Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 43 - Pageant (2/2)

5.3K 121 4
                                        

A/N: - IF YOU LOVE FM STATIC'S SONGS, THEN I LOVE YOUU!

- This chapter is dedicated to @LynCosep for voting every chapter^_^
****************************

quote:
The truth will unfold soon, let it show, let them know, the past is Past but the memories will remain.

Kezya's p.o.v

Hindi ko na nakasama ulit 'yung mga kaklase ko at 'di rin ako nakapaglunch kasama sila Alexa dahil naglunch kami sa practice room, and yep they served our food. Mukhang galing sa mamahaling restaurant 'to at pinadeliver nila.

Sosyal naman pala 'yung mga nakakasali sa pageant,  eh kung sumali na lang kaya ako palagi?  De joke,  masyado naman yata akong confident haha.

Habang kumakain kami, katabi ko si Kriz at nagkwekwento siya tungkol sa mga pageants na sinalihan niya. Ayon sa kwento niya, simula bata pa lang, sinasali sali na siya ng mga parents niya sa pageant, nanalo naman siya pero 2nd or 3rd place lang.

Bagay nga naman siyang sumali sa mga pageant, natural na mananalo siya dahil sa ganda ng katawan at mukha niya plus her attitude.

Habang kumakain ay nagreready na agad yung mga nag aayos sa'min, pinreprepare na nila ang isusuot namin for Talent portion. Not to mention na wala naman talaga akong talent.

Syempre 'di naman pwedeng 'di ka magperform nang walang talent so yeah, the show must go on. Kakanta lang naman kami ni Kai. Siya ang mag gigitara at ako ang kakanta da first part and then, siya naman sa bandang chorus.

I've never performed while singing before lalo na't maraming nanonood but for the excemption, I'll do it.

" Kinakabahan ka ba sa talent na ipeperform mo mamaya? " Kriz asked out of nowhere.

Ininom ko muna ang juice na nakapatong sa table ko bago magsalita. " Oo lalo na't first time ko. "

I heard her chuckled then suddenly hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya and I saw her smile. There's something about her smile that's want to make me smile too.

Para bang sinasabi nung mga ngiti niya na kaya ko. " I know you'll do great, Ate Kezya. You can do it. We can do this. " ngiti niyang sabi.

Napangiti na rin ako, no wonder marami siyang kaibigan (according to what she said earlier), dahil sa attitude niya and I must say, I like her as a friend.

After lunch, naghiwalay na kami ni Kriz before performing syempre practice muna so kanya kanya kaming practice sa loob ng practice room.

I was wearing a cropped top shirt and ripped jeans. Naninibago ako sa suot ko but I somehow felt cofortable though, hindi tulad ng mga suot ko dating manang, mga mahahabang damit at maluluwang. I think I should wear like these clothes often.

Ayon kay Ate Beks,  eto na daw ang isusuot ko pag nagperform mamaya. Dumeretso ako kung saan nakapwesto sina Ate Beks.

" Okay, guys. Bago namin kayo ayusan, magpractice muna kayo. We're just going to leave you here para makapagpractice kayo ng maayos. " biglang sabi ni Ate Beks pagpasok ko sa area namin.

Tumango naman ako, hinanap ng mga mata ko si Kai and he was sitting in the corner, hawak ang gitara at ni-strum ito habang nakapikit at naglilipsync. I think he was practicing our song.

Lumabas na sila Ate Beks at naiwan kaming dalawa ni Kai sa loob, nakakabinging katahimikan agad ang sumalubong sa'kin pagkalabas nila.

Kahit na maraming nagpapractice sa labas, pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nandito sa practice room. Ang awkward tuloy.

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon