"Thanks Jack." Wika ko matapos niya akong ihatid pauwi. Tumingin siya sa akin at hinuli niya ang tingin ko. Pagkunwa'y ngumiti ito.
"You are always welcome Silese. Do I need to bring you inside?"
"I can carry myself Jack, kahit medyo lasing ako but still I can manage to walk." Lumapit siya sa akin habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Walang pasabing hinalikan niya ang labi ko.
"Good night." Aniya at pumasok na ito sa kanyang kotse. Huminga ako nang malalim. Sana nasa loob na ng mansyon si Jade. Sana tulog na ito para kahit papaano puwedeng palihim ko siyang pagmasdan. Sana nga lang di nakalock ang pinto ng kuwarto niya. He doesn't usually lock his chamber.
Papasok na sana ako sa loob ng mansyon nang bigla akong napahinto at napaisip. What's happening on me? Ano 'tong naramdaman ko para kay Jade? Bakit ako nagkaganito? Bakit siya ang hinihiyaw ng puso ko? Mali ang lahat ng ito. Alam kong mali. Magagalit ang dad niya at lalo na ang mom ko. Pero kahit pigilin ko man ang isipan ko, sadyang nagpupumilit ang puso ko. Lumakas ang tibok ng puso ko satuwing naiisip ko si Jade. Satuwing sumasagi ang mukha niya sa isipan ko. Satuwing hinuhubaran siya ng isipan ko.
"Delia!" Tawag ko sa kanya nang makita ko itong gising pa habang nanonood ng palabas.
"Yes ma'am?"
"Nakauwi na ba si Jade?"
"Opo."
"Tulog na ba siya?"
"Hindi ko alam. Marahil, kasi nasa loob na siya ng kuwarto niya."
Agad akong umakyat sa pangalawang palapag ng mansyon. Una kong madaraanan ang kuwarto ni Jade bago sa akin kung kaya kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka nasa pintuan siya ng kuwarto niya habang hinihintay ang pagdating ko. Asa ka pa riyan Silese. Hindi ka niya hihintayin. Wala siyang naramdaman para sa iyo. Ikaw iyang tanga na nahulog sa kanya.
Nakahinga ako nang malalim nang makita kong sarado ang pinto ng kuwarto niya. Lumapit ako at nakita kong bahagyang nakasiwang ang pinto sapat na upang makasilip ako kung gugustuhin ko man.
"Jade! Ano ba!" Boses iyon ng babae habang nakikiliti. Kumunot ang noo ko at kinakabahan. May babae sa loob ng kuwarto ni Jade?
"Jade! Nakikiliti ako! Jade! Please huwag mo nang patagalin!" Napantig ang tainga ko sa narinig at wari piniga ang puso ko. Labag man sa kalooban ko ngunit nakapako lang ako roon sa tapat ng pinto. Nag-aatubili sa balak na gagawin. Masakit man subalit kailangan kong makita kung totoo nga ang narinig ko o isa lamang iyong guni-guni. To see is to believe.
Nagdesisyon akong sumilip sa nakasiwang na pinto, buhay na buhay ang ilaw kung kaya malinaw sa mga mata ko kung ano ang nakita ko. Halos manlumo ako sa nakita, halos sakluban ako ng langit at lupa. I see Jade naked, all naked while kissing a girl. They are making out. Nakapatong ang katawan ni Jade sa katawan ng babae habang nilalaro niya ang mayayamang dibdib nito.
My knees feel so weak, my body tremble uncontrollably from anger and frustration, from pain and haplessness. My heart is breaking. I can't breath, suffocate by the view I have seen. I have already known Jade for that matter, of being a womanizer and fucker. Dapat ay nasanay na ako. It is not new at all. Pero di ko mapigilan ang mga luha ko. Unti-unti, dahan-dahang pumapatak na wari isang ulan na hindi mo mapipigilan kahit anong orasyon pa ang gagawin mo. Kahit magsun dancing ka pa. Tinakpan ko ng aking kamay ang bibig ko nang akmang lumabas ang impit ng sakit mula sa puso. Mabilis akong tumalilis patungo sa kuwarto ko at doon ako humagulgol ng iyak.
"Jade." Hindi ko alam kung ilang ulit kong binulong ang pangalan niya. Jade is my stepbrother. Jade is 19, two years younger than me. Pero bakit ganito ang naramdaman ko sa kanya? Do I need to conclude na mahal ko na siya? Or is it just only an infatuation?
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Romance"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...