Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 6 - Bullied

7.3K 178 3
                                        

Kezya's pov.

" Ikaw. Ikaw ang gusto kong pag aralan." nagulat ako sa sagot niya at bahagyang napayuko.

" H-ha? B-bakit naman ako? " nagtataka kong tanong sa kanya at ngumisi lang ito.

" Bakit? Bawal? " pilosopo niyang tanong.

Hindi ko alam kung sinadya niya yun o ano basta naiinis ako, he's a jerk! and i hate him!  I hate what i am doing right now!

" Hey, seryoso ako. We're running out of time. Tinatanong kita, anong subject ang gusto mong pag aralan? " tinanong ko siya ng maayos ngunit tinitigan niya lang ang librong nakapatong sa lamesa namin.

Ilang oras na lang at malapit na ang klase ko. Inuubos niya lang ang oras ko, ano pa ang pinunta ko rito ko kung ganito lang naman pala ang madadatnan ko? Hindi matinong tao. Meron pa bang mga natitirang matinong tao rito sa mundo?

Wala rin siyang balak magsalita kaya binuklat ko na ang librong nakapatong sa lamesa. Ayaw niyang magsalita eh, kaya inunahan ko na. Ang ituturo ko sa kanya is about physics.

Lumapit ako ng bahagya sa kanya para i explain sa kanya ang gagawin ko at ang mas ikinagulat ko ay ang pag akbay niya sa akin, tinignan ko siya na ngayo'y nakangisi.

Inis na tinanggal ko ang kamay niya na nakaakbay sa'kin.

" Aminin mo na kase..." tinignan ko siya ng nakakunot ang noo.

"Ang ano?" taka kong tanong sa kanya.

" Na may gusto ka sa'kin..  Lahat naman kasi ng babae nagkakagusto sa'kin eh." kasabay non ang pagngisi niyang nakakabwiset.

Ang kapal lang ah? Muntik na akong masamid kahit wala naman akong iniinom.

Buti na lang napigilan ko. Ang feeling naman neto'!!! I'm not like the other girls na nagkakandarapa ng lumapit sa kanya 'no? So please...

" Ano? Wag kang feeling ano? Wala naman akong gusto sa'yo! " inis na sabi ko,  buti na lang busy ang mga estudyante sa mga binabasa nila at buti na lang nasa pinakadulong parte kami ng library nakaupo.

Nakita kong ngumisi siya bago magsalita,

" Oh really?, let's see then... Isang kindat palang nga sa mga babae, hulog na agad sila sa'kin eh, ikaw pa kaya." wala akong pakeelam kung magpakalunod pa ang mga babae sa kanya.

Eh ano ngayon? Porket ba famous at gwapo siya eh marami ng magkakagusto sa kanya?

Hinding hindi ako magkakagusto sa lalaking to' no? He's a gangster and i'm just an ugly nerd.

" Di' ko alam sa'yo! Inuubos mo lang oras ko, aalis na ko. " inis na sabi ko at niligpit na ang gamit ko.

Masyado siyang feeling! Bakit ba kasi ako pa ang napiling magturo sa kanya? Bakit ako?
Ugh!

Nagmamadali kong linigpit ang mga gamit ko habang siya ay nakatitig sa'kin.  May mga narinig akong yapak ng paa papalapit sa'min. Hindi ko pinansin 'yon at patuloy lang ako sa paglipit ng gamit namin.

Bwiset na buhay na to' sa dinami dami ba naman ng pwede kong turuan,  yun pa! Ang leader pa ng Red Gang...

" Bro, nandito ka lang pala. "

" Hinanap ka namin sa buong campus eh."

Napatigil ako sa pagliligpit nang marinig ko ang mga boses...

Kaya pala nagtitilian ang mga babae, hindi ko lang napansin dahil busy ako sa kakaligpit ng mga gamit nito.

Napatingin ako sa mga nagsalita.

I think... sila ang mga kagrupo ni Kai. Ang Red Gang.

Nang makita nila ako agad silang nagtawanan ng mahihina kaya napayuko na lang ako sa hiya.

" Wow! Who's this girl, Kai? Chicks mo? " tanong ng isa sa kanila.

" No. Bakit ko naman magiging girlfriend yang babaeng 'yan? She's just an ugly nerd." rinig kong sabi ni Kai.

" Hahaha! Oo nga so ano nga siya? "

" Tinututor niya ako... " umalis na lang ako don at hindi nakinig pa sa mga sinasabi nila.

Masyado sila sa'kin. Yes, i'm ugly,  i'm a nerd, i'm just a trash, i'm nobody!, i don't belong here...

Binilisan ko pa ang paglalakad ko nang may nakabanggaan na naman ako dahilan para matapon na naman ang mga gamit ko, hindi ko na tinignan pa ang makabangga sa akin at nagmamadaling pinulot ang mga librong nakakalat at nakita ko na lang na may nag abot nito sa akin, kinuha ko iyon at tinignan kung sino...

Ngayong araw na to', hindi ko pa siya nakikita... And i miss him already...  I miss my friend, Rein Chinson.

" Kezya... Are you okay? " nakita kong puno ng pag aalala ang mukha niya, hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako...

Kanina pa pala ako lumuluha ni hindi ko man napapansin dahil sa dinami dami kong iniisip.

Tumayo ako at pinunasan ang mga luhang nag uunahan sa pagtulo sa mata ko.

" Okay lang ako..." sagot ko at pilit ngumiti.

Kahit na sa loob looban ko ay nasasaktan na ako.

Nakita kong lumungkot ang mukha niya, ayoko ng ganito ayokong umiiyak ako sa harapan niya, pero kahit anong pilit ko ay bumabagsak parin ang mga luha ko.

" Hindi ka okay. Ano bang nangyari,  Kez? " alalang tanong niya. 

He wiped my tears away using his bare hands,

" W-wala... Okay lang ako,  Rein, you  have nothing to worry about. " ang sabi ko at akmang aalis na ng hinablot niya na naman ang braso ko.

Ayokong umiyak sa harapan niya,  ayokong nag aalala siya dahil sa'kin.

" Kez, kaibigan kita... Sabihin mo, anong problema? " alala niyang tanong.

Buti na lang at wala ng masyadong estudyante sa hallway dahil kung hindi kanina pa kami pinagtitinginan rito.

*krrrriiiiiinnnggggggg*


" I- i have to go." pamamaalam ko rito at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.  Hindi ko na siya hinintay sumagot at tumakbo na paalis.

Hiwalay kami ng klase ngayon kaya naman nagmamadali na akong pumasok sa next class ko.

Hindi ko alam... Oo, nasaktan ako sa mga sinabi ng mga kagrupo sa akin ni Kai lalo na si Kai. Ayoko na... Masyado sila kung mang insulto

***
A/N: Sorry kung hanggang dito muna update ko! Pero sana nag enjoy kayo!

Tutoring the gangster
By: Heartedprincess21
TTG 6 end

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon