Lumipas ang ilang linggo at nagkaayos na kami ni Jade. Muling nanumbalik ang pagtingin namin sa isa't isa at pakiwari ko ay mas lalong lumalalim ang pagmamahalan namin.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagmamaneho ito patungo sa Airport. God! Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. He is my everything. Tinititigan ko nang maigi ang mukha niya, 'yung tipong gusto mo siyang lunukin para hindi na maagaw pa ng iba. Siya ang kauna-unahang lalaking umangkin sa pagkababae ko, ang lalaking 'di ko inaasahang paulit-ulit akong angkinin. Akalain mo, ang dati kong kinamumuhian ay hinahanap-hanap ko na ngayon na tila ba siya ang may hawak sa hininga ko.
Palihim akong napangiti habang binalikan ang nakaraang panimdim. Hanggang sa 'di ko namalayan na tuluyan na akong hinila patungo sa nakaraan.
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi nang may yumakap sa akin nang mahigpit na tila ba ayaw ako nitong makawala mula sa bihag nito. Habang bumubundol naman sa leeg ko ang hininga nito. Madilim at hindi ko ugaling matulog na nakapatay ang ilaw.
"Mali ito!" Bulong ng aking isipan.
Unti-unting lumalakas ang tibok ng puso ko at inisip ko na baka may rapist na nakapasok sa kuwarto ko at may dala itong punyal na nakatutok sa aking likod. Mas lalo akong kinakabahan nang maramdamahan ko na isang matulis at pumipintig na punyal ang nakatuon sa puwetan ko. Napalunok ako ng laway at wari'y binuhusan ako nang maginaw na tubig.
'Diyos ko!' Napasigaw na lamang ako sa isipan.
Pinapakiramdaman ko muna, walang pagbabago, nananatili lang itong nakayakap sa akin at hindi naman ako pinag samantalaan ng sinumang taong nangahas na pumasok sa kuwarto ko.
Maingat kong kinalas ang kamay nitong nakapulupot sa baywang ko at dahan-dahang umahon mula sa kama. Binuhay ko ang ilaw at biglang lumaki ang aking panga sa napagtanto ko. Agad namang kumulo ang sikmura ko sa matinding galit na tila nabuhay ang isang daang alaga kong dragon sa loob.
Kinuha ko ang unan at hinampas ang ulo ni Jade. Hindi ko akalain na magagawa niyang tumabi sa akin at yakapin ako na tila ba pagmamay-ari niya ako.
"Hoy gumising ka!" Galit kong sigaw habang hinampas-hampas ko ang mukha nito.
Nagising ito at umupo habang naguguluhan na nakatingin sa akin. Wala itong damit na pang-itaas at talagang pinaghandaan ang pakay nito sa akin.
"Ano ba! Anong ginagawa mo?"
"Anong ginagawa mo?" Tumawa ako at buong lakas na hinampas ng unan ang ulo nito dahilan upang mahulog ito sa kama.
Tumayo siya at nilapitan ako. Doon ko pa namalayan na nakahubad lang ito at tanging underwear lang ang natitirang nakatakip sa kanyang katawan. Kinakabahan ako subalit hindi ako nagpapahalata.
"What the hell! What are you doing here?" Aniya habang papalapit ito sa akin.
Aba siya pa ang nagtatanong.
"Aba ikaw pa talaga ang may ganang magtanong?! I should be the one asking you! Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko?" Sigaw ko.
Bigla itong tumawa at napahawak sa tiyan nito.
"Seriously? Look around Silese! Is this really your room?" Aniya habang humahalakhak ito.
Sinuyod ko ng tingin ang buong kuwarto at doon ko pa nagpagtanto na nasa maling kuwarto ako. Pero bakit ako nandito?
"How dare you?" Sinalakay ko siya at sinampal sa mukha. "Dinala mo ako dito! I know you! Dinala mo ako!" Sigaw ko sa kanya.
"Jelou brought you back home because you were drunk! At malay ko ba kung bakit dito ka sa kuwarto ko nakahiga."
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Romance"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...
