Matapos magpahula ni Caroline, umalis na kaming tatlo at nagdesisyong hanapin si Jade. Kinakabahan kasi ako na baka totoo ang sinabi sa akin ng manghuhula na isang babae ang sisira sa aming pagmamahalan ni Jade at hinding-hindi ko iyon matatanggap. Kaya kailangan kong makita si Jade ngayon at babawian ko mula kay Hansel. I don't care kung ano ang sasabihin nila sa akin. I will fight my love.
Nakita ko si Jade sa tumpukan ng mga kababaihan. Pinapalibutan siya ng mga ito at halos hubaran na siya. Sumulak ang dugo ko, I don't want somebody around him and foremost of all I don't like anyone touching him except me because if they do, I'll swear! I'm gonna dig the hell to thrust them into it. Mas lalong umusbong ang inis na naramdaman ko nang makita ko si Hansel na nakapulupot sa braso ni Jade habang bumulong-bulong ito sa tainga nito. Napansin kong hindi nagustuhan ni Jade ang ginagawa niya dahil halos magkalapit na ang mukha nila at pinipilit ni Jade na umiwas.
"Jeoff, lets go to my condo unit. Drive me home and drive me crazy." Naririnig kong wika ni Hansel habang nagtawanan ang mga babaeng nakapalibot sa kanila.
"Hansel! I think, you are drunk! I think I must go." Rinig kong tugon ni Jade at pinilit nitong makawala sa yakap ni Hansel. Umusok ang ilong ko. Ilang oras na lang at magliliyab na ang buhok sa matinding inis.
"No! I'm not!"
"You are, I'm going to call your brother para sunduin ka niya."
"Are you not gonna drive me back home Jeoff? Lets play the night." Malandi niyang tugon.
"Oo nga naman Jeoff. Why not go with Hansel. She is sexy and hot." Giit naman ng matalik na kaibigan ni Hansel na si Veronica. Kasama niya si Devdan na kasalukuyang nakatingin sa amin.
"No. I have to find Silese. She is my obligation."
Hindi na ako makapagtiis nilapitan ko sila at sumundot sa umpukan. "Excuse me!" Gagad ko. Tinulak ko si Veronica dahil ayaw niya akong padaanin.
"What duh!" Usal niya at matalim na nakatitig sa akin. Gusto kong tadyakan ang mukha nito.
"Hoy babae! Magsorry ka sa kaibigan ko!" Sigaw ni Hansel at tinawag pa talaga niya akong babae. I'm not just a girl!
Hinila ko sa kanya si Jade. "Lets go Jade!" Palayo sa kanilang umpukan. Dinala ko siya madilim na lugar at walang katao-tao at niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at napaiyak ako. Sinubsob ko ang mukha ko sa malapad nitong dibdib.
"Hey! why are you crying!?" Nagtataka niyang tanong. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko.
"Please call me your sunrise." Tumingin ako sa kanyang mga mata. Nakabakas sa mukha nito ang pagtataka. Hinawakan niya ang mukha ko.
"My sunrise. What happened? Is there anything wronng? May masakit ba sa katawan mo?"
Tinuro ko ang puso ko. "Dito ang masakit Jade. Dito sa puso ko. I don't want seeing you with Hansel." Muli ko siyang niyakap nang mahigpit. Hindi ako magsasawa sa masculine signature smell nito. Narinig ko siyang tumawa nang mahina.
"I'm not gonna replace you just for Hansel sunrise. You are far to be replacable. You are mine and only. Ako lamang ang magmamay-ari sa'yo." Bulong niya habang hinawakan nito ang mukha ko. Tinititigan niya nang maigi ang mata ko na tila ba gusto niya iyong matandaan hanggang sa huling hininga nito. Napapikit ako nang dumapo ang mainit at malambot niyang labi sa labi ko. And for a seconds I feel the world stops rotating from its axis. I only feel our hearts beating. And for that moment I am sure that I have been destined to be his and he has been fated to be mined only and alone.
Kumalas kami sa isa't isa nang makarinig kami ng tikhim. Napalingon kaming dalawa ni Jade at si Caroline at Neville iyon.
"Sorry..." Untag ni Caroline. "Akala namin kung ano na ang nangyari sa inyo. Lets get out of here, Silese! Hinahanap ni Hansel si Jeoffrey at nagwawala siya sa plaza. So you both better hide."
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Romance"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...