Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 26 - Representative

5.5K 125 1
                                        

Warning: Binabalaan ko kayo, ang messy ng UD na 'to kaya sa mga marts diyan, hehe, 'wag niyo ng basahin 'to:)

Kezya's pov.

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Unang tumambad sa'kin ay ang puting kisame at sa gitna nito ay ilaw.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang nag aalalang mukha ni Alexa at Thea.

" Thank god, you're okay! " agad nila akong niyakap.

Tinignan ko ulit kung nasaan ako at natagpuang nandito ako sa dormitory namin.

" Anong nangyari? Paano ako nakapunta dito? " medyo paos 'yung boses ko pero hindi ko alam kung bakit.

Kinuhaan ako ng tubig ni Alexa at pinainom agad ako ng gamot.

" S-salamat. P-paano ako nakapunta dito? " taka kong tanong.

Ang natatandaan ko lang ay kasama ko si Kai kanina tapos...............

Teka....

Nasa'n si Kai?

" Teka lang nga... may sakit ka na't lahat, hinahanap mo pa rin siya? " sambit ni Alexa

" Kez, you should be resting. Don't mind him. " sambit naman ni Thea.

Hindi ko lang talaga maiwasang mag aalala sa kanya. Baka... totohanin ng mga gangster 'yung sasabihin nila. Pag hindi niya ako binigay sa kanila, pwede siyang patayin ng mga 'yun. Hindi ko alam kung bakit ko siya inaalala ng ganito.

Hindi ko rin alam kung bakit gusto nila akong kunin. Sa pagkakaalam ko, wala akong ginawang atraso sa kanila pero kinakabahan ako sa kung anong posibleng gawin nila sa'kin. Alexa said they can kill a person.

Pero nag aalala pa rin talaga ako kay Kai. I need to see him. I need to make sure na walang nangyaring masama sa kanya.

Naguguluhan na ako. Ano ba dapat maramdaman ko? Bakit mas inuuna ko pa siya kaysa sa sarili ko? Anong nangyayari sa'kin? Siguro natural lang na mag alala ako sa kanya kasi siya 'yung huli kong nakasama kahapon. Siya 'yung kasama ko kahapon.

" Alam na namin na kasama mo siya kahapon. He told us. Hindi namin maiwasang mag alala kasi akala namin, napano ka na. " sambit ni Alexa.

Alam na nila? Sinabi ni Kai?

" We've been searching for you everywhere. Pati ang mga professors, tinatanong sa'min kung bakit ka absent. " si Thea.

Shit! Napasapo ako sa noo ko. Absent na naman ako. Ang dami ko na namang na missed na lessons. Hindi ko alam kung makakahabol pa ako pero sana.

" Sorry kung pinag alala ko kayo, ah? I'm really sorry. " sambit ko.

Nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko man lang sila naisip. Hindi ko man lamg naisip 'yung mararamdaman nila kung wala ako. They are my best of friends. Ngayon lang ako nagkaroon ng mga kaibigan na katulad nila.

" That's okay. Besides, past na rin 'yon. We forgive you. "

Then nag group hug kami. It feels great na alam mong nag aalala ang mga kaibigan mo. It means that they really care for you.

" M-may sinabi ba si Kai sa inyo nung hinatid niya ako dito?" tanong ko nung kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanila.

Baka kasi sinabi ni Kai na gusto kaong kunin ng mga gangster na 'yon o baka naman pinagtitripan lang nila ako?

Sabi nila Alexa, wala naman daw. Ang sinabi lang ni Kai, nawalan lang daw ako ng malay at kailangang magpahinga. Hindi niya na pala sinabi yung sa sakit ko. Siguro ayaw niya ng pag alalahanin yung mga kaibigan ko. Pero hindi niya sinabi yung tungkol sa mga gangster kagabi...

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon