Dali-dali akong pumanaog sa hagdan at saka huminto upang bigyang panahon ang paghinga. Malakas ang tibok ng aking puso at tila may gusto itong ipahiwatig, isang masamang kutob. Pinaninindigan ako ng balahibo.Napahinto ako sa pagtakbo nang makasalubong ko si mom. Nakabalatay sa mukha nito ang matinding galit at pagkainis.
“Nasaan si Jeoffrey? Hinahanap na siya ng kanyang ama!” Tanong nito.
“Hindi ko alam.”
Hinawakan niya ako sa braso bago ko pa malagpasan ito. “at saan ka pupunta?”
Hinawi ko ang kamay nitong nakahawak sa braso ko at tinaasan siya ng tingin.
“Wala kang pakealam, mom!?” Sarcastic kong pagkasabi sa katagang mom.
“Silese! Bumalik ka dito!”
“Over my dead body!” Sigaw ko.
Tumalilis ako palabas ng mansyon, pinaandar ko ang kotseng madalas kong ginagamit at tinunton ang Pangpang Alba.
“Jade..” Bulong ko.
Malakas ang kutob ko na namimiligro ang buhay ni Jade kaya walang pagbabantulot kong pinaharurot ang kotse. Pagkarating ko agad akong pumanaog mula sa kotse, bahagya akong napatda sa aking nakita. Pinanlalamigan ako sa buo kong katawan habang nangangatog naman ang aking magkabila tuhod.
“Jackson! No!” Sigaw ko.
Subalit huli na ang lahat, umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril sa kalagitnaan ng gabi at natamaan si Jade. Ilang bala ng baril ang tumagos sa kanyang dibdib. Wari huminto ang mundo ko sa aking nasilayan.
“Jade!” Isang malakas na sigaw ang kumawala sa aking bibig, isang sigaw na tila kahit sa kabilang dako ng buhay ay aabot.
"Silese! My sun...rise-” Sigaw ni Jade. Tinaas nito ang kamay na tila gusto nitong abutin ako at yakapin nang mahigpit. Napapaatras ito habang nakahawak sa dibdib nitong natamaan, panay ang pag-agos ng dugo nito. Agad akong dumaluhong patungo sa kanya subalit huli na ang lahat dahil nahulog ito sa kailaliman ng pangpang kung saan dagat ang lalamon sa katawan nito.
“Jade!!!” Humagulhol kong sigaw habang nakadungaw sa ilalim ng madilim na Pangpang.
Wala na akong magawa, kundi ang mapasigaw! Mapasigaw sa matinding hinagpis, galit at poot. Wari tinakasan ako ng sarili kong lakas kung kaya napaluhod ako at napahagulhol ng iyak.
“No! No! Jade bumalik ka! Sasama ako sayo! Please bumalik ka lang!”
“Hindi na siya babalik Silese! See what happened? I killed him right? I fired him with my lovely gun! You see it right?” Ani Jackson at humaguhol ito ng tawa. Dumampot ako ng bato at galit itong binato, nangagalaiti ako dahil hindi ko magawang matamaan siya. Gusto ko balatan siya at ipakain sa milyun-milyong buwaya hanggang sa walang matira sa buto't laman nito. Gusto ko magmakaawa siya sa akin at hilingin na mabuhay pa muli. Subalit wala na akong magawa, dahil ang kaharap ko ngayon ay totoong demonyo.
“Demonyo ka! Mamatay ka sana!” Sigaw ko sa matinding galit at muling napahagulhol.
“Darling! Stop crying!” Natatawang wika ni Jackson habang papalapit ito sa akin na wari may masamang balak.
“Huwag kang lumapit sa akin! Lumayo ka!” Sigaw ko.
Tumakbo ako at pumasok sa kotse, agad ko itong pinaandar bago pa ako maabutan. Pinaharurot ko ito nang malakas, hindi upang makalayo kay Jackson. Pinihit ko ang kotse paharap sa kanya.
“What's your doing Silese! Get outside and I'll f*ck you here!” Sigaw niya at inilabas nito ang alaga at winagayway. He is a maniac and psychopath. Umihi pa ito at pagkatapos ay inilabas pasok gamit ang kamay nito.
“This will f*ck you Silese!” Humagulhol ito ng tawa.
Walang pag-aatubiling sinagasaan ko si Jackson, walang preno, nabangga ko ito, sumagadsad. Biglang pumihit ang kotse at nawalan ng kontrol at doon ko pa namalayan ang kahahatungan ko, napapikit na lamang ako sa sumunod na pangyayari, bumangga ang sinakyan kong kotse at sumapol sa malaking bato, nabasag ang salamin, nauntog ako sa manibela, dumidilim ang aking paningin, hindi ako makahinga at nakaramdam ako ng dugong umagos sa ilong ko hanggang sa tila tinakasan na ako ng sarili kong hininga. Isa, dalawa, tatlo, dumidilim, hindi ako makahinga, sumisikip ang dibdib ko. Marahil, ang aking buhay at pangarap na makasama si Jade ay dito na MAGWAWAKAS.
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Romance"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...