"Are you sure, Silese. Dito ka muna tutuloy?"
"Oo. Kailangan kong makalayo kay Jade."
Nagtaas kilay ang kaibigan ko. "Why? Did you both fight over something?"
"Mas malala pa diyan Caroline. Di bale, paghanda na ako sasabihin ko sa'yo ang totoo. I will reveal you all the truth but for now dalhin mo muna ako sa magiging kuwarto ko."
"Okay." Aniya at dinala niya ako sa malaking guestroom.
"Puwede na ba 'tong magiging kuwarto mo?"
"Kahit cr magiging kuwarto ko okay lang ako basta't makalayo lang ako kay Jade."
"Mukhang malaki ata ang away ninyo ni Jeoffrey. May nangyari ba sa inyo?" Naumid ang dila ko at napaubo ako sa tanong ni Caroline.
"May nangyari? What do you mean?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Fights! Over something! Madalas iyon na talaga ang pinag-aawayan n'yo diba? Kahit sa maliit na bagay." Nakahinga ako nang malalim. Akala ko kasi ano na.
"Nasaan pala sina tita at tito?"
"On out of town."
"So!?" Untag ko at nag-aatubiling tapusin.
"So what?" Defensive na tanong ni Caroline at tinaasan niya ako ng kilay. Lumikha ang pilyong ngiti sa labi ko.
"So kayo lang dalawa ni Neville ang magkasama rito?"
Biglang pinamulahan ng mukha si Caroline at nakahalf-open mouth na wari hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Hindi kaya! May mga katulong naman."
"Hmm. I see."
"Tskkk! Huwag ka ngang dirty minded d'yan!"
"Aminin mo na kasi sa akin na may nararamdaman ka kay Neville." Siniko ko siya.
"Ano ba Silese! Baka marinig ka no'n! Ewan at kung ano pa ang magawa ko sa'yo!"
"Well, kung ayaw mong sabihin, okay lang sa akin. But I see from Neville's eyes na may nararamdaman siya para sa'yo."
"You sure?"
"At bakit ka naman interesado. Don't tell me gusto mo rin siya?"
"Excuse me! He is only my driver."
"Yes of course Caroline! That's why he can drive you crazy!"
Nakita kong nagblush si Caroline sa sinabi ko.
"Tumahimik ka nga!" Saway niya sa akin at tumayo 'to.
"Hoy saan ka pupunta?"
"I have just to check something! Nalimutan kong sabihin kay yaya Ding ang niluto kong cake sa oven." Aniya at pagbukas nito ay bumungad ang patalikod na si Neville.
"Neville?" Sambit ni Caroline.
Pumihit paharap si Neville at may dala itong mangga na nakalagay sa supot. Ngumiti siya subalit pagak ang ngiting iginawad niya na tila ba ay may naramdaman itong kirot sa kaibuturan ng puso niya.
"Ahh. Ma'am Caroline. Ito na po 'yung manggang inutos n'yo sa akin." Ibinigay niya iyon kay Caroline at kinuha naman ng kaibigan ko.
"Thanks Nev, kanina ka pa diyan?"
"Ahh. Hindi po ma'am Caroline. Kararating ko lang. Ahh sige po aalis na ako."
Napatingin sa akin si Caroline pagkatapos umalis ni Neville.
"Baka narinig niya ako Silese."
"Well, you just said that he is only your driver at sa tingin ko kung ako mismo ang nakarinig niyon at tungkol sa akin. Of course masasaktan ako."
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Romance"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...
