A/N: As promise! Enjoy reading XD:)
This chapter is dedicated to glinardlumambas (if i'm right haha) for voting every chapter! Thanks a lot! XOXO
Kezya's pov.
Nang makabalik na kami sa school ay nahanap agad namin si Alexa at Thea.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa ring maiwasang hindi mag alala kay Kai. Ano ba kasing ginagawa niya sa labas ng ice cream shop? At sino ba kasi ang lalaking nakahood na 'yon?
Hay. Sana ayos lang siya.
•
•
•
•
>_<
Eh teka nga?! Bakit pati 'yon ay pinapakelaman ko? Hayy! Erase that, Kez! Erase that! I'm sure that he's okay! Siya pa?! Eh gangster nga 'yon eh.
Malakas..." Saan kayo galing huh? Ba't ang tagal niyo? Alam niyo ba'ng kanina pa kami naghihintay rito? " 'Yan ang unang salitang lumabas sa bibig ni Alexa.
Uh-oh! Kanina pa pala sila naghihintay rito. Kasalanan kasi 'to ni Rein eh! Kung hindi niya sana ako inaya, edi hindi sila magagalit ng ganito. Eh ako naman 'tong tanga tanga, sumama sama pa sa kanya tsk tsk tsk! Oo na! Kasalanan na naming dalawa psh!
" Uhhh, Alexa inaya ko lang namang mag ice cream 'tong si Kezya eh. " turo niya sa'kin at tumango tango naman ako habang nakayuko para malaman nila na totoo nga 'yung sinasabi ni Rein.
" At hindi pa talaga kayo nananama huh?! " sabi naman ni Thea.
" Inaya ko siyang mag ice cream para naman malimutan niya yung nangyari kanina sa school staff office! " inis na rin na sabi ni Rein at biglang nagulat ang dalawa sa sinabi ni Rein.
At tumingin sa'kin. " Oo nga pala! Ano'ng nangyari sa'yo Kez? A-anong sinabi nila? " nag aalala naman sila.
Kakaiba talaga mga kaibigan ko 'no? Tignan niyo, kung kanina naiinis, ngayon nag aalala pero alam ko naman na concern lang sila sa'kin so that's why i love them.
" Halina kayo't doon ko na lang ikwekwento sa inyo. " umirap si Rein kaya natawa ako sa kanya.
Habang nanonood kami ng mga iba't ibang sports dahil nga intram high, kinwento ni Rein ang dahilan kung bakit ako natalo. Syempre, nag alala sa'kin ang dalawa. Gaganti daw sila kay Shannaia pero sabi ko hindi na. Wala naman na kaming magagawa dahil nangyari na eh.
*
The next day, pagkagising ko ay sumakit bigla 'yung ulo ko kaya napadaing ako. Dahan dahan akong umupo sa kama at hinawakan ang ulo ko.
Ano ba'ng dahilan at bakit sumakit ang ulo ko? Wala naman akong ginawa kahapon o kagabi. Basta pagkarating ko na lang sa dorm ay humiga na ako 't natulog. Hindi na nga ako nagpalit dahil sa sobrang pagod eh. Hanggang ngayon ay suot suot ko pa rin ang uniporme ko.
" Oh, Kez? Good morning- Ay teka! Ayos ka lang? Bakit parang ang tamlay mo? " nagulat ako nang biglang sumulpot si Alexa mula sa banyo. Bagong ligo.
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang leeg ko. Pinapakiramdaman niya siguro kung may lagnat ako o ano pero natawa ako ng kaunti sa inakto niya at ngumiti.
" Ano ka ba? Ayos lang ako. Medyo m-masakit lang 'yung ulo ko. "
Kumunot naman nag noo niya. " Masakit ang ulo mo? Teka ikukuha kita ng gamot " at tumungo siya sa kusina.
Pagbalik niya ay may dala na siyang gamot at tubig. Nagpasalamat ako at ininom iyon kasabay ng tubig.
" Bakit ba kasi bigla bigla na lang sumakit yang ulo mo. Tignan mo oh, hindi ka pa nakapagpalit ng damit. "
![](https://img.wattpad.com/cover/120965899-288-k137906.jpg)
BINABASA MO ANG
Tutoring the Gangster
Teen Fiction" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel