Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 47 - Falling Inlove

5.2K 113 19
                                        

Kezya's p.o.v

Ngayong magaling na si Kai, back to normal na naman. Masaya ako dahil nagkaayos na ang dalawang magkapatid, syempre ayun kahit na close na silang dalawa, sumasama pa rin si Kai sa Red Gang, parang 'yung dati lang pero ayos na silang dalawa.

'Kala ko niyan, forever silang magkagalit sa isa't isa. Alam na rin nina Thea at Alexa 'yon kaya ayun, masaya sa pakiramdam.

Ilang araw na lang pala bago 'yung masquerade ball, nawala sa isip ko 'yon, sa totoo lang, hindi naman ako excited doon, kung di lang talaga required lahat ng students na pumunta, 'di na talaga ako pupunta.

Class dissmiss na kaya naman pumunta na ako sa library, sa totoo lang, ayoko na nga siyang itutor kasi kahit papano nakukuha niya na rin 'yung mga tinuturo ko.

Pag dating ko r'on ay napataas ako ng kilay, wala pa siya. Himala, okay maghihintay na lang ako. Bago pa man ako umupo ay may tumawag sa pangalan ko.

" Bakit? " tanong ko.

Isa siyang freshmen, napakunot ang noo ko dahil tinawag niya ako. " Pinapatawag daw po kayo sa principal's office, ngayon na. "

Dahil doon, mas lalo akong nagtaka. " Bakit daw? " nagkibit balikat lang ang babae saka nagpaalam na rin para umalis. I was left confuse. Bakit ako ipapatawag? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong nilabag na school rules, ah?

Wala na akong nagawa kundi pumunta na lang d'on, baka may importanteng sasabihin lang 'yung principal sa'kin or may iuutos pero bakit sa dinami ba naman ng estudyante, ako pa 'yung uutusan?

Kumatok muna ako bago pumasok, pagpasok ko ay ganon na lang ang gulat ko nang nakita ko si Kai, kaya pala wala siya sa library kanina. Hindi kaya pinatawag rin siya?

" Ms. Laurel, you may take your seat. " utos ni Ma'am Belza, ang principal kaya naman umupo ako malapit sa desk niya, ngayon ay kaharap ko si Kai.

He was back to his usual self again, may piercing sa tenga, siga yung aura, kitang kita mo ang perpekto niyang mukha hindi tulad nung isang araw na sobrang nanghihina siya. I'm glad that he's fine.

" Pinapunta ko kayo rito dahil may sasabihin ako at hindi ko na papatagalin pa. " nakatitig lang ako kay Ma'am Belza, pero nararamdaman ko ang titig ni Kai sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang.

" Napansin ko lang na nagbago na ang grades ni Mr. Chinson, and I think that's good. Nag improve siya. " sabay ngiti niya at palakpak, hindi ko rin maiwasang ngumiti saka tumingin kay Kai na seryoso.

Eh? Hindi ba siya masaya?  Ano'ng problema nito?
" Which means, you don't have to tutor him anymore, Ms. Laurel. I must say, you are a great teacher of Mr. Chinson. " hindi mawala ang ngiti ko, great teacher, eh?

Hanggang ngayon ay seryoso pa rin si Kai at tahimik lang, ni hindi man nga ngumiti eh.
" Oh, Mr. Chinson, aren't you happy? " natauhan yata si Kai kaya nag half smile siya.

" Uh, opo. " saka umupo ng maayos pero kita mo sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin pero di ko mawari kung ano 'yon.

Kai's p.o.v

" Which means, you don't have to tutor him anymore, Ms. Laurel. " ewan ko kung bakit naestatwa ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon.

Hindi na ako tuturuan ni Kezya? Napabuntong hininga na lang ako. Sana palang hindi ko na ginalingan sa pag aaral para araw araw niya pa rin akong tuturuan. OA na kung OA but... I want her to stay

" Oh, Mr. Chinson, aren't you happy? " natauhan ako sa sinabi ng principal.

" Uh, opo. " Ngumiti na lang ako ng bahagya para ipakita na nakikinig ako. Tumingin ako sa kawalan pag tapos n'on, sa totoo lang nalulungkot ako, pero ayokong ipakita 'yon lalo na dahil nasa harapan ko ang principal.  I have to act normal.

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon