Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 7 - Watch Over

7.4K 173 2
                                        

Kezya's pov.

Natapos ang klase at ako na naman ang mag isa dahil hiwalay ako sa mga kaibigan ko, kaya eto ako ngayon. Naglalakad sa hallway habang nandidiri ang mga taong nakatingin sa'kin.


They can stare all they want.
Deretso lang ang tingin ko sa hallway, hinahayaan ko lang silang pagtinginan ako, pandirian at nadaanan ko pa ang mga Red Gang! Edi mas lalong nagtawanan sila pero si Kai? Hindi ko alam pero ang tahimik niya lang at deretso lang ang tingin sa daan. Ang lalim yata ng iniisip eh pero wala na akong pakeelam 'don.

Palabas na sana ako nang school nang may tumawag sa pangalan ko.

Nagmamadali niya akong pinuntahan at niyakap ng napakahigpit na para ba'ng wala ng bukas.

" Na miss kita! " bungad niya agad sa 'kin.

Natawa na lang ako ng bahagya. Na miss agad? Eh araw araw naman kaming nagkikita neto.


"Na miss din kita, Thea!" ang sabi ko at binigyan siya ng napakatamis na ngiti.


" Sorry ah, hindi na tuloy tayo sabay kumain kanina, eh napatagal kasi yung meeting." malungkot na sabi niya at nag pout pa.

Ngumiti ako ulit.

"Ano kaba? Ayos lang naman sa'kin 'yon!" ang sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.


" Kamusta nga pala ang pagtututor mo dun kay Kai?" otomatikong nag iba ang ekspresyon ng mukha ko nang mag iba ang pinag uusapan namin, ang kaninang nakangiting mukha ko ay napalitan ng inis.

" Ayos lang. " deretso kong sagot sa kanya.

" Anong ayos lang,  eh kanina nga umiiyak ka eh! " napatalon na lang ako sa gulat nang biglang sumulpot si Rein sa'min.

Ano ba naman 'to? Panira!
At ayun! Napalitan ang ekspresyon ang mukha ni Thea, ano pa? Edi inis! Bwiset kasi 'tong Rein na 'to! Pasalamat siya, bestfriend ko siya.

" Sabihin mo. " malamig niyang sagot.

Wala namang problema kung sasabihin ko eh kasi tong' si Rein naman eh! Panira eh ayoko lang naman kasing mag alala sila nang dahil sa'kin. 

Ayun si Rein, seryoso ring nakatingin sakin! Hayy!

Ang ginawa ko ay kinwento ko sa kanila hanggang sa makarating na kami sa dorm namin ni Alexa.

I wonder kung okay na kaya siya kase kaya hindi siya pumasok ay masakit daw ang ulo niya.


" Ano?! " pagkatapos kong magkuwento eh nag react na kaagad si Thea.

Kanina pa nagpaalam si Rein sa amin na babalik narin daw siya sa dorm niya.

" Halika! " bigla niya na lang hinablot ang kamay ko at akmang maglalakad na paalis ay tumigil ako.

" Teka nga!  Saan tayo pupunta?" taka kong tanong sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya.

" Susugurin natin ang Red Gang na 'yan, akala mo kung sino, porke famous at gwapo, gaganyanin ka na nila! kaya halika na! Puntahan natin sila! "

" Ano?! Baliw  kaba?! " bulalas ko sa kanya.

Natatawa na ako sa kaibigan kong 'to. Nag aalala siya para sa'kin, totoong kaibigan ko nga siya.  I'm lucky to have a bestfriend like her. Pero sobra na yata yung pag aalala niya ngayon. Birunin mo,  susugurin ba naman ang mga gangsters?

Tapos ang OA din kung maka react. Perfect bestfriend! Hahaha!

" Ikaw?!  Baliw kaba?! Ano hahayaan mo na lang silang ganyanin ka nila? Pwes, ako hindi ganun! Kaya tara!" bulyaw niya ulit sa'kin.

Kaya naman pinigilan ko ulit siya, nagsigawan kami sa may hallway at natapos ang lahat sa katahimikan. Hindi natuloy ang pinaplano niyang sugurin ang Red Gang.

Duh? She's a girl.  Ano bang kaya niya sa Red Gang?.

" Basta babantayan kita everytime  na tinututor mo si Kai." sabi niya habang nakapamewang pa.

Baliw lang? Napailing na lang ako at akmang papasok na sa loob nang hilain niya ang braso ko.

" Ah Basta! Babantayan kita! " matigas niyang sabi kaya nakakunoong tinignan ko siya.

" Seriously?! " tanong ko sa kanya.

" Mukha ba akong nag jojoke? " maarte niya pang tanong.

So hindi nga siya magkukunwari? Tototohanin niya talaga? Ganon?

" Ewan ko sayo! " inis na sabi ko at binuksan ko na lang ang phone ko.


Maya maya'y nag vibrate ito.

A message from...

What?!

How did he get my number?!
What the heck?!

From: 09*******

Hey! This is Kai! Save my number, nerd!


Paano niya nalaman ang number ko? Hindi ko naman basta basta na lang binibigay ang number ko kahit kanino,  except na lang sa mga kaibigan ko—

Rein? Sigurado akong may kinalaman si Rein dito. Eh baka kasi binigay niya ang number ko kay Kai,  baka naman hinihingi ni Kai yung number ko kay Rein!!!

Arrgggh!

That Rein Chinson!

Kakauspin ko siya bukas na lang!  Pagod na ako ano?!

" Sige na!  Magpahinga kana..." sabi ko rito para tumahimik na.

" Basta babantayin kita bukas! " angal nito.

Napasapo na lang ako sa noo ko.

" Oo na nga..." sabi ko naman para tumigil na siya. 

Kanina pa nangungulit eh! Hindi ' to titigil hanggat hindi ko siya napapagbigyan! Hayy!

Ngumiti siya at nagpaalam na sa akin at pumasok na ako sa loob ng dorm at nadatnang natutulog pala si Alexa.

Okay na kaya siya? Hindi na kaya masakit ang ulo niya?

Hayaan na nga! Hayy.

Binagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama.  Ang sarap sarap humiga! Ang sarap sarap magpahinga!

Hindi na ako nakapagpalit dahil pagod na rin ako at hindi ko rin namamalayan na nakatulog na pala ako.

***

Tutoring the gangster
By: Heartedprincess21
TTG 7 end

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon