This chapter is dedicated to Galaxies_Angel- ^o^
Alexa's p.o.v.
Nandito na kami ngayong tatlo sa court, nakaupo sa mga bleachers, asa pinakaunahan kami, syempre ano pa nga ba gagawin namin? We'll support our bestfriend!
Tumingin ako sa wrist watch ko and It's almost time. They shoud be here by now, right? Antagal. Naiinip na ako. Haha.
" Popcorn, guys? " alok ni Rein sa'min, bumili bili pa siya ng popcorn. Tss, kala mo naman manonood ng sine haha.
" No thanks. Busog na ako, ayan si Thea kanina pa gutom kahit kakakain lang. " natatawa kong sabi, sinamaan naman ako ng tingin ni Thea.
Laging gutumin 'yang babaeng yan kahit kakakain lang. Inirapan niya lang ako sabay kuha dun sa popcorn ni Rein. Tss, dami pang arte eh kukuha rin naman pala? Iba din 'to eh.
Kinuha ko 'yung banner na ginawa ni Thea at tinignan ito. Dahil nga creative yang gutumin na 'yan, masasabi kong maganda yung nagawa niya even if it's just simple.
Nakasulat ay ang salitang,
" Go Kezya! " with matching glitter designs pa at talagang pinaprint niya pa yung mukha ni Kezya. Oh well, atleast nag effort siya, siguradong magugustuhan 'to ni Kezya.
" Ano kayang itsura ni Kezya, panigurado gumanda siya, ano? " nakangiting tanong ni Thea habang sumusubo ng popcorn.
" Oo naman, alam mo naman 'yung the power of make up atsaka dahil sa mga pinambili kong beauty products sa kanya, I can see na malaki na ang pinagbago ng mukha niya since nang gamitin niya 'yun. " nakangiting tugon ko.
Naisip ko 'yung itsura ni Kezya, she maybe is simple pero iba 'yung dating niya mamaya panigurado. Kahit ano naman suotin niya, gawin niya, susuportahan pa rin namin siya.
" At kapag nanalo siya, syempre itetreat niya tayo. " natatawang sabi ni Rein.
Natawa din kami ni Thea at um-oo na lang. Sana nga manalo siya.
Ilang saglit, pa marami ng estudyante ang nakarating sa court at maya maya pa napuno na ito at hindi pa nagsisimula 'yung pageant eh ang iingay na nila.
Maya maya pa, may nagsalita sa mic. Dalawang mga bakla at paniguradong emcee 'tong mga 'to. " Okay students of Klam High! A pleasant day to all of you! " paunang bati ng isa.
Nagsigawan naman agad yung mga ibang estudyante. Yung totoo? Excited much?! Nakakarindi ah!
" Wow bakla, mukhang may energy ang Klam High students, ah? " ganadong tugon naman ng isa.
Tumawa silang dalawa at nagsalita yung isa. " Oo nga bakla. Okay, mga students, hindi ko na papatagalin pa. I'm your emcee Davee and this is emcee Travis. We are your emcee's for today and we are in the search of Mr. and Ms. Campus! So without further a do, let's start the MR. AND MS. CAMPUS!!!!! " anunsyo nila at naghiyawan naman sila at syempre kasama na ako don haha.
" Ladies and gentlemen, we present to you the female representatives! " at naglabasan silang lahat, napuno ng cheers, malalakas na hiyawan, sigawan dito sigawan doon.
Nang makita namin si Kezya ay natuwa ako at inalog alog pa yung braso ni Thea. " Aray naman! " hindi ko narinig yung sinabi niya dahil sa lakas ng mga hiyawan ng tao.
Tinaas ko ang banner namin at nakita niya naman kami agad! Rumampa sila paikot at nag wave pa samin atsaka ngumiti!
Aahahhhhhhhh!!!!! Mamamatay na yata ako sa sobrang paghanga ko sa bestfriend ko!!! Ang ganda niya huhu!!!! Nakaplain white shirt lang silang lahat at ripped jeans pero ang lakas ng dating niya!
BINABASA MO ANG
Tutoring the Gangster
Teen Fiction" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel
