Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 41 - She's Back

5.2K 106 6
                                        

This chapter is dedicated to:
UndeniablyGorgeus_11

[SPECIAL CHAPTER]

Thea's p.o.v

Kinagabihan, di ako makatulog dahil hanggang ngayon hindi pa namin nahahanap si Kezya, sinabi ko na din kay Rein na nawawala siya, baka kasi mas lalo siyang magalit at malungkot kung hindi namin sasabihin 'yon.

Syempre, nag alala siya, sobrang alala niya nga. Mas nag alala pa siya kesa sa'min nina Alexa. Pero I can't blame him. He's that worried for his bestfriend. Ay mali, friends with benefits pala.

Pero wala na siyang nagawa kung hindi mag alala na lang at hintaying bumalik si Kezya dito. Wala na rin akong magawa kung hindi maghintay na lang ng text o tawag man lang sa kanya.

It's been days nang mawala siya, pero hindi niya man lang kami tinext o tinawagan man lang? Kasi sa ginagawa niyang 'yan, hindi niya ba naiisip na may mga taong nag aalala sa kanya ng sobra?

Tapos alam na rin ni Alexa 'yung tungkol kay Rein na gusto niya si Kezya, nagulat din si Alexa at parang hindi pa makapaniwala kasi hindi daw halata kay Rein na gusto niya si Kezya, hindi naman kasi masyadong showy si Rein sa mga feelings niya for Kezya pero ako, nahahalata ko, ewan ko lang kay Alexa bakit ganun o baka wala kay Rein 'yung tingin niya.

Feeling ko tuloy ang daming nangyari nang wala si Kezya sa tabi namin, una yung kay Rein, nang sabihin niya na gusto niya si Kezya, pangalawa yung biglang hinahanap ni Kai sa'kin si Kezya ( pa echos pa si Kai pero totoo naman na hinahanap niya kasi miss niya na charr! ), pangatlo nung gumawa ng gulo si Kai ulit. Sinuntok niya ba naman 'yung bulletin board?

At hinding hindi ko makakalimutan yung time na pinagdidikit ni Chelsea ang mga pictures nilang dalawa ni Rein at Kezya, naayos na rin yung problemang 'yon. Na guidance office pa nga si Chelsea at ang mga kasama niya.

Nandito ako ngayon sa balcony ng dorm, tulog na lahat dahil mag 11 pm na rin, hindi ako makatulog eh. Saktong nag iisip ako nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya binuksan ko ito at tumambad sa'kin ang isang text na ikinagulat ko...

It's a text from Kezya.

From: Kezya
10:53 p.m

Thea, I'm sorry kung pinag alala ko kayo, alam kong hinanap niyo ako, patawad pasensya na kung ngayon lang ako nakapag text.

Masyado akong nadala ng emosyon ko, nakalimutan kong magtext at ipaalam kung nasaan ako. H'wag kayong mag alala, binisita ko ang kapatid ko, nung araw na malaman kong may sakit siya, agad ko na siyang pinuntahan sa sobrang pag aalala,

Babalik ako bukas, kasama ko si Mommy ngayon at hinihintay na lang namin gumaling si Sam, sorry kung ngayon ko lang nasabi lahat ng 'to. Pakisabi na rin Kay Rein at Alexa 'to. Maraming salamat sa pag uunawa mo . . .

Habang binabasa ang text ni Kezya, hindi ko maiwasang maiyak ng kaunti dahil alam kong ligtas siya, kung ano man ang dahilan niya, alam niyang iintindihin ko lahat 'yon, malaman ko lang na ligtas siya.

Napangiti ako ng kaunti at pinunasan ang tumutulong luha sa mata ko. Nakahinga na ako ng maluwag, bukas ko na lang ibabalita na nagtext na sa'kin si Kezya.

Sana nga. Sana nga rin na agad ng gumaling 'yung kapatid niya para agad siyang makauwi kasi bukas na 'yung pageant. Nagtext ako kay Kezya pabalik.

To: Kezya
11:01 pm

Salamat at ligtas ka. Ayos lang 'yon, sobra kaming nag alala sa'yo pero sana bumalik ka na agad bukas, ah? Aasahan kita. Miss ka na namin dito:)

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon