FNL: Kabanata 16

6K 51 4
                                    

Pagkatapos kong magbihis, tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang mukha ko. Lumikha ang malapad na ngiti sa labi ko nang makita ang maganda kong mukha. Sinumang makakita sa akin ngayong gabi ay tiyak na mahuhulog sa akin. Naglipstick ako bago tuluyang lumabas mula sa kuwarto. Pagkalabas ko agad bumungad sa akin si Jade na matamang na naghihintay sa akin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa at natulala ito sa kariktan na mayroon ako. Halos lumugwa ang mga mata nito dahil sa maputi kong legs.

I just roll my eyes at kinaway-kaway ko ang kamay sa harapan nito.

"Hello! Titigan mo lang ba ako magdamag?" Saway ko at bumalik naman ito sa katinuan niya.

"Ahh. Lets go?" Anyaya niya.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

"Basta!" Aniya at hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop. Hinila niya ako palabas at hinayaan ko lang siya habang nakatitig sa kamay naming magkahumpong. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang sensasyon na sumiklab sa buo kong katawan. Ngayon ko palang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Para akong dinuyan sa langit habang magkahawak kamay kami ni Jade. Unti-unti ring lumalakas ang tibok ng puso ko at pakiwari ko ay naririnig ni Jade ang hiyaw ng damdamin ko.

"Nakikinig ka ba sa akin?" Tanong ni Jade. Hindi ko namalayan na kinakausap pala niya ako. I'm too occupied to think this feeling within my heart. Napahinto siya at napatingin sa magkahawak naming kamay, ngayon lang niya napansin na magkahumpong pala ang mga kamay namin, umangat ang kanyang paningin at nagtama ang mga mata namin.  Para akong hinihila sa kulay asul nitong mata. Lumandas ang tingin ko sa mapupulang labi nito. His look is undeniable and irresistible. Sinumang kaharap nito nang malapitan ay tiyak mahuhumaling sa karismang dala niya.

Nagkalas kami sa pagkahawak kamay na wari ba ay napaso sa isa't isa. Na parang nakukuryente kami. Na tila may pagitan sa aming dalawa.

Pumasok kaming dalawa sa kotse nitong mercedes. Katahimikan ang namayani habang nasa gitna kami ng biyahe. Pero kahit pa man, paminsan-minsan nahuhuli kong nagnanakaw tingin si Jade sa akin at agad naman itong umiiwas sa tuwing hinuhuli ko ang tingin niya. Sa simpleng ganito ay hindi ko mapigilan na mapangiti na parang kambing.

"Why are you smiling?" Tanong niya sa akin nang mahuli niya akong ngumiti.

"Wala! Hindi ba puwede? Masaya lang ako." Tanging tugon ko. Nakita kong napangiti rin ito at napapailing.

Ilang minuto ang biyahe namin bago kami tuluyang makarating sa pinupuntahan namin. Sa isang mansyon huminto ang kotse at agad sumalubong sa amin ang maingay na tugtog mula sa loob.

"Party?"

"Ahh. Yes, my friend's 21th birthday, Jheyo Alexander Carter." Aniya.

Hindi na kami nagpapatumpi-tumpi pa, agad kaming pumasok sa mansyon, pinakita ni Jade ang invitation card at tuluyan kaming nakapasok. Sinalubong kami ng dagat ng mga taong nag-uusap at nagsasayawan. Bumaling ang kanilang atensyon sa aming dalawa ni Jade at halos lumugwa ang kanilang mga mata habang nakatingin sa amin. Sino bang hindi bibilog ang mata kung makikita nila ang taglay naming kaguwapuhan at kagandahan.

Sinimplehan ko lang naman ang attire ko. Nagsuot ako ng itim na casual na hanggang hita habang backless ito na malayang inilantad ang maputi kong balat. Ang desenyo ng casual ay tumulong din upang mas lalong mahubog ang maalindog kong katawan. Habang si Jade naman ay nakasuot ng khaki short at semi stripe longsleeve na tinupi nito hanggang braso. Bumagay iyon sa kanya, ngayon ko lang napansin na kulay golden-browned na ang curly hair nito na mas lalong bumagay sa kanya at hindi na ito faded red.

"Jeoffrey! I'm glad you came here!" Tawag ng isang lalaki habang nakabakas ang malapad na ngiti nito sa kanyang pisngi. May dimple siya sa kaliwang pisngi niya na mas lalong nagbigay ng attraction sa mukha nito. Magalak niya kaming sinalubong.

Stepbrother's Play (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon