"Manong!" Tawag ko sa security habang nakatingin ako sa parking lot kung saan nakahilera ang iba't ibang magagarang kotse. Nagtaas siya ng tingin sa akin sabay ngiti.
"Yes ma'am?"
"Kaninong sasakyan ang mga iyan?" Tanong ko sabay turo sa mga kotse. Nagtataka lang ako kung sino ang mga bisita sa loob ng mansyon. Mga kaibigan kaya ni Jade?
"Ahh. Sa mga kaibigan po ni ma'am Sansa, ma'am! Nasa loob po sila ng mansyon. Magpopool party raw sila mamaya."
"Ahh. I see. Salamat." Tanging tugon ko. Bago ako tuluyang pumasok sa loob, pinagmasdan ko muna ang mukha ko gamit ang cellphone. Di ko naman talaga kailangan magpaganda pa kasi kampante na ako na may maipagmamalaki akong angking kagandahan.
Pagpasok ko, syempre dapat agaw atensyon ako. Nakachin up ako at poise na poise ang bawat hakbang na ginawa ko. Para eching! Hindi nga ako nagkakamali kasi nakatingin sila lahat sa akin. And you know what I do? Ngumiti lang naman ako, ngiti na kahit sinuman ay hindi magawang kumalas mula sa pagtitig sa akin.
Nakatingin sa akin si Jheyo, si Jackson, si Devdan na duwag and of course si Jade. Agaw atensyon ang kagandahan ko dahil kahit sina Sia, Egritte, Hansel at Veronica ay nakatingin sa akin. Including that hypocrite Sansa.
"Hi Silese." Bungad sa akin ni Jheyo habang nakasilay ang malapad nitong ngiti sa kanyang labi.
"Hello." Tanging sambit ko at hinandugan ko nang napakatamis na ngiti.
Nakita kong nag-iwas ng tingin sa akin si Jade na tila di nito nagustuhan ang tinuran ko.
"Wanna join us? Swimming?" Anyaya ni Jackson.
"Of course! Magbibihis muna ako."
Nakita kong naka-ismid ang labi ni Sansa na wari ayaw nitong sumabay ako sa kanilang kasiyahan.
Pagpasok ko sa loob ng kuwarto ko, nagpahinga muna ako saglit. At pagkatapos nagbihis na ako. Tiningnan ko ang buo kong katawan sa salamin, tanging panty at bra lang ang suot ko. I smile, tiyak lulugwa ang mga mata nila pagmakita nila ang hubog at alindog ng katawan ko . Matapos akong maglotion, nadesisyon na akong lumabas, pagbukas ko sa pinto bumungad sa akin si Jheyo at halos muntikan na akong masusob sa labi nito. Saglit, nagkatinginan kami sa isa't isa.
"Am sorry." Tanging tugon niya habang nakasilay ang pilyong ngiti nito.
"What?"
"I only came here to check you kung sasabay ka ba sa amin and it looks like you are ready now." Aniya habang nakatingin sa buo kong katawan.
"----and you looks so beautiful Silese." Dugtong niya at napasinghap siya habang titig na titig sa mukha ko.
"Thanks." Tanging sambit ko at nagpatiuna na ako sa paglakad, nakasunod sa akin si Jheyo at tumatagos ang bawat titig nito sa katawan ko.
"Silese?"
"Hmm?" Bahagya akong lumingon.
"You are still single right?"
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko rin masabi sa kanya na mahal ko si Jade.
"Yeah." Tanging tugon ko at napabuntong hininga.
"Jackson was courting you, right? Before?"
"Yeah! But he stopped courting me for no reason. Di ako sinabihan."
"Wow! So, that means, I still have a chance?" Ngiti-ngiti niyang sabi. Jheyo is handsome, cute and hot. I guess he could be a man that all girls were badly searching for. But sad to say my heart was already taken by someone else, by Jade.
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Romance"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...
