Kabanata 9

6.7K 53 0
                                    

Halos matunaw na ang baso sa harapan ko dahil sa katitingin ko. Hindi ako nakatulog kagabi dahil pinagmamasdan ko ang mukha ni Jade habang mahimbing itong natutulog. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Mali 'to. Lapastangan sa mata ng mga tao nakapalibot sa amin. Tinungga ko ang matapang na kape upang mahimasmasan ako mula sa bangungot subalit totoo ang lahat; totoong nangyari ang lahat at hindi ito kathang isip lamang. Sinampal ko ang mukha ko, pinisil ang ilong at sinabunutan ang aking buhok ngunit nasasaktan ako; patunay na totoo ang lahat. Hanggang sa hindi na ako makapagtitimpi pa. Sumigaw ako nang malakas sapat na upang marinig ng mga taong naroon sa loob ng mansyon. Baka akalain pa nilang baliw ako.

"You scared me." Boses iyon ni Jade. Napahinto ako sa ginawa kong pagsabunot sa buhok ko at lumingon sa kanya. Sumalubong sa akin ang ngiti nito. Pumikit ako at kinusot ko ang aking mga mata. Baka sakaling nanaginip lang ako.

"Anong nangyari sa iyo?" Aniya habang umupo ito sa harapan ko. Nasa dining table kaming dalawa at nagtitigan.

"Tsskk." Naiinis kong tugon at muling tinungga ang kape.

"Hindi mo ba ako tatanungin kong gusto ko ng kape o gatas?" Untag ni Jade habang binusisi niya ang mukha ko. Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Agad akong nag-iwas ng tingin at bumuntong hininga sa kawalan. Tumayo ako at kumuha ng baso para timplahan ito. "Ano sa iyo? Milk or coffee?"

"Just milk."

Kita-kita ko sa ibang sulok ng aking mga mata na sinusundan niya ako ng tingin. Kaya hindi ako mapakali sa bawat galaw ko. Pagkatapos ay ibinigay ko sa kanya ang gatas.

"Are you okay." Hindi ako umimik. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako okay, gusto kong sabihin sa kanya na siya ang may dahilan kung bakit di ako mapakali dahil kumakatok ang mukha at ngiti nito sa isipan ko.

"Ubusin mo iyan upang mas lalong manunumbalik ang sigla mo."

Umalis ako sa harapan niya na walang paalam at iniwan ko siyang nag-iisa sa kusina. Wala akong pakialam. Gulong-gulo ang isipan ko.

"Silese." Napahinto ako sa boses na tumawag sa akin.

"May problema ba tayo?" Tanong ni Jade habang nasa likuran ko.

"I need space Jade."

"May nagawa ba akong mali?" Hinarap ko siya at halos mapapitlag ako sa kinatatayuan ko dahil muntikan na akong maupog sa dibdib niya. Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding pagkabalisa na tila naguguluhan ito sa tinuran ko sa kanya. Bahagya akong napaatras upang hindi malunod sa mabango nitong hininga.

"Wala Jade. I just need to think."

"To think? From whom? From what?"

"From everything Jade. Please."

"Okay. Just call me if there is something wrong." Muli niya akong minasdan bago tuluyang lumisan. Sa wakas at nakahinga rin ako nang malaya.

Iniiwasan ko si Jade buong magdamag dahil ayaw ko siyang makausap at makita. I need a space alone where I could peacefully think and meditate. Lumabas ako sa kuwarto ko at bumaba patungo sa sofa. Umupo ako at binuhay ang tv at inaliw ang sarili sa panonood ng love stories pero walang pumapasok sa isipan ko. Tanging ang mukha ni Jade at ngiti niya ang sumasariwa sa isipan ko. Damn! Ano bang ginawa niya sa akin. Damn! Ginayuma ba niya ako. He is my stepbrother for god's sake Silese baka tamaan ka ng kidlat.

"Silese!" Napabalikwas ako sa kinauupuan ko at agad tumalilis pabalik sa kuwarto ko.

"Silese! What's wrong?" Sigaw ni Jade kung kaya napahinto ako bago ko pa tuluyang makapatong sa hagdan.'Bat ba ako nababaliw? Bakit ba ako tumakbo. Kasi nga ayaw kong magpakita sa kanya.

Stepbrother's Play (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon