Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 24 -Better

6K 134 4
                                        

Author's note: Hey, TTG'ers. I'm sick today. I'm lying on my bed, since wala akong magawa, i decided na mag update na lang. Love ko kayo eh^_^. Enjoy!

You should also listen to the song:

" This isn't it " by Taeyang

And comment anything kahit bash pa 'yan or what, tatanggapin ko^.^.

This is Heartedprincess21 leaving you with a quote about this chapter.

' I'm glad that i have them. '


Kezya's pov.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at unang tumambad sa'kin ay si Mama na katabi ko lang at mahimbing na natutulog.

Kumunot ang noo ko at kasabay 'non ay ang paglibot ng mga mata ko sa kabuuan ng lugar kung nasan ako. Isang puting maliit na kwarto.

Nang maalala ko ang nangyari nung gabing 'yon ay bigla akong napaupo sa gulat at kasabay non ay ang pagtingin ko sa braso ko kung saan ako nasaksak. Nakabenda ito ngayon ngunit ang sakit pa din.

Nagising si mama ng maupo ako. Tumambad kaagad sa'kin ang mukha niyang nag aalala.

" Anak! " agad niya akong sinalubong ng yakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

" Ayos ka lang ba? Mag masakit ba sa'yo? Gutom ka ba, ha? " sunod sunod niyang tanong.

Pa'no ba nalaman ni mama na nandito ako?

" Mm. M-medyo ayos na po ako ma, medyo masakit nga lang po ng onti yung braso ko. " mahinang sabi ko pero alam kong rinig niya naman 'yon.

Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung pano nakapunta dito si mama. Wala naman akong maalala na tinawagan ko siya para pumunta dito o ano.

" Sigurado ka ba? Nagugutom ka anak, teka kukuha ako ng makakain mo. " nagmadaling pumunta si mama sa maliit na mesa na katabi ko lang at kumuha ng pagkain.

" Salamat, Ma. " sabi ko pagkaabot niya ng pagkain sa'kin.

Habang kumakain ay hindi ko na naiwasang magtanong.

" M-ma, Pano po kayo nakapunta dito? "

" Tumawag sa'kin ang isa sa'yong mga kaibigan anak at sabi nila nasa hospital ka daw at napahamak kaya dali dali akong pumunta dito. " alalang sabi niya pa rin.

Naalala ko na naman ang mga kaibigan ko. Nasan na sila?

" Nasan po sila, Ma? " tanong ko.

" Pumasok sila sa eskwela anak pero maya maya lalabas na 'yon, sinabi nila babalik sila dito pag lumabas na sila. " Eskwela? Gabi pa ah?

" Anak, may problema ba? " tanong ni mama ng lumingon lingon ako sa bintana pero umaga na pala!

" Ma? Ilang oras na po ba akong tulog dito? " tanong ko.

" Dalawang araw ka ng tulog diyan, anak. Akala ko nga hindi ka na magigising eh. Pero laking pasasalamat ko sa diyos at nagising ka din. " alala noya pa ring sabi kaya natawa ako kahit na seryoso ang sitwasyon namin ngayon.

" I love you, Ma. " nakangiting sabi ko kaya nangiti rin siya at nagyakapan kami ulit.

" Nasa'n po si Sam? " biglaang tanong ko. Na miss ko na rin ang kakulitan 'non eh. Ang tagal na naming hindi nagkikita.

Saktong pagtanong ko kay Mama ay biglang bumukas ang pintuan kaya napalingon kami at nakita ko ang aking nakababatang kapatid.

Napangiti siyang nang makita niya ako kaya niyakap niya ako ng napakahigpit na para ba'ng ayaw niya na akong mawala pa sa bisig niya.

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon