Chapter 23 - Confession

50.2K 1.1K 197
                                    

Author's Note:

Sweeties, alam kong medyo napapamahal na sa inyo ang mga characters ng Audrey&Chase pero sana, mapansin o pansinin nyo din po ang aking upcoming book na Brat Girl Meets Bad Boy.

Sa mga hindi po nakakaalam, yun po ang lovestory ng parents ni Audrey na si A'ishah at Chad. Posted po sya sa profile ko pero medyo marami akong binago para sa upcoming book at ginawa ko syang super worth it para mabili. Kaya sana po suportahan nyo at bumili kayo once na mai-release na. :)

~

SYDNEY'S POV

"Bakit? Akala nyo ba nagpapakalasing ako dahil sa broken hearted ako? Hahahaha! Tangina! Bobo! Nagpaparty ako! Nagpaparty ako dahil muntik na kong matali sa isang babaeng walang kwenta!"

And that was a lowblow. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya sinampal ko sya. Ang sakit sakit. Alam kong hindi ko sya masisisi kung bakit sya nagkakaganyan dahil sa may mali din ako. Pero dapat ba na lahat ng blame sakin?

Before my tears streamed down my face, umalis na ko. Ayoko ng makita nya pa na umiiyak ako. Ayoko ng makita nya pa na iniiyakan ko sya. Mahal ko sya pero hindi ko na dapat pang pababain ang sarili ko sa kanya. Dahil pag pinababa ko pa ang sarili ko, hindi na pagmamahal yun. That's fucking stupidity.

*

Ever since that night na sinabihan nya kong walang kwenta, iniwasan ko na silang lahat. Nakakakonsensya nga dahil hindi naman dapat pang madamay sila sa issue namin but I needed space. Hindi din ako nakigrupo sa iba pa hindi dahil nag-iinarte ako o ayaw ko sa ibang tao. I chose to be alone because eventually alam kong babalik ako kina Audrey. And actually, namimiss ko na sila at hindi na ako sanay na mag-isa. I just need to think things through on my own dahil alam ko na sarili ko lang ang makakatulong sakin sa bandang huli.

I'm currently here in the University's rooftop. Off limits nga e, medyo bad girl lang. Haha.

"Someone's invading my territory." a male stern voice said which made me turn to him. Pagharap ko naman ay biglang kumunot ang noo ng lalaki kaya pati ako napakunot na din ang noo ko.

"Have I met you before?" he asked.

"I think so. You're kind of familiar." sagot ko naman.

"Wait, I think I know now. Isa ka sa mga kaibigan ni Audrey di ba? You're Sydney if I'm not mistaken?"

"Yes. I am. And you are? Uhm, sorry hindi ko na kasi tanda ang name mo."

"I'm Dave." sabi nya at inabot ang kamay nya sakin. Iniabot ko din naman yung akin at nag-shake hands kami.

"I see. Haha. Sorry ha. Mas tanda ko kasi yung name ni Zion." amin ko at bigla syang tumawa.

"Zion the hero. Lol. Bakit type mo si Zion?" tanong nya sabay taas baba ng kilay nya kaya bigla akong natawa.

Audrey and Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon