Kabanata 6

7.8K 68 0
                                    

"Silese!" Agaw atensyon ni Jackson nang makita nitong taimtim akong nakatanaw sa mukha ni Jade.

"Yes Jack?" Tanong ko habang nakangiti nang malapad.

"Are you free?"

"Yes! Mamaya pa ang pasok namin." Tugon ko. Biglang napakagat labi si Jackson at napatingin ako roon sa mapulang labi niya at nakita niya akong nakatingin doon. Kahit si Jade ay nahuli niya akong nakatingin dahil bigla itong nag-iwas ng tingin at nagsmirk na tila hindi nagustuhan ang tinuran ko. Paki ko sa kanya. Bakit ba kasi siya nandito? Bakit ba kasi umaaligid 'tong engot na 'to.

"Puwede mo ba akong samahan sa library? May hahanapin lang ako na mga books to cope up with all my subjects." Utas ni Jackson at nahihiya itong tumingin sa akin. Alam kong gusto lang niya akong makasama at makausap. Ginawa lang niyang rason ang mga libro. Too lame.

"Oo naman!" Agad kong tugon. Narinig kong tumikhim si Jade kung kaya bumaling ang atensyon ko sa kanya. He glares at me; tila gusto niyang ipahiwatig na bawal akong sumama sa kanya.

"Excuse Jackson. Kailangan ko lang kausapin si Jade." Hindi na ako nakapagtiis. Hinila ko si Jade palayo at pinisil ang gilid nito.

"Aray! Ano ba Silese!" Saway niya.

"Hoy! Engot! Huwag mo ngang pakialaman ang moments ko. Mas mabuti nang manahimik ka na lang!" Naiinis kong bulong at gusto ko na talagang isigaw iyon.

"Ano bang problema mo?" Nagmaang-maangan nitong tanong. Nakadungaw ang mukha nito kung kaya amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Muli kong pinisil ang gilid ng katawan niya dahilan upang mapasigaw ito nang malakas. Biglang nagtinginan ang mga estudyante na naroon.

"Ikaw ang problema ko Jade! Simula nang nagkakilala tayo. You have been always a pain in my ass."

Bumuntong hininga siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Hindi ko alam kong ano ang iniisip niya. Marahil nasaktan siya sa sinabi ko ngunit wala na akong pakialam.

"Bakit? Ano bang ginawa ko sa iyo? Is it my fault if you find me attractive, Silese?"

Halos maisuka ko lahat ng dugo na mayr'on ako sa katawan. Kung puwede lang sana ay ginawa ko na sa harapan niya para mahilamusan ang mukha nito at magising sa katutuhanan. Pero hindi ko rin maipagkakait na minsan nalilito ako sa anumang nararamdaman ko para sa kanya. May oras na gusto ko siyang makita at may oras din na naiinis ako sa kanya at ayaw ko siyang masilayan. I don't know what's happening on me. Pero sigurado ako na marahil hatred lang itong naramdaman ko para sa kanya. Sino bang hindi maiinis sa kanya na parati itong nambabara; at kahit sa anong gawin mo parting may komento ito. Oh di siya na ang magaling diba.

Kusang tumaas ang kamay ko at akmang sasampalin ko na sana si Jade nang biglang nagsalita si Jackson sa likuran.

"Insan, Silese!"

Humarap ako kay Jackson at ngumiti. "So ano? Pupunta na ba tayo o magbibihis ka pa?"

"Wait! Magbihis muna kami ni insan."

Minasdan ko ang magpinsan na humakbang papalayo; kahit dito sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko ang bulungan ng mga kababaihan at sigawan. Tila para silang nakakita ng mga sikat na artista. Matiyaga akong naghintay, habang binibilang ko ang mga taong dumaraan sa harapan ko. Nakasanayan ko na iyon simula pa bata pa ako. Minsan nga binibilang ko nang paulit-ulit ang mga daliri ko. Hindi kuntento sa katutuhanan na hanggang sampong daliri lang mayroon ang kamay ko. Mabuti na lang dahil bumalik si Caroline na may dalang pop corn.

"Silese! Sinong hinihintay mo?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at bahagyang ngumiti. "Si Jackson."  

Stepbrother's Play (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon