PROLOGUE
Matiyagang pinagmasdan ng binata ang mukha nito, nakailang ulit na itong humarap sa salamin upang usisain ang sariling mukha. Pagkunwa'y ngumiti ito at muling inayos ang buhok nito.
Ilang ulit na rin itong huminga nang malalim na tila hindi mapakali sa sarili. Ilang damit na rin ang kanyang sinubukan subalit tila ni isa ay walang bumagay sa kanya, halos lahat kasi ng damit nito ay pinaglumaan at mula pa sa kanilang kabitbahay.
Hindi maipagkakaila ang lungkot sa mga mata niya, napabuntong hininga na lamang ito habang tinititigan ang sarili mula sa salamin, ngumiti siya at doon nito napagtanto na kahit papaano hindi maipagkakaila na makiyas ang kanyang dating, guwapo at nag-uumapaw ang charisma nito. Siyang ang tipong moreno, samahan pa ng mapupungay nitong mga mata na tila nangungusap at nanghihila, na tila nakapaloob ang karagatan sa mga mata nito——bughaw, malalim at misteryoso. His eyes as blue as a deep sea during winter; somehow cold and aloof.
Si Talisa ang babaeng iniibig niya; ang sinisigaw ng kanyang puso, kahit na malayo ang agwat ng pamumuhay nila ay hindi iyon naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Their love will always thrive, they will love each other to the edge of the world; to whatever end. Together and always be even the world is a forgotten whispers between stars.
Habang naiisip palang niya ang babae ay hindi nito maiwasang makaramdam ng kaba na may halong saya at kiliti. Masyado na siyang natatakam na makita ito, sabik na sabik. Love is always like that, it keeps you wanting someone and you don't like giving a damn what would happen, what others would say because the only reason for you is to always see her or him laugh and smile.
“Lola aalis na po ako!” Sigaw niya at nagmamadali itong lumabas mula sa bahay ni hindi nito inantay ang tugon ng kanyang mapagmahal na lola.
“Mag-ingat ka apo!” Pahabol naman ng kanyang lola habang nakangiti itong tinatanaw siya.
“Opo lola.”
Agad nitong pinaharurot ang sariling motor at dumaan muna sa flower shop at bumili ng tatlong rosas para kay Talisa. Ganoon na lamang ang pagtingin nitong nararamdaman para sa babae. He was heed over heels, lahat gagawin niya mapasaya lamang nito ng babaeng tinitibok ng kanyang puso.
Pagkarating niya agad itong sinalubong ng malakas na musikang nagpapaindak sa kanya. Pumihit siya ng mala-Michael Jackson at bahagyang inayos ang kanyang buhok. Kinuha niya ang maliit na botel ng pabango sa bulsa nito at nagspray ng kunti. Save for one month.
Huminga siya nang malalim. Pagkapasok pa lang nito sa paaralan ay agad siyang sinalubong ng dagat ng mga taong nagsisiyahan habang sumasayaw.
Sinuyod lahat ng taong naroroon ngunit isa lamang ang tanging hinahanap nito, si Talisa. Gayumpaman hindi niya ito mahagilap kahit halos nasuyod na nito lahat ng sulok ng paaralan.
Kinabahan siya. This would be their first anniversarry and she said to him she would be here.
No. No. No she won't disappoint me. She will be here. Just wait a little minute Amon.
“Arnold!” Tawag niya sa kanyang kaibigan nang makita nitong sumasayaw sa dance floor.
“Yes bro?”
“Nakita mo ba si Talisa?” Pasigaw niyang tanong upang marinig niya ito sa kabila ng malakas na ingay ng paligid.
“Si Talisa ba kamo?” Pasigaw na tugon din ng kaibigan nito.
“Oo Arnold. Nakita mo ba? Halos sinuyod ko na lahat ng sulok dito pero 'di ko siya nakita eh.”
“Hindi ba siya nagtext sa'yo?”
“Hindi rin eh.”
“Wala ba siyang sinabi sa'yo?”
“Na alin?” nagtatakang tanong nito. Nahuli ko siyang nag-iwas ng tigin na tila may lihim na tinatago.
“Wala! Wala.. Hehehe! Baka 'di pa nakarating Amon. Alam mo na babae, mabagal kumilos, madaming ginagawa sa sarili.” patawa-patawa niyang wika at muling nag-iwas ng tingin.
Nakita niyang tumikhim si Arnold at hindi tuluyang makatingin sa kanya. Hindi ito mapakali sa inasal ng kanyang kaibigan dahil alam nito na kapag ganoon ay may tinatago ito sa kanya.
“Kilala kita Arnold.” Sabay hagod sa balikat ng kaibigan niya.
“..tapatin mo nga ako, alam mo ba kung nasaan si Talisa?”
Napatda ang kaibigan nito sa kanyang tanong. Binuka-tikom nito ang bibig niya na tila hindi nito alam kung ano ang sasabihin o kung saan siya magsisimula.
“Arnold!? May sasabihin ka ba o gusto mong uupakan kita?” Banta niya sa kanyang sariling kaibigan habang pinisil nito ang balikat.
“Kasi...”
“Kasi?... Putek! Arnold sabihin mo na!” Naiinis niyang sigaw dahilan upang mapapitlag ang kaibigan nito sa takot, alam ni Arnold kung paano siya magalit kung kaya labis na labis na lamang ang takot na nararamdaman ng kaibigan niya.
“Nakita ko sila ni....Cedrick Ty magkasama.”
“Cedrick Ty?” Usisa niya. Tumango ang kaibigan nito hudyat na tama nnito. Huminga na lamang siya nang malalim.
“Oo si Cedrick Ty, the owner's son. Sabi ko naman sa'yo diba? Talisa has been cheating on you with Cedrick Ty pero ayaw mong maniwala sa akin! Pinagpalit ka sa intsik! You even called me liar! Instead you went blind and mute. Amon, Talisa has been cheating on you! She doesn't feel anything for you so instead cut off your wildest dream and wake up. Fairytale is not for boys——”
“Shut up!” Napahinto ang kaibigan nito sa kanyang sasabihin sapagkat sinalubong nito ng malakas na suntok ang mukha ni Arnold at napabulagta sa sahig. Hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman niya, galit, selos, lungkot o poot. Napakuyom na lamang siya sa kamay nito habang nagtatagis ang ngipin sa matinding galit.
“Saan sila pumunta?”
“Umuwi ka na Amon! I won't tell you baka ma-expel pa tayo sa school na 'to.” wika ng kaibigan niya habang tumayo ito at pinahid ang dugo sa bibig nito.
“Wala akong pakealam!” Sigaw niya sa pagmumukha ng kaibigan niya. Hinablot niya ito sa leeg at sinakal nang mahigpit.
“Magsasalita ka o gusto mong tuluyan kang 'di makapagsalita?” Banta niya habang nanliliksik ang mga mata nito.
“I'll tell you but first take your hand off from my neck.” Kumalma siya at binitawan nito.
Huminga nang malalim ang kaibigan nito. “They went to your favorite spot.”
Pagkasabi ng kaibigan nito ay agad siyang humagubis ng takbo at tinunton ang Acacia Tree. Huminto siya nang makita ang dalawang taong naghahalikan sa ilalim ng malaking puno. Para siyang pinako sa kinatatayuan nito at tulalang nakatingin kay Talisa at Cedrick. Kusang dumulas sa kamay nito ang tatlong rosas ni hindi man lang niya namalayan dahil nakabaling ang atensyon nito sa dalawa.
Napuputos ng lumbay at galit ang puso nito habang nakatingin sa dalawa, hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman, parang piniga ang puso nito. Gusto niyang sugurin subalit wari tinakasan siya ng sarili nitong lakas at ni kahit isang hakbang ay hindi niya magawa. Natagpuan na lamang nito ang sarili na napaluhod at napahagulhol ng iyak.
Hindi nito lubos maisip na nagawa iyon ni Talisa sa kanya. He has been very loyal to her, lahat ata gusto ni Talisa binigay na niya ito, oras at atensyon ni halos mapapabayaan na nito ang kanyang pag-aaral pero bakit nagawa pa rin siyang lukohin? Marahil, dahil mula siya sa mahirap na pamilya, wala siyang maipagmamayabang sa harap ng mga magulang ng dalaga. He was just nothing and maybe to her he had nothing to prove at all.
Isa lamang ang gusto ni Amon habang nakatingin sa dalawa. He wanted them to be killed, no he couldn't do that. He just wanted a sweet revenge. He wanted Talisa to be his, only and alone. He wanted Talisa to be his sex slave and so he could take his sweet vengeance.
“I'll take my vengeance.” bulong nito sa kanyang sarili at tuluyang tumalikod at humakbang palayo.
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Любовные романы"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...