Kabanata 5

8.3K 76 2
                                    

Mabilis kaming humakbang ni Caroline papuntang gym upang manood ng try out ni Jackson. Kahit napilitan ang kaibigan ko na sumama subalit wala na siyang magagawa pa. Kailangan na makita ako ni Jackson na naroon para mas lalong mahuli ko ang loob niya.

Sigawan at halakhakan agad ang sumalubong sa amin ni Caroline. At malinaw sa pandinig ko ang pangalan ni Jackson na hinihiyaw ng mga kababaihan. No doubt, hindi ko sila masisisi at tiyak na si Jackson ang susunod na magiging hearthrob dito sa campus. Pumwesto kaming dalawa ni Caroline kung saan malinaw na masisilayan namin ang katauhan ni Jackson. Shit! He is wearing my favorite number which is 8, a sign of infinity. Marahil siya na nga ang lalaking makakasama ko panghabangbuhay.

"Go! Go! Jackson! Jackson!" Sigaw ko habang kumaway-kaway para makita nito. Hindi nga ako binigo at bumaling ito sa akin. Kumunot ang noo niya saglit subalit nang mapagsino niya ako, agad namang gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Halos mawalan ako ng hininga ng kinawayan niya ako and everybody's staring at me. Kahit si Jeoffrey ay nakatingin sa akin at walang reaksyon ang mukha niya. Wala akong pakialam. Hindi naman siya ang pinuntahan ko rito.

Mas lalong lumakas ang sigawan nang naagaw ni Jackson ang bola mula kay Daniel at mailap nitong nilaro. Magaling siyang magdribble at nahirapan ang mga kalaban nitong hulihin ang technique na mayroon siya. He has a very unique strategy on how to play and he knows how to read every move of his enemies and counterpart with such overwhelming confidence. Shoot! At lahat kami nagpalakpakan nang mapasok nito ang bola.

"Jackson! Date me!" Sigaw ng isang babae at halos mapunit na ang bibig nito.

"Jade! Please marry me!" Sigaw rin ng babaeng mukhang ewan ang mukha. Puno ng kolorete at halos hindi na makilala ang totoong hitsura.

Napatingin sa kanya ang unang sumigaw at matalim itong tumitig.

"Akin lang siya!" Sigaw ng unang babae.

"Walang sa iyo! Akin lang ajg asawa ko!" Sigaw naman ng pangalawang babae. Hindi na nila mapigilan ang galit na naramdaman. Napagdesisyonan nilang magsabunutan kung sino nga sa kanila ang karapatdapat. Umiling ako at binaling ang atensyon kay Jackson.

"Jackson! Please fuck me!" Sigaw ng malanding babae. Walang hiya! Gusto ko sana siyang upakan eh. Pero ayaw ko ng gulo.

"Jackson! Oh please Lick mine!"

"Fuck me so hard Jackson."

Iba't ibang sigaw ang naririnig ko.

Hindi rin ako nagpapahuli. "Jackson! Go Jackson!" Malakas kong sigaw, tiyak sasabog ang gym sa matinding lakas na ginawad ko.

Napatingin si Jacskon sa akin at ngumiti, tapos bigla siyang nagkorean sign. And he really looks so cute and handsome. Pinamulahan ako ng mukha at biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Lumandas ang tingin ko kay Jade na kasalukuyang nakatingin sa akin. Walang reaksyon ang mukha niya, nananatiling blanko. Then he smirks when he sees me looking at him. Pinasa sa kanya ang bola at nagpakita rin ito ng pambihirang galing sa paglalaro. Lumakas ang sigawan. Naririnig ko ang sigawan at laman niyon ay ang pangalan ni Jade.

Nagpakita ng di matawarang galing si Jade sa paglalaro ng basketball. He moves so gracefully, with passion and ectasy. He is quick like a deer, fast like a running arrow, and soft like a water's wave. He has the ability to swift movements from soft to rough, from slow to fast just to elude his opponents. Nagpalakpakan ang mga tao roon nang pumasok ang tira niya. Halos sumabog ang gym sa tilian, sigawaan at palakpakan.

"Jeoffrey please just a night!"

"Jeoffrey fuck me so hard babe!"

"My babe!"

Stepbrother's Play (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon