Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 40 - Watch Out

4.5K 104 9
                                        

This chapter is dedicated to:
         TheEmpiresHell06

Lol I'll just do dedications for the two winners since they didn't answer my dm's.



Thea's p.o.v

The next day came. Tuesday, wala pa rin si Kezya. Sobra kaming nag alala sa kanya kahapon. We searched the whole campus.

Napabuntong hininga ako. Sana ayos lang siya. Pag nakita ko yung babaeng 'yun, masusuntok ko yata eh.

Then, after class paderetso na sana ako sa cafeteria nang biglang may kumalabit sa'kin.
Pagtingin ko, nagulat ako nang makita ko si Kai.

Tinignan niya ako saka nagsalita. " A-ano.. A-ah, S-Si nerd. Tatanong ko sana kung a-asan siya dahil nagpapractice kami for the p-pageant. " parang kinakabahan pa siya nang sinabi niya 'yun.

Napakamot siya ng ulo at hindi nakatingin sa'kin. Kumunot ang noo ko at napaisip saglit sabay napangisi.

Hinahanap niya si Kezya.

Nang makita niya akong ngumisi, nagulat pa siya at parang di mapakali. " Hoy, hinahanap ko lang siya dahil absent siya kahapon at ako lang ang nagpractice. Partner practice 'yon, hindi solo. Hindi tulad 'yan ng iniisip mong hinahanap ko siya kasi miss ko na siya, tsk! " nagulat naman ako sa sinabi niya.

Wala naman akong sinabing na miss ni Kezya siya ah? Tsk.
This gangster.

" Ano? Kaibigan ni Kezya, pipi ka ba? Bakit hindi ka nagsasalita? " napataas ako ng kilay sa sinabi niya.

Like wtf. May pangalan po ako. I'm not 'Kaibigan ni Kezya' like duhh.

" Hoy, para sabihin ko sa'yo may pangalan ako, 'no. " sabay kabit ang dalawang kamay sa beywang.

Umirap siya na parang babae. " Whatever. Nasa'n nga siya? " mukhang naiinis na siya. Wow ha, magtatanong na nga lang, naiinis pa. Tsk.

" Hindi ko alam kung nasaan siya. " seryoso kong tugon at kumunot naman ang noo niya na parang naguguluhan.

" Ano'ng hindi mo alam. Kaibigan mo, tapos di mo alam kung nasaan? " aba! Bakit? Kailangan ba alamin ko lahat? Wow lang ha. Hindi ako dictionary para malaman lahat.

" Hoy, nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko talaga alam kung nasaan siya. We've been finding her since yesterday. We even searched the whole campus even sa dormitory pero wala siya. " lalong kumunot ang noo niya.

" W-what?! " pabulong niyang sabi. He gave me one last look bago umiling habang nakakunot pa rin ang noo sabay talikod sa'kin.

Habang ako tinitignan pa rin siya. Nang makita ko yung mata niya bago siya tumalikod, parang... may galit at the same time, pag alala.

Ganon ba talaga siya? Pati siya nag aalala kay Kezya? O baka namalikmata lang ako?

Napailing iling ako at naglakad na rin ako papunta sa cafeteria. Namamalikamata lang siguro ako. Si Kai? Mag aalala para kay Kezya? Hindi siguro. Malabo.

Hindi ko na sinundo pa si Alexa sa room nila. Hmmp, bahala siya pumuntang cafeteria mag isa wahaha!

Nakatunganga akong nakapila sa counter waiting for my turn para bumili ng snack. Naalala ko kasi si Kezya eh. Sana ayos lang siya kung nasan man siya ngayon.

Sobra niya kaming pinag aalala. Pag talaga ako nakita ko siya, ay nako! Malalagot talaga siya sa'kin.

It was my turn na n'on nang biglang may humila sa'kin at napasigaw ako dahil sa bigla. Hinila niya ako palayo sa counter and the next thing I knew, nasa library kami.

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon