TTG:33- I like you

5.7K 159 11
                                    

Happy 9k reads everyone! Enjoy reading!

Kezya's pov.

Natapos na ang tutor time ko at nag ring na ang bell. Huhu ano ba 'yan, hindi man lang ako nakakakain. Ininom ko lang 'yung nilibremg iced tea sa'kin nung gangster na 'yon.

Speaking of, hindi pa rin ako makapaniwalang linibre niya ako. Pero hindi man lang ako nakapagpathank you sa kanya kanina. Ano kasi eh, nahihiya ako XD.

Pero seryoso, nagulat talaga ako doon sa sinabi niya kanina ililibre niya ako. Ano kaya nakain 'non?

Biglang bumait haha. Pero ano ba 'yan! Hindi pa talaga ako nakakakain anong gagawin ko? Hindi na ako pwedeng bumili sa canteen eh ang layo layo nun dito tsaka malelate ako.

Hayyst. Bahala na nga. Papasok na lang ako sa classroom namin, baka malate pa ako. Tinahak ko ang daan papunta doon. Malapit na sana ako nang may biglang humawak sa braso ko.

" Miss? " tinignan ko kung sino 'yon at nakita kong estudyante siya, elementary siya, halata naman sa uniform niya.

" Yes? Ano'ng kailangan mo? " medyo nagsmile ako ng onti.

" May nagpapabigay sa'yo nito. " atsaka inabot niya sa'kin ang isang nakabalot na pagkain.

Kumunot ang noo ko. " Sino? "
Nagkibit balikat lang siya saka nakapamulsang umalis. Ang mature niya naman maglakad, ang mature niya rin magsalita, daig pa yung teenager. Pero teka? Sino ba nagpapabigay nito? Tss tsaka inutusan pa talaga 'yung bata ah?

Sakto, gutom na pa naman ako. Pero kung sino man 'yon, hulog siya ng langit. Bago ako pumasok ng room ay nakangiti kong binuksan ang balot at nakitang burger.

Really! I'm craving!! Paborito ko kaya 'to! Pano kaya nalaman ng nagpapabigay nito na paborito ko 'yung burger? O baka naman coincidence lang? Hayy! Ewan ko ba pero kakainin ko na lang 'to hehe.

Pagpasok ko ng classroom, yan na nga ba ang sinasabi ko! Letche naman eh, anjan na pala 'yung professor namin.

Nagpasorry lang ako, sabi niya okay lang naman daw kaya nakangiti akong dumeretso sa upuan ko. Wow! Ganda ng araw ko ngayon, ah? Haha.

Natapos ang ilang subjects at lunch time na. Palabas ko ng room, inaya ko agad sila Kezya at Alexa na pumunta sa cafeteria para maglunch, kinwento ko din sa kanila na nilibre ako kanina ni gangster pati na 'yung sa burger. At sila naman, kilig na kilig.

" Yiiieeeeeee!!!!! May nagbigay ng burger sa kanyaaaaa!!!! " ang lakas ng boses ni Thea kaya ayun, nakatingin lahat ng tao sa'min pero bumalik din ang mga tingin nila sa ginagawa nila nang nagpasorry si Thea.

Ano ba yan parang may nagbigay lang sa'kin ng burger, todo kilig na sila.

" Ewan ko sa inyo. Papano naman kung babae pala yung nagbigay, di'ba? " Tsaka imposibleng lalaki yung magbigay sa'kin nun. Sino ba naman kasing lalaki na mabait sa'kin at bibigyan pa ako ng pagkain di'ba? Eh halos nga sila dito, binubully ako, ayaw nga nila ako eh to the point na tunawin nila ako sa mga masasama nilang tingin eh bigyan pa kaya nila ako ng pagkain?

" Sinong babae naman ang magbibigay sa'yo ng makakain aber? " - Alexa

" Syempre, hindi kami. Nagulat pa nga kami sa sinabi mo, eh di'ba? " - Thea

" At sinong lalaki naman ang magbibigay sa'kin ng pagkain ha? O sige nga? "

" Malay mo si Rein. "

" Oo nga. Yieeee baka may gusto na 'yun sa'yo haha. "

Muntik pa akong mabulunan nang dahil sa kinakain ko. Uminom agad ako ng tubig.

" Si Rein? Magkakagusto sa'kin? Imposible. " iiling iling kong sabi sabay subo ng kanin. Talaga naman ah? Bestfriend lang ang turingan namin sa isa't isa kaya imposibleng magkagusto siya sa'kin tsaka ako? Magugustuhan niya sa pangit kong 'to?

 Tutoring the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon