FNL:Kabanata 21 👉👌

7.6K 55 5
                                    

Hinila ko ang mesa palapit sa kamang kinahihigaan nito at umupo ako sa gilid. Sinimulan kong punasan ang mga sugat nitong namamaga habang maaliwalas itong nakapikit. Sa kabila ng mga sugat nitong natamo, hindi maipagkakaila na nag-uumapaw pa rin ang kaguwapuhan nito. Malaya kong napagmasdan ang kanyang anyo na buong pusong hinulma ng Panginoon. Ang kanyang labi ay tila ginawaran ng halik ng Panginoon kung kaya'y mapupula. At marahil lihim siyang inawitin ng Diyos nang bata pa ito kung kaya'y malamig ang boses nito na wari isang himig ng hangin.

"Arrghh!" Usal niya at bahagyang dumilat at nakatingin sa akin.

"May galit ka ba?" Aniya at ngumuso ito at muling pumikit.

Kung alam lang nito na halos gumuho na ang puso ko sa ginawa niyang pagtataksil sa akin. Kung alam lang nito na halos magpatiwarik na ako sa bawat oras na nakikita kong kasama niya si Hansel, magkayakap at magkahalikan. If he just only know that he was hurting me whenever he is with Hansel. Would he still do the same? Sumariwa sa aking isipan ang ginawa niyang pananakit sa akin.

"Argghh!" Sigaw niya. Sinadya ko 'yon dahil nanggagalaiti akong nakatingin sa mukha nito. Kung gaano kaganda ang kariktang taglay nito katumbas din ang sakit na naidudulot niya sa puso ko. How I wish he is not the man my heart beats for. How I wish na sa ibang lalaki na lang ako nainlove, ewan ko ba, kung bakit sa dinami-raming tao sa mundo ay kay Jade humantong ang puso ko. How could be someone's beauty could be so dangerous?

Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang mga luha ko. Uncontrollably, na wari may sariling pag-iisip. Agad ko 'yung pinahid dahil ayaw kong mahuli ako ni Jade. But life is too mean. Nahuli niya akong umiyak. And he is just like this, he is staring at me motionless, with blank aura. He is too hard to read.

"I'm sorry Silese." Almost a whisper. And I just close my eyes. I don't want him to see me crying like this.

"Please don't cry! It's breaking my heart!"

Hindi na ako makapagtiis. Binato ko sa mukha niya ang basang tela habang naninikip ang dibdib ko.

"You say please?? You say it's breaking your heart!?" Sigaw ko.

"Stupid! Parang awa mo na Jade. Stop playing my heart! Alam kong pinaglalaruan mo lang ako! And I'm stupid to let you do it to me!" Sumulak ang dugo ko habang nanginginig din ako sa matinding galit.

"Ganun-ganun lang ba 'yon Jade! At bakit ka narito ngayon? Namiss mo ako? How great! Ito ba Jade!? Ito ba 'yong namiss mo!?" Sigaw ko at marahas kong hinubad ang damit ko at tanging panty at bra lang ang naiwan.

Lumunok siya ng laway habang nakatingin sa mga mata ko.

"You are free! Go f*ck me! Iyan lang naman ang habol mo sa akin diba?"

"No Silese! No!" Napapailing niyang wika habang tumayo ito at lumapit sa akin.

"Ano? You want to f*ck me? C'mon Jade! That's the only thing you really wanted from me!"

"No! Stop saying that Sunrise." Aniya at hinawakan nito ang balikat ko. Nakadungaw ang mukha niya at napansin kong tumulo ang luha nito.

"I love you Silese! I love you. God knows!"

Nagpupumiglas ako sa pagkahawak niya at sinampal ko ang mukha niya nang paulit-ulit.

"It's not true! How about Hansel? Tapos ka na ba sa kanya? Pinagsasawaan mo na ba?"

"Silese! Please let me explain! I know I hurt you. Alam kong nasasaktan kita. And I'm very sorry for that!"

Huminga ako nang malalim at kumuha ng kandila sa aparador at sinindihan.

"I'll give you time. Pagmaubos na 'tong kandila! It's the end of your time."

Nakita ko siyang huminga nang malalim at umupo sa kama habang namumula ang mukha nito.

Stepbrother's Play (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon