katulad ng dati na ayaw nitong ma-late, kahit may lagnat ay pumapasok siya, ngayon ay nawalan siya ng gana. Nawalan na siya ng gana sa lahat, ang dating aktibong tinatawag nilang nerd ay nawalan na ng gana.

Patuloy na ginugulo ng sinabi ni Sef ang isip niya, hindi siya makapaniwala sa narinig. Wala siyang ideya kung bakit ba niya pinagbibintangan ang pagkamatay ni Nathan sa kanya. " Bakit? " ang unang tanong na sumagi sa isip. Ano ba ang nagawa niya at bakit siya pinagbibintangan? Ano ba ang ginawa niya para ganun na lang magalit si Sef sa kanya? She doesn't have an idea, kahit isa ay wala. Maraming katanungan ang nagsusulputan sa kanyang isip, she's trying to find a way how to answer her questions.

" He's blaming me and I don't know why.. " mahinang tugon niya na hindi narinig ng kasama. Bumuntong hininga si Alexa atsaka tumayo.

For the past three days, Alexa has been in her side the whole time, kahit hinahanap na sila ni Thea at Rein, hindi pa rin siya pumasok, she made an excuse para hindi na sila mag alala pa. She cares for her friend, kahit pa pinapapasok ito ni Kezya at sabihing okay lang siya, Alexa know her so well, she's not okay, and she stayed. She stayed for her untol she becomes okay pero tatlong araw na ang nakakalipas at hindi pa ito ayos.

Nagtatanong siya sa kaibigan nito kung may sakit ba siya, kung inaatake ba siya ng kanyang sakit sa puso, pero wala siyang nakukuhang sagot rito. Naguguluhan na siya sa inaakto ng kaibigan niya pero wala naman siyang karapatang mangialam sa kaniyang kaibigan.

She just wanted to be there for her friend. Nothing more nothing less, kasi hindi rin niya alam kung paano mag comfort ng isang tao, so she'll just be there.

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon