Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 36 - Why me?

4.5K 104 2
                                        

Kezya's p.o.v

" Okay class. Malapit na 'yung pageant natin na Mr. and Ms. Klam High. Per year 'yung mga representatives natin, pinag usapan namin ng mga teachers na dito kami kukuha ng mga representatives, so ako 'yung naka assign na magdecide. " anunsyo ng professor namin at naghiyawan naman 'yung mga classmates ko.

Since free time naman namin ngayon at aannounce lang 'yung about sa pageant, might as well read a book. Kumuha ako ng libro tapos nagsimula na akong magbasa. Nakakabored naman kasi 'yung mga pinag uusapan nila,  mas gusto ko pa 'yung nag aaral eh.

" Sir! Si Alisa 'yung isali natin! " kahit nagbabasa ako, nakikinig pa rin ako sa mga sinasabi nila.

Nag agree 'yung iba at 'yung iba naman, nagreklamo. Aba! Nagreklamo pa sila, ah? Ang ganda ganda kaya ni Alisa at for sure, mananalo kami. I can't deny that she's almost perfect so hindi ko maintindihan kung bakit nagrereklamo 'yung mga iba.

" Eh kung si Marga na lang kaya? " sabi naman nung isa. Same din kay Alisa, 'yung iba nag agree, 'yung iba dapat daw si Alisa 'yung isali.  Ang gulo nila hayyst.

'Yan, nagkagulo tuloy sila. Para ngang nag aaway na eh, May alam pa silang " Team Alisa kami " at " Team Marga kami " hayy ang ingay tuloy ng classroom, hindi na ako makapag focus sa binabasa ko.

" Class, settle down. " sinubukan silang awatin ni Sir pero hindi pa sila tumigil.

" Shut up! " may biglang sumigaw kahit ako nagulat. Tinignan ko kung sino 'yon at si Marga pala. Siya 'yung muse namin at pinakamataray sa'min. Natatakot nga ako sa kanya kahit never niya pa akong kinausap.

That made them shut. 'Yung kaninang magulong klase, ngayon natahimik. She walked in front of the class at tinitigan niya kami.

" May alam akong ideya. " sabi niya sabay ngisi.

Kinakabahan tuloy ako, sinubukan kong 'wag silang pakinggan at magbasa na lang pero hindi ko maiwasan eh.

" Ano 'yon, Ms. Sanchez? " tanong ni Sir.

Kinakabahan tuloy ako sa sasabihin niya hayst. " How about si Kezya na lang 'yung isali natin sa pageant? " sabay turo sa'kin ng nakangisi.

Nagtawanan silang lahat pagtapos n'on at ako naman, nahulog ko 'yung librong binabasa ko sa gulat.

Seriously? Me? There's no way na sasali ako sa letcheng pageant na 'yan. Tsk. Nanahimik lang ako dito, tapos tinuro turo pa ako letche naman oh!

" HAHAHAHAAH! "

" NICE JOKE MARGA!! "

" MARGA, ARE YOU KIDDING US? "

" BWAHAHAHAHA SI KEZYA?! SASALI SA PAGEANT? IN YOUR DREAMS HAHA! "

Napahiya tuloy ako. Ano ba 'yan. Lupa kainin mo na ako! Nakakainis, nakakahiya na. Gusto kong takpan tuloy 'yung mukha ko dahil sa hiya.

Si Marga naman, nakakunot 'yung noo. Akala ko tatawa siya eh.

Sumigaw na naman si Marga kaya natahimik na naman ang lahat. Grabe 'tong si Marga, parang bulkan na sasabog anytime. Nakakatakot siya.

" Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko, ha? May problema ba kayo kung isasali si Kezya sa pageant? " para namang hindi makapaniwala ang mga classmate ko sa sinabi ni Marga.

Kahit ako eh, nagulat. Akala ko, joke lang 'yung sinabi niya.

" Ha? Seryoso ka ba talaga Marga na isasali mo 'yang nerd na 'yan sa pageant? "

" Tss. Ang pangit niyan eh. "

" Marga, ikaw na lang! "

" Si Alisa na lang kasi eh! "

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon