Lumipas ang ilang araw, muli akong bumalik sa mansyo ng mga Lannister. Napagdesisyunan namin na ilihim muna ang relasyon naming dalawa ni Jade. Hindi pa kami handa kung ano ang tingin ng ibang tao sa aming dalawa. Hindi namin alam kung ano ang magiging reaksyon ni mom at dad ni Jade kung malaman nilang may relasyon kaming dalawa.
"Jade!?" Tawag ko sa kanya. Nasa labas kami ng mansyon habang naglatag ng sapin at doon nakahiga. Nakatingala kaming dalawa sa kalawakan na wari pinipilit bilangin ang mga talang kumikislap. Pinalibutan kami ng mga kandila na nagsilbing ilaw sapat na upang makita namin ang aming mukha. Habang tinutugtog ng speaker ang komposisyon ni Yiruma.
"Hmm.." Usal niya.
Humarap siya sa akin nagkatagpo ang mga mata namin. Nagkatitigan kaming dalawa. Lumalakas ang ihip ng hangin at marahang hinahaplos ang mukha namin.
"Paano kung malaman nina mom at dad ang tungkol sa atin? Anong gagawin natin?"
I see him closing his eyes. Dumilat ito at hinalikan ang noo ko pagkunway tumingin sa mga mata ko.
"Still, I will fight for you. Would you do it the same for me, Sunrise?"
I nod. "Yes my Sunset," bulong ko. "kahit lisanin natin ang mundo upang magkasama lang tayo. I'll go with you. Hinding-hindi kita susukuan."
Bahagya itong tumawa. Kumunot ang noo ko. "Why!?"
Hinaplos niya ang mukha ko. "You become more poetic, my sunrise."
Hinaplos niya ang labi ko gamit ang daliri niya. It makes me vulnerable whenever he does it to me.
Kahit sa school, we are both secretive. Discreet ang relasyon naming dalawa. Minsan hindi ko maiwasang magselos satuwing may mga babaeng umaaligid kay Jade. But I have to contain myself, minsan pinipikit ko na lang aking mga mata.
"Silese! Di ba si Jeoffrey 'yon?" Ani Caroline habang tinuro nito ang kinaroroonan ni Jade. Sinundan ko ang tingin nito at nanlumo ako nang makita si Jade na pinapalibutan ng mga kababaihan. Halos lunurin na siya ng halik ng mga ito. Umasim ang sikmura ko at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Lalo na't narinig kong humalakhak si Jade sa matinding saya.
"Jeoffrey! Please! Pagbigyan mo na ako matikman ka. Isang gabi lang naman." Nagmamakaawang utas ng babaeng nakasuot ng itim na tube na halos lumugwa na ang dibdib nito.
Nakita ko kung paano kumikinang ang mga mata ni Jade habang nakatingin sa babaeng nakiusap sa kanya. Dumapo ang tingin niya sa dibdib ng babae.
"Jeoffrey! C'mon. Ako na lang, alam kong gusto mo ako noon pa!" Kinuha ng babaeng nakabangs ang kamay ni Jade at pinahipo ito sa mayayaman niyang dibdib. Habang si Jade nakanganga lang at kumikislap ang mga mata na tila hindi makapaniwala sa kanyang nahagilap.
"Tsskk!" Bulong ko at muling tumuon sa binabasa kong Everday ni David Levithan.
"Di ka ba nasasaktan?" Tanong ni Caroline sa akin. Alam na niya na may affair kami ni Jade. Noong una hindi ito makapaniwala. Subalit ngayon, napagtanto niya na totoo ngang may namagitan sa aming dalawa lalo na't no'ng nahuli niya kami ni Jade na naghalikan sa loob ng guestroom na pinamalagian ko.
Huminga ako nang malalim at tiniklop ang librong hawak ko at tumingin kay Caroline. Hindi na kailangan pang tanungin 'yon. Dahil halos mamatay na ako sa matinding sakit na nararamdaman ko ngayon. Pinipigilan ko lamang ang sarili ko.
"So what you really want me to do for him?" Tinaasan ko ng kilay si Caroline.
"Ewan! I'm just asking. Kung hindi ka nasasaktan. Well, it's good to know." Aniya at muli nitong binalingan ang librong hawak niya.
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Romance"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...