Kabanata 7

6.9K 62 0
                                    

Galit na galit akong pumasok sa loob ng malaking bahay; umusok ang ilong ko at sumulak ang dugo ko. Nag-iinit ang buo kong katawan. Paano ba naman kasi; pagbukas ko sa locker ko ay may nahulog na naman na masturbated brief na may markang J.J. Wala na akong ibang suspect kundi si Jade. Siya lang ang may lakas na loob na gawin iyon sa akin. Fool! What he thinks about me? Tulad ng mga babaeng kinama niya na malalndi? Pwes hindi ako ganoon. This time ipapatikim ko sa kanya kung paano ako magalit. Kalbuhin ko siya, balatan at bubunutin ko ang mga ngipin at kuko niya. Kung puwede lang magkatotoo ang nasa isipan ko, malamang patay na ngayon si engot.

"Delia!" Tawag ko sa isang katulong nang makita ko ito.

"Ma'am ano po?"

"Nasaan si Jade?"

"Si Jeoffrey ho?"

"Oo. Nasaan siya?"

"Nasa itaas, nasa kuwarto niya. Aniya hindi raw siya magpapadisturbo dahil gusto niyang magpahinga."

"And so wala akong pakialam." At tuluyan ko nang nilandas ang kuwarto ni Jade.

Pak! Sinipa ko ang pinto ng kuwarto ni Jade at agad itong bumukas. Mabuti na lang dahil hindi nito sinirado.

"Jade!" Sigaw ko subalit walang sumagot.

"Jade!" Galit kong sigaw. Nilandas ko ang kama niya at doon ko siya nahagilap na nakahilata sa kama.  Kinuha ko ang unan at hinampas sa mukha niya.

"Hoy! Gumising ka!" Sigaw ko. Ilang ulit kong hinampas ang mukha niya bago ito nagising. Parang mantika kung matulog ang engot.

"Ano?" Magaspang nitong tanong habang nakapikit pa rin ang mga mata.

"Bakit mo nilagyan ng masturbated brief ang locker ko?"

"Puwede ba. Lumabas ka nga. Hindi ko alam iyang pinagsasabi mo." Mahina niyang wika habang nakapikit pa rin ito.

"Gumising ka nga!"

"Gising ako."

"Dumilat ka!"

"Paki mo?"

"Tingnan mo itong brief mo! Alam kong sa iyo ito! May markang J.J at ikaw lang ang suspect ko na maaaring magduplicate ng susi ko. Give me the key." Tinakpan niya ng unan ang mukha nito at hindi ako pinansin. Nangagalaiti na akong nakatingin sa kanya. Kunti na lang at sabunutan ko na siya nang wala sa oras. Hinablot ko sa kanya ang unan at hinagis sa mukha nito ang masturbated brief.

"What are you! Idiot!" Sigaw niya habang hinagis nito ang underwear at bahagyang umupo sa kama. Matalim itong nakatingin sa akin ngunit di maipagkakaila na matamlay ang mga mata nito.

"You keep on accusing me the things I've never done to you! Is that really what you think about me? Ganyan na ba ako kababaw sa tingin mo? Damn Silese! Bakit ko pa iyan gagawin kung alam ko naman sa sarili ko that I can fuck all the girls I want kung gugustuhin ko lamang. Now get out! Kung ayaw mong ako mismo ang kakaladkad sa iyo!" Galit niyang sigaw.

Nakatayo lang ako sa harapan niya at walang namutawi sa bibig ko. Ngayon ko palang nakitang galit na galit sa akin si Jade.

"Get out!" Aniya ngunit tila ayaw kumilos ng mga paa ko. Tumayo si Jade mula sa kama nito at lumantad ang hubo't hubad niyang katawan. Tanging brief lang nito ang naiwan. Mas lalo akong napako sa kinatatayuan ko habang pinagmasdan ang maganda niyang katawan. Ngayon ko palang nakita nang malapitan ang katawan nito and I can see that he has a perfect body. Words are not enough to describe him. Hindi ko namalayan na dumapo na pala ang kamay niya sa braso ko at mahigpit niya akong hinawakan. His hands are hot na parang nagliliyab na apoy. Gusto niya akong itulak palabas; subalit wala itong sapat na lakas bago ko pa mamalayan ay unti-unti na itong humandusay kaya agad ko itong sinalo gamit ang braso ko.

Stepbrother's Play (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon