Chapter 25 - Smells like trouble

46.9K 1.1K 250
                                    

A/N: I just want to warn you, medyo sabaw ang chapter na 'to. Naghalo halo ang ideas ko e. Haha! XD I'll just edit this when I can. And to clear the rumors, hindi pa po tapos ang A&C. :)

~

"I'm hungry! I'm hungry! I'm hungryyy! Leggo eat, people! Bilisan nyo!" Venice shouted as we went out of the room. Katatapos lang ng ComArts namin and we now have our one and half hour break.

"Kelan ka ba hindi nagutom? Patay gutom ka naman e." sagot naman ni Brent sa kanya at bago pa sya mabatukan ni Venice ay agad na itong tumakbo kaya hinabol sya ni Venice.

"Bumalik ka ditong damuho ka!"

"Habulin mo ko, Ven. Come on and get me, get me! Baby I''m yours come on and get me~ Bwahahahaha!"

Sigawan nila sa hallway at nailing nalang kami sa kanila.

"Ayaw pa kasi mag-aminan." Trey commented.

"Kaunti nalang mag-aaminan na yan." Gunner retorted.

"Payag ka ba pag naging sila?" Ash asked.

"Of course! I've been waiting for it to happen. I just hope that when it finally happens, that asshat won't break my sister's heart."

"I'm sure he won't." I replied.

"Who knows. But whatever, malalaki na sila. Alam na nila mga ginagawa nila." sagot nito sakin at saka ito nauna ng maglakad, nagsisunuran naman ang iba at naiwan kami ni Xavier.

"Tingin mo? Will Brent hurt Venice?" I asked.

"Yes. It's inevitable, retard. Part of love." he answered while we're walking.

"So even you will hurt me and make me cry as well?"

"Yes. It may happen but, it won't be intentional." he smilingly said. "Kung maging intentional man ang pananakit ko sayo, I will have a very good reason prepared why I did it." he continued and patted my head.

"Just make sure that, that 'reason you're going to give will be very acceptable. 'Cause I don't forgive people that easy."

"Nah~ I know that you can't resist my charms." he retorted and winked at me.

"Whatever, Fuentarivas. Whatever." I said and rolled my eyes at him.

Bumaba na kami at pumunta sa caf. Nadoon na din yung barkada at actually may mga pagkain na sila. Pero may isang scene din kaming naabutan pagdating doon. May babaeng sumisigaw habang dinuduro ang babaeng nasa lapag. Doon ko lang namukhaan na kaklase namin ang dalawang iyon pati na ang lalaking nasa gitna.

"Ingatan nyo ang mga boyfriend nyo! Wag nyo papalapitin sa babaeng yan! Kala nyo lang nerd ang dating pero nasa loob ang kulo. Napakalandi! Ang kapal ng mukha! Samin pa ng boyfriend ko kumabit. Nakakahiya ka!" sigaw nito at sumampal pa dun sa babaeng nasa lapag. Ni hindi man lang sya pinigilan nung lalaking nasa gitna nila. Natawa pa nga ito e. Sa sobrang pahiya naman nung babaeng nasa lapag tumayo ito at tumakbo paalis.

Audrey and Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon