Kabanata 34

1.5K 28 1
                                    

“So what's your plan now Jackson?” Tanong ng ama ni Jade. 

“Actually Tito Alex, ako na ang mamamahala ng kompanya namin since dad's health is in uncondition. I'm also managing our resorts and hotels in Davao and Cebu.”

“Good to know. Your dad will surely be proud of you.” Makahulugan nitong tinapunan ng tingin si Jade na kasalukuyang tahimik na kumakain at tila wala sa sarili.

“How about you Jeoffrey? What are you up to now?” Tanong ni Jackson. Nag-angat ng tingin si Jade at sinalubong nito ang mga mata ni Jackson. Pero walang mamutawi sa bibig nito. Nagtagisan lamang sila ng titig na tila anumang oras ay magsasagupaan sila na parang mga lobo.

Unang napaso ng tingin si Jackson at nag-iwas, dumapo ang tingin niya sa akin at bahagyang sumilay ang ngiti nito sa kanyang labi. “Silese, you look even more beautiful.” Mahangin niyang wika sabay kindat nito sa akin.

“My son is lame, he will be no use unless he marries Sansa.” Sambat ng ama ni Jade subalit tikom pa rin ang bibig niya at nagkukunwaring walang narinig.

“see? He is futile! He even turn into mute. Such a useless child!” mura ng kanyang ama. 

Napahinto si Jade sa ginagawa nito at nagtaas ng tingin. Dumidilim ang mga mata niya at puno ito ng hinanakit at puot. “I'll accept it more than to be puppet son. Nothing more happy than to be a free. I'm not a bird to be cage nor a prisoner. I am what I should be dad not what you want me to be dad.” Matigas na wika ni Jade.  Napailing-iling na lamang ang ama nito na tila disappointed sa kanyang narinig mula sa anak.

Bumaling ang tingin ni Jade sa pinsan nito. “How about you Jackson? Are you that stupid to be a shudder and someone is maneuvering yourlife?”

“It's my decision Jeoffrey, no one force me.” tanging tugon ni Jackson at mapangutyang ngumiti ito kay Jade.

“anyway...” dugtong ni Jackson at tumayo ito lumapit siya at kinuha nito ang kamay ko at pinatayo ako. 

“Jack? Ano 'to?”  naguguluhan kong tanong. Bigla itong lumuhod at may kinuha sa bulsa ng leather jacket nito.

“Will you marry me Silese? I've been dreaming you to be my wife since the first time I laid my eyes on you and now I seize this moment to confess infront your mother and uncle Alex. Will you marry me?”

Tumayo si mom at pumalakpak, mas nauna pa itong nasisiyahan kesa sa akin, o baka nga naman siya ang may pakanan ng lahat ng ito. 

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa magarang singsing na nakapulupot ang mga maliliit na sapphire, ruby at diamonds. Lahat ng mata ay nakapako sa akin at inaabangan ang sagot ko, maliban lamang kay Jade na nakadungo. Hindi ko makita ang reaksyon niya, gusto kong usisain kung may bahid ba itong pagtutol, o galit sa mga mata nito.

Dumapo ang tingin ko kay mom at nagbabanta ang mga mata niya. Tila gusto nitong ipahiwatig na tanggapin ko ang alok ni Jackson subalit tutol pa rin ang puso ko. Ayaw kong makasal sa isang lalaki na hindi ko mahal. Ayaw kong makasama si Jackson sa habang buhay. Si Jade lamang ang mahal ko at mamahalin ko, ngayon hanggang bukas.

Learn from me son, I'll kill anyone who will ruin my plans even that girl you are crazy about. I'll surely haunt her and burn her to death. I'll make her life miserable. ”

“are you willing to see Jade in the street without even a cent? Ipapatapon tayo ni Alex sa oras na malaman niyang may relasyon kayong dalawa ni Jade. It's hard to lose everything Silese. Do you want to go back from the past?”

Ayaw kong isuko ang bandera ng pagmamahalan namin ni Jade, pero ayaw ko ring maranasan ni Jade ang hirap ng buhay dahil lamang sa akin. Hanggang sa hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Masyado na akong naguguluhan.

Stepbrother's Play (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon