Chapter 37 - Defending what's right

27.5K 927 157
                                    

The girls and I just finished our task for the day which was to re-paint the fences of the orphanage. It was a good thing that our classmates are now, somehow, getting used to the difficult tasks that Rachel is giving us. May kaunting complaints pa rin pero, kailangan pa rin naman talagang sumunod for the sake of money.

Kapapasok lang namin nina Venice sa loob ng marinig namin si Rachel na nagwawala at may mga batang umiiyak.

Wait- mga bata?

Nasa school lahat ng mga bata ah?

Agad kaming napasugod sa sala kung saan naroon nanggagaling ang boses ni Rachel. At nang makita namin ito, may apat na bata itong pinapalo gamit ang manipis na kawayan.

"Ang titigas ng mga mukha nyo! Palamunin na nga lang kayo dito nakuha nyo pang gumawa ng gulo sa eskwelahan nyo?! Ang kakapal ng mga mukha nyo!  At ano? Porque inasar kayo na wala kayong mga magulang mananakit kayo ng ibang bata?! E, totoo naman di ba?! Kaya nga kayo nandito e! Iniwan kayo nga mga walang kwenta nyong nanay at tatay kasi mga walang kwenta din kayo! Tapos ang kakapal pa din talaga ng mga hiya nyo?! Hindi kayo kakaen mamaya!!!" sigaw nito.

"Tama na po! Tama na po! Pakiusap!" sigaw ng mga bata at doon ko lang na-realize na sina Ana, Mica, Buknoy at Mark ang mga batang sumisigaw na iyon.

Agad akong napatakbo sa harap ni Rachel para pigilan ito. Muntik nga din akong mahampas nito ng kawayan sa sobrang galit nya. Sina Venice, Sydney, Ash at Erin naman ay niyakap ang mga alaga ko.

"Wait! Bakit nyo ho sinasaktan ang mga alaga ko?!" sigaw ko dito.

"Wag kayong makikialam dito!!! Tumabi kayo! Alis!" sigaw nito pabalik sakin at akmang papaluin na naman ang mga bata.

"Ano ba?! Can you please stop hurting them?! Hindi nyo sila kailangang saktan!"

"Wala kang alam kaya lumayas kayo sa harap ko at baka ikaw ang hampasin ko nito!" she threatened and that made me mad.

"Then go! Hit me! Ako nalang ang hampasin mo kaysa yung mga bata! Hindi porque kayo ang nagpapakain sa kanila ay may karapatan na kayong saktan sila na parang hindi sila tao!"

"May karapatan akong disiplinahin at saktan sila dahil sa ako ang nagpalaki sa kanila! Ako ang naghirap at nagpalamon sa kanila! At ikaw? Wala ka lang kaya lumayas ka sa harap ko!"

"Sa linggong ito, ako ang tumatayo bilang magulang nila! Ako ang nag-aalaga at nagpapakain sa kanila! Ako ang may hawak sa kanila ngayon kaya kahit ilang beses mo akong sigawan na lumayas dito hindi ko gagawin iyon! Hanggat nandito ako, ako lang ang may karapatan sa kanila kaya ikaw ang umalis!" sigaw ko dito at mukhang nagulat naman ito.

"Ang kapal ng mukha mong sagutin ako at palayasin ako sa sarili kong lupa! Sino ka sa akala mo ha? Sino ka para makialam?!" galit na sabi nito sakin.

"Makikialam ako dahil mali na ang ginagawa mo. Napaka-harsh mo sa mga bata. Hindi mo sila dapat tratuhin ng ganito. In the first place, kinukkop mo sila ng dahil sa kagustuhan mo at walang namilit sayo. Ngayon, bakit mo kailangang isumbat sa kanila iyon? Ginusto ba nilang iwan sila ng mga magulang nila dito? Choice ba nila yun? At kung ganitong pagpapalaki at pagdi-disiplina lang pala ang gagawin mo, hindi mo na sana sila kinupkop. Hindi ka ba naaawa? Why don't you try putting your place in their shoes? Anong klase ng tao ka?"

Audrey and Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon