Kabanata 15

5.8K 60 2
                                    

I try to push him and avoid his gaze while racing my breath that trying to escape out from my lungs. Halos hindi ako makahinga at hindi ko maintindihan ang naramdaman ko ngayon. I want more pero alam kung isang kahangalan kung nanaisin ko pang umabot sa puntong pagtatalik.

"I'm sorry." Aniya.

Hindi ako tumingin sa kanyang mga mata, dahil alam kong sa oras na gagawin ko iyon ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tuluyan akong mahulog sa gayuma nito.  Naramdaman kong matamang siyang nakamasid sa mukha ko. I can feel his gaze piercing me.

"I need to go." Paalam ko; without his permission umalis na ako mula sa kuwarto nito. Pumasok ako sa sarili kong kuwarto. Humilata ako sa kama habang nakatulalang nakatingin sa ilaw. Napahawak ako sa labing hinalikan ni Jade. I can't believe that his lips were so soft and sweet. Hindi ko alam na ganoon pala kasarap ang labi nito ni hindi ko namalayan na napasigaw na ako sa tuwa habang tila isa akong malikot na bulate na nakahilata sa kama. Hindi ako makamayaw sa pagyakap ng unan at minsan napasabunutan ko ang sarili kong buhok. This is what the feels when your love ones kiss you in the lips. It was not an ordinary kiss. That was something mysterious and precious that I should value throughout mylife.

Bigla akong nakarinig ng katok. Kaya para akong sira-ulong napabalikwas sa kama at halos tumilapon. Kinakabahan akong nilandas ang pinto, hindi dahil sa takot kundi sa matinding excitement na naramdaman ko.

"Sino iyan?" Tanong ko habang hinawakan ko ang doorknob. Hindi ko pa binuksan.

"It's me."

I already know it's him. Ramdam na ramdam ko ang kanyang presensya kahit nakapagitan sa amin ang pinto. Nag-aatubili ako. Pagbubuksan ko ba siya o hayaang mabulok sa labas hanggang sa sumuko ito. Subalit iba ang utos ng aking damdamin, sa huli puso ko pa rin ang masusunod. Kusang lumakbay ang kamay ko sa doorknob at marahang pinihit iyon. Bago ko tuluyang pinagbuksan si Jade, huminga muna ako nang malalim.

"Silese!" Dumungaw ang mukha niya at nakatingin sa aking mga mata. Para akong nalunod sa lalim ng mga mata niya na tila isang talang kumikislap sa kalawakan at sinumang makakita niyon ay tiyak yuyuko at sasabahin siya nang lubusan.

"Ano? May sasabihin ka ba?" Pinigilan ko ang sarili ko. Na hindi manginig habang nasa harapan niya. Lumakas ang tibok ng puso ko habang kasalukuyan itong nakatingin sa akin na tila ayaw niyang pakawalan ang mukha ko sa paningin niya. Na wari ba'y mamamatay ito sa oras na hindi niya masilayan ang maganda kong mukha.

Biglang sumilay ang malapad nitong ngiti sa kanyang labi. Walang pasabing hinalikan niya ako sa labi. "Good night Silese." Aniya at tuluyang tumalikod at iniwan akong nakatulala at lumugwa ang mata. Puwede na akong tumalon mula sa tuktok ng gusali dahil sa matinding kilig na naramdaman ko. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. May kiliti akong naramdaman sa puso ko na hindi ko maintindihan. Para akong robot habang bumalik sa kama, nakatulala at tila nawalan ng tino. Iyon na ata ang pinakaromantic na nangyari sa buhay ko. He gave me a good night kiss. Humilata ako sa kama at hinayaang lamunin ng antok.

Ilang oras akong ganoon sa kama. Tulala lang habang paulit-ulit sinariwa ang mukha ni Jade, ang labi nito, ang katawan, at sa alag- Napapikit ako sa iniisip ko at bahagyang pinilig ang ulo ko.

Ano ka ba Silese! Ang landi-landi mo talaga! Tsusa ka!

Hindi ako makatulog kung kaya pinindot ko ang button at hindi nagtagal kumatok ang katulong at pinagbuksan ko.

"Ma'am ano pong maipaglilingkod ko?"

"Memeng, puwede bang kunan mo ako ng alak sa ibaba? Kahit anong klaseng alak. Gusto kong makatulog, di pa kasi ako hinihila ng antok."

Stepbrother's Play (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon