Kabanata 33

1.5K 17 0
                                    

Napatakip ako sa aking bibig habang nakatingin sa libro. Alexander and his secrets muli kong usal sa pamagat. Lumalakas ang tambol ng puso ko at panay ang paglunok ko ng laway.

So, after all this time alam ni mom ang tungkol sa amin ni Jade? Kasi kung hindi, bakit niya ako binigyan ng ganitong libro or am I just being paranoid? Naguguluhan kong tanong sa aking sarili.

I close the book at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, but one thing is for sure kailangan malaman ito ni Jade.

"Son! You have to do this!" Napahinto ako sa tapat ng kuwarto ni Jade nang marinig ko ang  boses ng dad nito. Tila galit na galit na pasigaw. 

"Dad please I can't!" Pagmamakaawang wika ni Jade gamit ang garagal nitong boses.

"You have to mary Sansa! That's the only thing that we can save our company in Italy."

"Dad may mahal na akong iba at hindi 'yon si Sansa. Mahal ko si Si-" isang tunog ng sampal ang narinig ko bago pa matapos ni Jade ang sasabihin nito.

"Sansa is the best for you, this is for your future damn it! I will get to see someone arranging your engagement. Kailangan mo nang magpropose kay Sansa. Learn from me son, I'll kill anyone who will ruin my plans even that girl you are crazy about. I'll surely haunt her and burn her to death. So better save her by marrying Sansa." 

Bigla akong napaiktad nang may humawak sa balikat ko. "Mom!" Untag ko.

"I need to talk to you." Aniya at hinila niya ako papasok sa kuwarto ko.

"You have to tell me something, I need the truth Silese."

"Truth? What mom, wala akong nililihim sa-"

"Stop this nonsense! I know what's going on between you and Jeoffrey!" Sigaw ni mom habang unti-unting nagliliyab ang mga mata nito.

Pumikit ako at huminga nang malalim, pagkunway tumingin ako kay mom at handa na akong sabihin sa kanya ang katutuhanan. "We love each other-" isang sampal ang dumapo sa aking mukha na ikinabigla ko. Halos hindi ako makapaniwala sa ginawa ni mom sa akin.

"Mom!" Usal ko at kusang pumatak ang mga luha ko.

"Kulang pa iyan Silese sa kahibangang ginawa mo! Sa oras na malaman ni Alexander ang sekretong tinatago n'yo ni Jeoffrey. Lahat tayo madadamay."

"Wala akong pakeala-" hindi ko natapos ang sasabihin ko sapagkat inipit ni mom ang mukha ko.

“are you willing to see Jeoffrey in the street without even a cent? Ipapatapon tayo ni Alex sa oras na malaman niyang may relasyon kayong dalawa ni Jeoffrey. It's hard to lose everything Silese. Do you want to go back from the past?”

"Mom.. Nasasaktan...ako."

"You are trying to ruin everything. Gusto mo bang makaranas ng kahirapan si Jeoffrey dahil sa'yo? Stop being selfish!" Mas lalo pa nitong inipit ang mukha ko.

"Mom..please nasasaktan ako."

"Layuan mo si Jeoffrey at kailangan mong magpakasal kay Jackson, he confessed to me na mahal ka niya anak, you'll be happy with him. I'm sure of that." Aniya bago ito lumabas mula sa kuwarto ko.

Naiwan akong luhaan habang tulala na nakatingin sa kisame. Tila tinakasan ako ng sarili kong lakas habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko na wari isang daloy ng batis.

Hanggang sa hindi ko namalayan na hinila na pala ako pabalik sa nakaraan. Nakaraan na pilit ko nang kinalimutan.

"Walang kuwentang buhay!" Sigaw ni mom habang pinagtatapon nito ang mga gamit mula sa kusina. Wala kaming makain at ilang araw nang kumakalam ang aming sikmura.

"Mom, tama na." Pagmamakaawa ko. Bumaling ito sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Nang dahil sa'yo! Nang dahil sa'yo!" Sigaw niya at pinisil niya nang malakas ang aking balikat.

"Mom, nasasaktan ako."

"Nang dahil sa'yo kung bakit namatay si Eduardo!" Sigaw ni Mom at dinuro niya ako dahilan upang mapahandusay ako sa sahig. Malaki ang galit sa akin ni mom dahil sinisisi nito sa akin ang pagkamatay ng totoo kong ama. Simula nang pumanaw ang aking ama ay lagi nang naglalasing si mom at palaging ako ang pinagbubuntongan ng galit nito.

“Gawin mo kung ano ang iuutos ko sa'yo! Kita mo 'yung paparating na kotse?" Tumango ako kay mom.

“Itutulak kita tapos magkunwari kang nasusugatan, kailangan mong galingan ang pag-arte mo." Utos sa akin ni mom.

“Mom, baka mapaano ako-” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil piniit niya ang mukha ko.

“Gawin mo sa ayaw o gusto mo."

Naiiyak akong tumango at tinalima ang utos nito.

“What's that! I think.. you hit the girl!" Sigaw ng may ari ng kotse at lumabas ito sa kotse at inusisa niya ang kalagayan ko.

Walang mamutawi sa labi ko dahil nalimutan ko lahat ng kailangan kong sabihin dahil sa tinding takot. Muntikan na talaga akong masagasaan. Pakiwari ko umiikot ang mundo ko at lumalakas ang tambol ng puso ko.  

“Dad is she okay?” tanong ng isang batang lalaki na sa tantiya ko'y kasing edad ko. Nakatingin ito sa aking mga mata. 

“Anak!? Oh My god! Anong nangyari sa kanya? Anong ginawa mo sa anak ko mister?" Nakukuwaring ganap ng aking ina habang humagulhol ito na tila nasisiraan ng bait.

“Anong ginawa n'yo sa anak ko? Tulungan n'yo ang anak ko." 

“Warren, take her inside the car." Utos ng may ari ng kotse sa driver nito. Binuhat ako at pinasok sa kotse at doon na nga ako tuluyang nahimatay sa matinding takot at panginginig.

Nagising ako sa isang private hospital, sinuyod ko ang kabuohang kuwarto at dumapo ang tingin ko sa isang batang lalaki na kasalukuyang nakatitig sa akin.

"Nasaan ako?"

"Isn't obvious?" Sungit niya.

"Nasaan ang mama ko?"

“With my dad." Tanging tugon niya at kinuha nito ang cellphone niya at inabala ang sarili.

Bago pa humaba ang katanungan ko, biglang pumasok sila mom kasama nito ang mayamang lalaki at doctor.

"She is not injured. Her vital signs are intact."

"Pero doc? Bakit po nahimatay ang anak ko?"

"Ahhh.. I see, that's because due to nervous and poor intake of nutrients."

“Ganoon po ba, haishh. Ano ba iyan." Rinig kong bulong ni mom sa huli nitong sinabi.

“Don't worry, I'll shoulder the expense here." Wika ng mayamang lalaki.

“Aba'y oo naman mister.”

“May ibibigay ako sa'yo anak! Taraannn!” wika ni mom at bumulagta sa aking harapan ang magagarang cellphone, laptop, jewelries at mga eleganting damit.

“mom? Saan mo 'to galing?”

“haishh, huwag ka nang magtanong, simula ngayon bibigyan na kita ng magandang buhay basta sundin mo lang lahat ng mga utos ko sa'yo."

Stepbrother's Play (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon