"Thanks Caroline, thanks Neville. Take care!" Sigaw ko matapos nila akong ihatid. Kumaway si Neville bago tuluyang sinirado ang bintana ng kotse.
Napasinghap ako ng hangin nang dumaan ito sa mukha ko. Unti-unti nang natakpan ng kadiliman ang mundo, senyales na gumagabi na. Inayos ko muna ang aking sarili bago tuluyang nagdoorbell. Agad naman akong pinagbuksan ng guard at sinalubong ako nang malapad na ngiti.
"Good evening ma'am." Bati niya sa akin. Binalik ko sa kanya ang ngiti bago tuluyang pumasok sa loob ng mansyon.
Sa di kalayuan, sa sala, naaninag ko ang tatlong taong napahagulgol sa tawa na halos nag-uumapaw sa buong mansyon. Napakunot noo ako habang pahakbang patungo sa kanila. Madaanan ko pa kasi ang sala bago ako tuluyang makaayat sa itaas ng kuwarto ko. Kaya wala ring saysay kong iiwasan ko sila.
Umasim ang tiyan at mukha ko nang mapagsino ko ang tatlo habang nanonood ng american pie. Napansin kong nakapulupot ang braso ni Jade sa baywang ni Hansel habang nakahilig naman ang ulo ni Hansel sa dibdib ni Jade. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at sa oras na iyon, I tell you, parang piniga ang puso ko at gusto kong maglaho sa kinaroroonan ko. Gusto kong maiyak. Matapos kong naibigay sa kanya ang pagkabirhen ko ay walang pasabing sasaktan niya ako nang ganito. Well, this is my fault, kung hindi ko hinayaan ang sarili ko ay sana hindi ako nasasaktan nang lubusan.
Dahan-dahan akong humakbang sa kanilang likuran, I don't want them to see me. Pero nabigo ako nang napansin ako ni Jheyo.
"Silese!" Tawag ni Jheyo sa akin. Napahinto ako. Huminga nang malalim bago pumihit paharap sa kanila. Pinilit kong ngumiti kahit sa kaibuturan ay gusto ko nang sumigaw sa matinding galit at selos. Kampante ako sa nararamdaman ko. I feel something for Jade.
"Jheyo." Sambit ko.
"Why don't you join us kaya?"
"Ahh. I'll be back. Magbibihis muna ako." Bahagya kong tinapunan ng tingin si Jade. Hindi man lang ito nakatingin sa akin habang buong atensyong nakatutok sa flat screen tv.
Nagmamadali akong umakyat sa hagdan. Pagkarating ko sa aking kuwarto, agad kong nilock at di nagpaalo ang mga luha ko at tuluyang bumuhos kahit anong pilit kong pagpupumigil. Tahimik akong napahikbi at dahang-dahan tumungo sa kama. Humilata ako at napayakap sa unan habang patuloy ang ginawa kong pagtangis. Ilang minuto akong nagmukmok hanggang sa nakarinig ako ng katok.
"Silese!? Are you okay?" Tanong ni Jheyo mula sa labas ng kuwarto.
"Ahh. Yes Jheyo. Give me more time. Magbibihis muna ako at magpapaganda. Nakakahiya naman sa'yo kung ang dungis-dungis kong tingnan."
"You don't need too. Maganda ka na sa paningin ko." Lumabas ang pagak na tawa mula sa bibig ko.
Naghilamos ako ng mukha para mawala ang pamumula ng mata ko. Habang ginagawa ko 'yon, hindi ko mapigilang mapatingin sa salamin at kusang pumapatak ang luha mula sa mga mata ko.
"Kahit gaano pa ako ganda. Am I not enough? Hindi pa ba ako sapat?" Bulong ko sa aking sarili.
"Hindi pa ba ako sapat kay Jade? Matapos niyang makuha ang gusto niya sa akin. Tapos ganito lang? Babalewalain niya ako na tila ba walang nangyari sa amin!"
Nagsuot ako ng ice blue blouse na hanggang kalahating binti habang sinabintan ko ng blue sapphire na kuwentas ang leeg ko at naglip gloss. Nag-uumapaw ang ganda ko habang pinagmasda ko ang aking mukha sa salamin.
Lumabas na ako mula sa kuwarto at tumungo sa sala. Malapad na ngiti ang sinalubong ni Jheyo sa akin, kahit sa malayo ay hindi ito makamayaw sa pagtitig sa akin at nang malapitan ay halos kumikislap ang kanyang mga mata habang nakatulalang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Romance"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...