Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 49 - Whatever It Takes

4.2K 92 9
                                        


Kezya's p.o.v

It's been one week since the Masquerade Ball happened, the scenes were just unreal, it felt like a dream to me, never I had imagine that a gangster like him will fall inlove with a girl like me. A simple nerd, I mean sino ba naman kasi ang magkakagusto sa pangit na tulad ko? Sinasabi lang kasi nila na maganda ako dahil iyon ang  akala nila.

Ang balak ko lang talaga sa school na 'to ay mag aral, hindi ko inexpect na may makikilala akong mga kaibigang tulad nila Thea, Alexa, Rein at lalong lalo na sa gangster na noon ay tinuturuan ko lang, isa sa mga bully, isa sa mga nagsabi ng masasakit na salita sa'kin, hindi ko inexpect na sa huli, siya pa ang manliligaw sa'kin.

It's like a dream isn't it? Kung panaginip nga 'to sana 'wag na akong magising. Akala ko si Nathan lang ang lalaking mamahalin ko ng buong buo, meron pa palang dadating sa buhay ko and it's him. Ang crush ng bayan, walang ginawa kung 'di makipag gang fight but  I never thought that I'd fall for him this hard.

It's our dismissal so I picked up my bag but then a man walked towards me and grabbed my bag from my back kaya kinantyawan kami ng mga kaklase ko.

" Ayieeee!!! "

" Oiy, bawal yaaaan baka langgamin kami dito oh! "

" Omg, ang cute niyooooo! "

Napapangiti ako sa mga sinasabi nila,  ewan ko ba, ilang days na ang nakalipas pero ganito pa rin ako maka react kapag nandito si Kai, he just smirked and went outside kaya naging sunud sunuran ako.

Everyday, ganito ginagawa namin, hinahatid niya ako sa school, tapos pag breaktime kasama ko ang mga kaibigan ko, syempre hindi porke may nanliligaw sa'kin eh kakalimutan ko na sila, tapos sabay kaming naglulunch ni Kai at siya rin naghahatid sa'kin minsan pauwi kapag busy pa mga kaibigan ko.

" Oh, kamusta yung exam? " unang tanong ko sa kaniya.

It's our finals today kasi, and last day na lang ng exam day.
He shrugged and pouted. " Ayun, it went well. "

Tumaas ang isa kong kilay at balak ko siyang biruin. " Talaga ba? O baka nangopya ka na naman? " I said, playfully. Tinignan niya ako nang may nag-review-kaya-ako-look

Kaya natawa ako. " Talaga lang ha? "

" Naman! Ako pa? Talino ko eh, dahil sa'yo. " kahit kailan talaga ang yabang nito.

" Sige, kapag mas mataas score mo sa'kin bukas, manlilibre ako pero kapag hindi, ako ang ililibre mo. " hamon ko.

" Deal! " sabi niya at parang nagmamayabang pa yung mukha niya. Parang confident na confident nga siyang mas mataas ang mga scores niya kaysa sa'kin.

Talaga lang, ah? Kai Chinson? Nanghahamon talaga 'to, tignan natin.

Nakarating na kami sa tapat ng dorm namin kaya naman inabot niya na sa'kin ang kanyang backpack.

Tapos hinintay ko muna siyang umalis pero nandoon lang siya, medyo nakangiti at nakapamulsa pa kaya nagtaka ako. " Oh, hindi ka pa ba aalis? "

Pero nakangiti lang siya. " Can I just stay here forever? " kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, weird neto.

" Bakit naman? "

" Because I want to see you every second, every minute, every hour, and every single day..  "  natiklop ang bibig ko sa sinabi niya, hindi nakapagsalita agad, nganga! Ano pa sige, banat pa, Kai Chinson hanggang sa malusaw na ako rito!

" Ikaw talaga! Ang cheesy mo, araw araw naman tayong magkikita eh 'di naman ako nawawala. " pabiro kong sabi at pinagtulak tulakan siya para umalis na but he didn't budge. Ang kulit talaga ng lalaking 'to!

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon