“Kailangan mong ilihim kung sino ang ama ng iyong dinadala kung hindi ako mismo ang kikitil niyan.” Banta ng sarili kong ina habang nanlalaki ang mga mata nito at nakabakas roon ang matinding kasakiman ng ginto at pera.“Not even Jeoffrey, huwag mong sabihin sa kanya!” Dagdag pa rito habang nananatili pa rin akong tahimik. Napansin nitong wala akong imik kaya pinagmasdan niya ako nang maiigi at kinilatis.
“Do you hear me? O gusto mong ngayon palang ipalaglag na natin iyan?”
“Minsan ba noon naisip mo rin ba akong ipalaglag?” Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata nito.
“No!” Aniya.
“Then no to me!”
Lumapit siya sa akin at tila nagsusumamo ang mga mata nito.
“Silese, anak kailangan mong ipalabas na si Jackson ang ama ng dinadala mo. You are one month pregnant at hindi pa iyan mahahalata ni Jackson.” Malumanay niyang banggit habang hinahaplos nito ang buhok ko.
Hinawi ko ang kamay nito at bahagyang pumihit paharap sa kanya, nagliliyab ang mga mata ko sa matinding galit na tila ba'y kumukulo ang dugo.
“Kaya mo ba ako pinagahasa? Kaya ba hinayaan mo akong samantalain ni Jackson dahil alam mong buntis ako?” Natahimik ito at nag-iwas ng tingin na wari ba'y nahuli sa akto ng pagsisinungaling.
“No, hindi ko alam.”
“Stop telling me a lie!” Sigaw ko sa pagmumukha nito.
Bigla nitong inabot ang mukha ko at piniit. “Huwag na huwag mo akong sigawan.” Matigas niyang bigkas. “Oo! Ako ang may kagagawan no'n dahil alam kong buntis ka at kailangan kong humakbang agad just to save you and me!”
Kinalas ko ang kamay nitong nakahawak sa akin. “You don't save me! You put me into hell. You are not my mother any-” isang sampal ang natamo ko mula sa kanya bago ko pa matapos ang aking sasabihi.
“You are not my mother any-” muling lumipad ang sampal nito sa mukha ko.
“YOU ARE NOT MY MOTHER ANYMO-” sinangga ko ang kamay nito bago pa dumapo sa mukha ko. “YOU ARE NOT MY MOTHER ANYMORE, NOT NOW AND EVER!" sigaw ko sa pagmumukha nito at lumisan mula sa loob ng kuwarto. Bahagya akong napahinto at bigla na lamang tumulo ang aking luha sa hindi mawaring dahilan. Unti-unting sumisikip ang dibdib ko. Tumungo ako sa kitchen at uminom ng maginaw na tubig. Huminga ako nang malalim habang nakapikit ang mga mata.
“Relax Silese, relax, relax,'yung baby mo.” bulong ko sa aking sarili.
Pagkunwa'y pumihit ako at nabunggo sa malapad na dibdib, nag-angat ako ng tingin, lumunok ako ng laway ng mapagtanto ko ang taong aking kaharap. Wari bigla na lamang huminto ang pag-ikot ng mundo at lumakas ang tambol ng aking puso.
“Jade..” mahina kong utas. Tumingin ito sa mga mata ko habang walang reaksyon naman ang mga mata niya. Ilang minuto kaming ganoon at tila hindi alam kung ano ang sasabihin. Wala ni isang salitang gustong lumabas mula sa aming bibig at wari binibilang lamang ang pagtakbo ng bawat minuto. Pero isa lamang ang tanging alam ko sa puntong iyon, I miss him, I miss him badly at gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan subalit tila may pader na nakapagitan sa amin.
Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako, nagpatianod lamang ako sa gusto nito.
“Jade.. Saan mo ako dadalhin?” Hindi ito sumagot bagkus ay nananatili lang itong tahimik.
Napatingin ako sa kamay naming magkahumpong, god I really miss him so much, I love him with all my heart and I can't even believe he will be a father. Masarap sa pakiramdam na magkakaanak ako sa taong mahal ko. I love him more everyday, wari mas lalo pang lumalim ang pag-ibig ko para sa kanya.
Huminto kami sa isang garden house.
May kinuha ito mula sa bulsa ng leather jacket niya. Isang brown envelope.
Tinititigan ako nang matalim.
Habang hindi ko mabasa ang laman ng isipan nito.
Makulimlim ang mga mata nito na tila maitim na ulap.
Nakita ko itong pumikit at huminga nang malalim.
Pagdilat ng mata nito'y unti-unting at dahan-dahang dumanag ang mga luha sa pisngi nito na tila isang talon na kailan ma'y hindi na mapipigilan sa paghila ng gravity.
Inabot niya sa akin ang envelope...
Dahan-dahan ko 'yung binuksan habang lumalakas ang tambol ng aking puso.
Napatda ako sa kinatatayuan ko nang malaman kung ang nakapaloob do‘n.
Mga larawan....larawan..
Isa-isa ko 'yon pinagmasdan kasabay ng paghikbi.
Napatakip na lamang ako sa aking bibig habang iniisa-isa ko ang bawat larawan at lahat ng nakapaloob roon ay tila sumasaksak sa puso ko.
Pagkapatos kong makita lahat, nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang magandang mukha ni Jade na napapalitan ng galit, lungkot, panghihinayang, poot at kawalan. Hindi ko mawatasan ang ibig sabihin ng mukha at kinang ng mga mata niya dahil sa sari-saring emosyon na nakapaloob doon, ngunit isa lamang ang ibig sabihin ng lahat, he is disappointed to me.
“Jade.. Please let me explain.. Plea-”
“I don't need your explaination! Gadddam! Those pictures tell all! Matagal mo na ba akong niluluko Silese? Ano? Sabihin mo! Is he a good fucker compare to me? Mas masarap ba siya kaysa sa akin? Mas malaki ba alaga niya?”
Wala akong magawa, humagulhol na lamang ako habang tinggap ang bawat mura nito sa akin.
“No.. Jade ikaw ang mahal ko. Maniwala ka.”
“Stop telling me a cock and bull story Silese! You are having fuck with Jackson!”
Gusto kong sabihin sa kanya ang katotohanan subalit natatakot ako, natatakot ako na sa oras malaman nito ang totoo, mamimiligro ang buhay ng anak namin. Dahil alam ko sa oras na malaman nitong magkakaanak kami, he will fight for me, pero natatakot ako sa ama nito, natatakot ako na baka ipatapon siya at wala ni kahit isang sentimo, ayaw kong maranasan niya ang hirap ng buhay dahil lamang sa akin, dahil lamang gusto kong makasama siya.
“Kailangan mong ilihim kung sino ang ama ng iyong dinadala kung hindi ako mismo ang kikitil niyan.”
Takot ako sa sarili kong ina, takot ako na baka kung ano pa ang kaya nitong gawin sa akin, wala na akong magawa pa kundi ang mapahagulhol na lamang sa matinding sakit at lungkot na naramdaman ko ngayon habang pinagmasdan ang unti-unting paglaho ng katauhan ni Jade sa malayo.
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Romance"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...