TTG : 39 - Comatosed

4.6K 107 0
                                    

A/N: Remember the Q&A TTG'ers? Na isa ka sa nanalo, magiging cast ka ng TTG? Well, guess what I already picked the winners! two winners are picked. I'll be messaging the TWO winners:) Anyways, Sorry for the long updaaateeee!

Ps: Just preparing for our defense next week jajkwkwjdjdjsjsjf


Kai's p.o.v

I've been waiting here for like 3 hours! Bakit ba ang tagal tagal ng babaeng 'yon? Ano ba'ng pinaggagawa niya?! Mamaya nakipagkita na naman 'yun kay Rein.

Teka nga! Ano ba'ng pakialam ko kung makipagkita siya sa lalaking 'yon? Kung makikipagkita siya, edi makipagkita siya! Atsaka bakit ba kasi ako naghihintay dito? Dapat nakikipag away na ako sa mga ibang gangs diyan sa labas eh, eto lang naman ako, naghihintay sa garden at kasama ko ang mga kabarkada ko kaya kahit papano, nalilibang din ako pero letche talaga! Ang tagal nung nerd na 'yon eh.

Ano ba'ng mahirap sa lumakad lang siya papunta dito sa garden?! Ha! Oras na ng practice pero wala pa siya? Anong klase siya? Ganon ba siya kabusy sa klase niya ni hindi man lang niya ako puntahan—

Teka nga teka nga... A-ano ba'ng nangyayari sa'kin? Baliw na yata ako? Ano ba'ng pakialam ko kung hindi siya pumunta. Nasapo ko ang noo ko dahil sa kakaisip ng ganito.

" Pre, ayos ka lang? Inip na inip ka na yata kakahintay ah, kanina ka pa tahimik d'yan. " sambit ni Jake.

Supposed to be, wala na akong pakialam sa babaeng 'yon, eh ano naman kung hindi siya dumating, tsk.

" Hahaha oo nga, baka naiisip niya si Nerd!!! " biglang sigaw ng isa kaya napakunot ang noo ko nang magtawanan silang lahat.

" Tss! Ha! Ako? Iniisip ang babaeng 'yon? Pakialam ko ba sa kanya? Pakialam ko ba kung hindi siya pumunta dito? Tss. " sabay iwas ng tingin pero nagtaka ako nang nanlaki ang mga mata nila.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago sila nagtawanan ulit. Tss, mga ugok!

" Bwahahaha! Pre, baliw ka na yata sa kanya eh! " nagtaka na naman ako sa sinabi nila.

" Hahaha! Sabi ko na nga ba, iniisip mo na naman ang nerd na 'yon! "

" Bwahahaha! Si Kai Chinson, nagkagusto kay Kezya Laurel na  nerd?! I can't beleive it! Bwhahahaha "

" Pare, tinamaan ka na nga talaga sa nerd na 'yon hahaha! "

Pinagbabato ko sila ng mga bato. Baliw na nga talaga mga kasama ko. Umiling iling ako at umalis d'on habang rinig na rinig ko ang mga malalakas nilang tawa.

Lumayo ako sa kanila at umakyat sa itaas ng puno. Sa kabilang garden na 'to ng school, buti naman hindi nila ako sinundan. Mas lalo lang akong nababadtrip.

Umupo ako sa sanga nito at doon napaisip.

Bakit ba ago nagkakaganito? Ganito rin ako this past few days, hinihintay siya magtutor sa'kin.

Bakit feeling ko kapag hindi siya pumunta ay nalulungkot ako. Bakit gan'on? Bakit ako laging nakakaramdam ng weird feeling? Lagi ko na lang siyang hinihintay, I'm always avoiding my friends dahil nag c-cut sila ng klase, imbis na sumama ako sa kanila, I always go to the library to wait for that nerd. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.

Bakit nga ba, Kai Chinson? Why do you always have this weird feeling?

" Hey, Kai. " nagulat ako dahil sa isang iglap nasa tabi ko na pala si Jed. Siya lang 'yung pinakaclose kong member ng Red Gang. Siya kasi 'yung laging nakikisakay sa mga trip ko kahit hindi niya trip eh.

Pinakamatalik ko rin s'yang kaibigan. Siya lang ata yung hundi ko napansing tumawa kanina. " Bro. " sabi ko na lang.

" Bakit ka biglang umalis d'on? " tanong niya.

 Tutoring the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon